CLASSROOM

14 3 0
                                    

I remember this poem. I dedicated this to my classmate when I was Grade 10. HAHAHAHA. They are my inspiration on writing this. But unfortunately, no one read this yet. Enjoy!

~~~~~

C L A S S R O O M

Isang salitang may siyam na letra
Isang silid na may apat na sulok ngunit napakaraming alaala
Mga ala alang ating binuo sa halos apat na taon
At patuloy pang bumubuo bago matapos ang taon

Bakit nga ba tayo nag kasama sama?
Isang mahirap na pagsusulit na ating pare-parehong naipasa
Isang pagsusulit na nagbuklod sa ating lahat at nagkasama-sama
Nagkasama sa mga lungkot at ligaya

Mga kalokohan at katarantaduhang ating binuo
Binuo sa nga nakalipas na mga taon sa loob ng silid na ito
Pagsasama sama ng isang pamilya
Na kahit napakaraming isyung ating pinagdaan ay atin parin itong nilalampasan ng sama sama

At ngayon nga, nabibilang nalang ang mga araw na tayo ay iisa
Ilang linggo nalang tayo'y mahihiwalay hiwalay na ng landas
Landas patungo sa ating mga pangarap na bubuoing magkakahiwalay na

At sana sa pagdating natin sa puntong ito

Wag na wag sana ninyong kakalimutan
Ang ating classroom na ating pangalawang tahanan
Ang tahanang nakasaksi sa ating mga ala-ala
Tahanang atin nang lilisanin at titirhan ng mga susunod na mag-aaral
Kaya sabay sabay tayong mag paalam
Paalam sa Classroom na aming tahanan.

PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon