Huling Sayaw

20 3 0
                                    


"Ito na ang ating, huling sandali~
Hindi na tayo magkakamali~"
Ilang araw nalang ang nalalabi
Ang pagsasama sama natin
Malapit na ngang makamit
Ang inaasam asam na sandali.

"Kase wala ng bukas,
Sulitin natin ito na ang wakas~"
Ilang araw pa ang lilipas
Tayo'y maghihiwalay na ng landas
Patungo sa ating mga pangarap
Na atin ng tutuparing watak.

"Kailangan na yata nating umuwi~"
Paghihiwalay ay hindi dapat maging hadlang,
Sarili ang kailangan
Pagiging matatag ang sandata,
At hindi ang pagiging malayo sa isa't-isa.

"Paalam sating, huling sayaw~
May dulo pala ang langit~"
Ito na nga ang araw
Ang araw ng pagwawatak watak
Ang dulo ng ating pagiging isa
Ang dulo ng ating pagsasama.

"Kaya't sabay tayong bibitaw~
Sa ating huling sayaw~"
Atin munang alalahin
Sa natitirang sandali
Mga masasayang ala-ala
Na atin ng naihulma.
Sabay sabay na tatalikod at aalis
Upang humakbang sa panibagong landas
Dala dala ang mga pangaral
Na sa atin ay pinaaral.

"Hawakan mo aking kamay~
Bago tayo mag hiwalay~
Lahat lahat ibibigay~
lahat lahat~"
Tara na't sabay sabay humakbang
Patungo sa mga daan
Daang patungo sa iba't-ibang landas
Daang patungo sa ating bukas.

"Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw."

PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon