Sugat

8 2 0
                                    

Masarap sa pakiramdam yung mapag-isa.
Kasi hindi pa naman natin alam yung pakiramdam na may kakampi diba.
Yung may masasandalan ka, na may katulong ka sa bawat problema mo.
Tipong iisipin mong 'wala naman akong dapat puntahan kaya magbababad ako sa mga libro ko',
O kaya 'ngayong araw, magkukulong ulit ako sa kwarto'.

Pero iba pala kapag naramdaman mo yung 'companionship'.
Yung alam mong nasa tabi mo lang sila tuwing malungkot ka.
'One call away' ba kumbaga
Kamustahan araw-araw, nakakatuwang kwentuhan at pakikipagkilala sa isa't-isa.
Sobrang saya ng ganitong tagpo araw-araw hindi ba?

Pero,
Sobrang sakit din pala nung kapalit kapag nawala na yung pakiramdam na ganito.
Yung nasanay kana na kausap sila minu-minuto.
Tapos sa isang kisip mata, biglang anlayo na nila sa'yo.
Na hindi mo na maramdaman yung 'belongness' mo sa grupong nakasanayan mo.
Mapapaisip ka na lang na 'bakit ko pa kailangang maramdaman ito?'.
Sanay akong mag-isa, bakit dumating pa kayo tapos pagkatapos iiwan din ako.

Mapapasabi ka nalang na 'gusto kong ibalik yung oras sa umpisa'
Sa umpisang 'ako lang mag-isa'
Yung wala pang kwentuhang masaya.
Na ako lang mag-isa, nagpapakalunod  sa librong aking binabasa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon