Chapter III
"Wow, bongga naman ng celebration ni Tita Jane at Tito Tom ng 25th wedding anniversary nila ano?" Komento ni Emerald.
Nasa isang hotel sila kung saan isinicebrate ng mag asawa ang wedding anniversary ng mga ito. Ang mag asawa ay kapitbahay nila sa subdivision. Naging malapit silang magkakaibigan dito. Noong nasa college kasi sila ni Ray ay nagpapatulong sila sa mag asawa tungkol sa subject nila na baking. Pareho kasing patissier ang mag asawa. Sa katunayan nga ay may sariling bakeshoppe ang mga ito, ang Sweet Jane Bakeshoppe, na popular na sa bansa. Mabait ang mga ito sa kanila. Ayon dito ay naalala daw ng mga ito nag iisang anak na lalaki ng mga ito na nasa ibang bansa. Nitong nakaraan ay nabalitaan nila na nakabalik na daw ang anak nito pero di pa nila yun nakikita.
Nakaupo silang tatlo sa isang table ng makita nila na lumapit sa kanila ang mag asawa. Tumayo silang tatlo at bineso nila ni Emerald ang mga asawa at si Ray ay simpleng handshake ang ibibigay kay Tito Tom at bumeso din kay Tita Jane.
"Buti nakarating kayo. Tamang tama maipapakilala ko na sa inyo ang aming unico hijo." Nakangiting sabi ng ginang.
"Talaga Tita? Baka sya na yung destiny ko." Pagbibiro ni Emerald. "For sure kay gwapo nun." Dagdag pa nito na ikinatawa ng mag asawa.
Half spanish kasi ang anak ni Mrs. Reyes sa unang asawa nito na spanish na namatay dahil sa isang aksidente. Isang taon pa lamang ang anak nito nun. Di kalaunan ay nag asawa itong muli at yun ay si Mr. Reyes na nakilala ng ginang sa isang seminar ng magbalak itong magnegosyo gamit ang naiwan dito ng unang asawa nito. Nang magkasundo ang dalawang magpakasal ay pinagtulungan ng mga ito na maitayo ang unang bakeshoppe ng mga ito. Hindi nagkaanak ang dalawa kaya tunay na anak na rin ang turing ng lalaki sa anak ni Mrs. Reyes.
"Naku, ikaw talaga hija." Anang Mr. Reyes. "Hahanapin na muna namin ang batang yun at nang maipakilala na sa inyo."
"Sige po Tito, wag nyo nang pansinin ang babaeng to." Tonong pagbibiro ni Ray.
Natawa ang mag asawa sa kakulitan ng dalawang kaibigan nya. Nagpaalam ang mga ito na aalis muna sa table nila.
Nagmamasid-masid sila sa paligid ng kalabitin sya ni Emerald. Nilingon nya ito.
"Jam, di ba si Mr. Handsome pogi yun?" Anito at itinuro ang lalaking kakapasok pa lang sa hotel ballroom entrance.
Tiningnan nya ang itinuturo nito at si Wind nga yun. Mr. Handsome pogi kasi ang naging tawag ni Emerald dito.
"Oo nga noh? Magkakilala pala sila nila Mrs. Reyes?" She mumbled.
"Eh diba naikwento mo na patissier sya?" Tanong ni Ray na narinig pala ang sinabi nya.
Tama ito. Karamihan kasi ng bisita ng mag asawa ay katulad nito ng propesyon.
"Sayang. I thought he was you're destiny, hindi pala. May girlfriend na sya." Nanghihinayang na sabi nito.
Pasimple nya ulit na tiningnan si Wind. Ngayon nya lang napansin ang kasama nito kaya lang di nya maaninag ang hitsura nito kasi medyo natagilid ito ng nakikipag usap kay Wind.
At dahil nakatingin pa rin sila kay Wind kitang kita nila na sinalubong ito nina Tita Jane at Tito Tom. At ngayon ay patungo ito sa may direksyon nila.
"Oh my!" Emerald suddenly exclaimed. Sabay tuloy silang napatingin ni Ray dito.
"Oh My dyan, ano na namang kaartehan yan Emerald?" Sabi ni Ray.
Hindi na nakasagot si Emerald dahil nasa table na nila ang mga taong pinagmamasdan nila kanina.
Nakita nyang nagulat si Wind ng makita sya. "Jam??" Di makapaniwalang tanong nito.
BINABASA MO ANG
By Chance (You and I) [Completed]
General Fiction[Completed] Jam was already a successful business woman at a young age. She is still single and didn't complain about it. Then nakilala nya si Wind na noong una pa lang ay pinagkamalan syang carnapper dahil lang sa pagtambay nya malapit sa kotse nit...