TFG 3

0 0 0
                                    

Carl POV

Dali dali kong hinila si Mai papuntang cafeteria para makatakas sa realidad

"Carl! Bitiw! Anu ba?" Inis na Sabi ni Mai habang gustong kumawala sa pagkakhawak ko sa kamay niya habang mahigpit na hawak ko ito.

"Sorry Mai" Sabi ko nalang at hinila ko ulit siya palabas ng cafeteria papuntang  bleachers Kung san mahilig kami tumambay na dalawa.

Nang makarating na kami sa tamabayan naming dalawa ay napaiyak na ako, bading man pero ito ang gusto kong mailabas.

"Carl?" Sabi ni Mai nang hawakan niya ang kamay ko at Di ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na siya at umiyak sa kanyang mga balikat

MAI POV
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanilang dalawa pero ang alam ko lang ay nandito ako upang samahan siya sa pagiging emo at sa pagiging malungkot.

"OK lang yan Carl, andito lang ako" Sabi ko sa kanya habang tinatap ang kanyang likod at mas lalo pa syang umiyak

"thank you kasi nandyan ka palagi. Thank you for being my crying shoulder best" Sabi ni Carl

At doon ko na lamang napagtanto na oo nga, hanggang dito lang ako, bestfriend lang ako at hanggang doon lang Yun.

Natapos na syang umiyak nang maisipan naming magcutting sa last subject wala din naman kasing ginagawa kaya dinemonyo ko nalang din tong si Carl at alam Ko namang hindi pa sya handang makita si Cass.

Nakaupo kami ngayon sa sala ng bahay nila habang nagpapapak ng milo nang bigla siyang magsalita.

"alam, mo hindi naman talaga dapat to nangyayari eh." simula niya at ako naman ay napatingin sa kanya na inaantay ang susunod niyang sasabihin.

"Wala naman akong karapatang masaktan ng ganito dahil deal lang naman ang lahat ng ito. Ako, si Cass at ang relasyon namin ay isang malaking kasinungalingan" dagdag ni Carl

"anong ibig mong sabihin?" tanong Ko sa kanya
"Naging kami lang naman kasi, Gusto naming pagselosin yung dalawa pa naming kaibigan" - sagot niya
"you mean, sila Anthony at Jemma?" nagtataka kong tanong
"Oo, kasi dapat ako at Jemma, Ganun din si Cass at Anthony" paliwanag niya
"eh Diba? Si Jemma at Anthony?" takang tanong ko
"Oo, maaaring sila pero kahit pa, mali yung bestfriend kita Tapos papatulan mo yung ex-boyfriend ko" Sabi niya
"wait what? Naging si Ate Cass at Anthony?" OK now I'm confused
"Oo, at sa maniwala ka man at sa hindi sila pa ni Cass nung mga panahong nililigawan ni Anthony si Jemma." Sabi niya na para bang galit
"can you please elaborate? I'm still confuse" - tanging nasambit ko nalang.
"ganito kasi Yun, bago ka pa dumating, ako at si Anthony ay magkaibigang tunay, ganoon na din sila Jemma at Cass. Nang maging magkaklase kami dati nung 2ndyear, naging magtropa kaming apat. Si Cass nainlove kay Anthony pero nung panahong yun nagugustuhan ko na si Cass pero dahil Mas matimbang ang pakikipagkaibigan namin ni Anthony pinaubaya ko sa kanya si Cass at nung malapit na ang term ng 2nd year umamin naman sakin si Jemma na may Gusto daw sya Kay Anthony pero syempre ako naman tong hinarang sya sa kung ano mang balak niya sa relasyong ng dalawa. Tap--" di ko siya pinatapos too much information
" wait teka teka, information overload na Kuya Carl wait lang talaga. " Sabi ko
------------------------
A/N: sorry sabaw ako tonight. Si Seungri kasi eh 😭 finally na reject yung warrant for him 💛👊. I'll try my best sa susunod na update

Taken For GrantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon