TFG 4

0 0 0
                                    

MAI POV

So ayun nga nalaman ko na ang lahat. Napaisip tuloy ako kung may pag-asa ba kami? Kasi naman hindi naman ako aasa not until I heard what he said a while ago.

F L A S H B A C K
'Ok ka na?' tanong ko kay Carl pagkatapos niyang ikwento ang lahat lahat

'Oo, medyo, thank you kasi palagi kang nandyan kapag kailangan ko ng taong makikinig sakin.' sabi ni Carl at niyakap ako

'What's are bestfriends for, right?' natatawa kong sagot habang yakap ko din sya

'Alam mo minsan, naiisip ko sana ikaw nalang una kong nakilala, kasi you are every guys ideal type' sabi niya na ikinapula ng pisngi ko buti nalang di niya nakita

'uhm, Kuya Carl? Tama na yung yakap? Yung mama mo nakatingin na satin' sabi ko at humiwalay na sa pagkakayakap.
END OF FLASHBACK

Sa tingin ko dapat ko na syang layuan for now. It's not healthy.

THE NEXT DAY
Pumasok ako ng maaga, as in maaga para hindi na niya ako masundo at nagbilin na rin ako kay mama na sabihan si Carl na pumasok ako ng maaga kasi it's Friday at kapag Friday ako ang in charge at ang GSP squad ko ang magbabantay during the flag ceremony.

Nang i-check ko yung linya ng mga 4thyear at section ko na ang sunod kong i-che-check, napakunot ako nang makita kong magkasama na sila Cass at Carl na natutuwa naman ako kasi sa wakas ok na sila. Napailing nalang din ako. Nang napatingin naman sa gawi ko si Carl at Cass tinawag nila ako.

"Uy bunso" at sabay silang kumaway sakin na kinawayan ko naman pabalik.

Pero sa isip ko hindi ko alam kung paano ko hindi papansinin si Carl eh kasi naman magkatabi kami sa seating arrangement sa lahat ng subject. *Deep sigh*

Nasa last subject na kami ngayon at heto si Carl patingin tingin lang sa gawi ko, pano ko nalaman? Syempre, nakikita ko sa peripheral vision ko tsaka nasa gilid ko lang kasi talaga siya.

Pagkauwi ko sa bahay ay pagod na pagod ako. At hindi ko na naabutan si mama. Naalala ko nanaman ang sinabi ko kay ate Cass na hindi ako sasabay sa kanilang dalawa kanina at nagulat sya kasi nga naman sabay sabay kaming tatlo, una, ihahatid namin si ate Cass tapos ako yung huling ihahatid ni Carl. Pero ngayon nakakapanibago daw, sabi ni ate Cass.

F L A S H B A C K
'Ate Cass, Hindi po ako makakasabay ngayon kasi ihahatid na namin si mama sa airport.' totoo naman kasi yung alibi na yun kasi ngayon din ang alis ni mama. Nakita kong nagulat si Cass sa sinabi ko

'ah ganun ba? Sige sige.' sabi niya

'sige po, alis na ako.' paalam ko

'Mai, wait lang' tawag sakin ni Cass

'bakit po?' tanong ko

'Nag-away nanaman ba kayo ni Carl?' tanong niya

'Po? Hindi po. Ate Cass una na po ako nagmamadali kasi ako.' sabi ko

'ah sige, ingat ka naninibago lang ako. Pakisabi kay tita ingat' sabi niya at tinanguan ko naman

END OF FLASHBACK

HAYYS ano naman kay yung eh aalibi ko sakanya sa Lunes?
------------------
MaiNote: hi there, I hope you like this chapter. Nakakatamad na tapusin char haha. Thank you for reading. Please leave a comment, i want to know your thoughts about it. Hihi

Taken For GrantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon