Katorse: Chapter 16

3.6K 40 1
                                    

Chapter 16


Unexpected visitor





Karamihan saamin ay tapos nang kumain. Nagpaalam muna ako sakanila na sa taas muna ako para humiga kahit ilang saglit at para makapagpalit ng damit ko. Nangangati na kasi ang paa ko dahil sa pantalon ko kaya naisipan ko na magpalit na lang ng cotton shorts. Matapos ko magpalit ay tinali ko ang buhok ko at humiga sa kama ko habang hawak ang phone ko. Matagal na akong nagpalit ng number, at lahat sila alam ang number ko maliban sa isang tao. Si Sage.



Habang nagtitingin ako ng mga pictures namin kanina ay may narinig akong kumatok sa pinto ng kwarto ko dahilan para mapatingin ako doon, at nang bumukas 'yon, isang tao ang niluwa ng pinto. Isang bisita na hindi ko inaasahan na pupunta.



"Denise." Saad nito at doon narinig ko kung gaano kalaki ang pinagbago ng boses niya. Mas lalong naging boses lalaki ito. Pero agad akong tumayo sa kama ko at lumapit sakaniya.




"Anong ginagawa mo dito, Sage?!" Naitaas ko ang boses ko dahil doon. 'Yong galit na nararamdaman ko apat na taon na ang nakakalipas ay biglang bumalik dahil sa pagdating niya.




"Denise, calm down, andito ako para kausapin ka." Agad akong umirap sakaniya at umupo sa sofa ko na nandito sa kwarto ko.



"Ang lakas ng loob mong magpakita saakin matapos n'ong ginawa mo saakin apat na taon na ang nakakalipas! Ang kapal ng mukha mo!" Agad akong tumayo at mabilis na lumanding ang kamay ko sa pisngi niya. Malakas ang pagkaka-sampal ko sakaniya pero hindi ko pinagsisihan 'yon.




Tumigil siya at nanatili sa ganoong posisyon wala siyang sinabi, ni hindi niya hinawakan ang pisngi niy na animo'y inaasahan ang ganoon kalakas na sampal mula saakin.



"Alam ko, kaya nga nandito ako para kausapin kanat ipaliwanag ang lahat." Tumingin ako sakaniya at isang tawa ang sinukli ko sa sinabi niya, ngunit may luhang lumabas sa mga mata ko.



"Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw ko sakaniya at mabilis na pinagsusu-suntok ang dibdib nito. Nilakasan ko kasi gusto kong maramdaman niya yung sakit na naramdaman ko.




Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang mahigpit niyang yakap, dahilan para mapatigil ako sa pagsuntok sakaniya. Aaminin ko, namiss ko ang yakap niya. Sobra. Pero, galit ang nararamdaman ko sakaniya dahil sa nagawa niya saakin, pero hindi padin maalis sa isip ko na, kaibigan siya ni kuya.

"Pakinggan mo muna ako Denise, please, please, Denise! Inantay kitang umuwi, dahil gusto kong mag-sorry sa'yo, alam kong hindi maibabalik ng sorry ko ang lahat ng pagkakamali na nagawa ko pero sana pakinggan mo muna ako." Binitawan niya ako at tumingin saakin, ilang sandali lang ay umupo ako sa kama at siya naman ay sa dulo ng kama ko. Tumingin ako sakaniya habang naluha padin.



"Denise, sorry. Alam kong mali 'yong nagawa ko nung gabing iyon. Lasing ako, at sobrang dami kong nainom. Alam kong sasabihin mo na, hindi komo lasing ako dapat ko nang gawin 'yon. Nung gabing 'yon Denise, selos ang naramdaman ko, kasi gusto kita." Saad niya pero agad akong nagsalita.



"Gusto mo pala ako pero bakit mo ako binaboy Sage! Bakit?!" Saad ko ng puno ng galit.



"Alam kong binaboy kita Denise, at alam kong mali 'yon dahil katorse ka palang noon, at nagawa kitang rapin. Pero, Denise nagsisisi ako! Sa loob ng apat na taon Denise, inantay kitang bumalik! Inantay kita kasi gusto kitang kausapin! Gusto kong magpaliwanag!" Saad niya at doon nakita ko na ang luhang pumatak sa mga mata niya, "Mahal kita Denise, kaya sobrang nagsisisi ako sa nagawa ko. Kung gusto mo, saktan mo ako ngayon, sipain mo, bugbugin mo at ipakulong mo, okay lang! Kung 'yon yung paraan mo para maging okay, gawin mo!"




Sandali akong napatigil sa pag-iyak ng makita ko ang itsura niya. Aminin ko man o hindi, kita ko ang lungkot at pagsisisi sa mukha niya at sa pagkakataong ito, gusto ko siyang yakapin, pero ayaw ko. Dahil, kailangan kong maging matapang.




"I'm sorry Denise, I'm sorry." Lumapit siya saakin at hinawakan ang balikat ko. "Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako, gagawin ko ang lahat Denise. Please? Sabihin mo saakin kung ano ang kailangan kong gawin para patawarin mo ako." Agad kong tinaggal ang kamay niya na nasa balikat ko.




"Bitawan mo ako, Sage." Tumingin ako sakaniya, "Kailanman, Sage. Hindi kita mapapatawad, kaya please umalis ka na sa kwarto ko bago pa ako may magawa sa'yong hindi maganda." Ngunit hindi padin siya tumatayo.




"SAGE ANO BA?! PLEASE UMALIS KA NA SA KWARTO KO!" Malakas na sigaw ko na siyang kinabigla niya, marahil ito ang unang beses na nakita niya akong ganito kagalit, at wala akong magagawa doon dahil kasalanan niya naman ang lahat.




Agad siyang tumayo at lumabas ng aking kwarto. Heto ako, naiwang mag-isa habang patuloy na tumutulo ang luha ko saaking mata. Agad kong tinakpan ang mukha ako at sa palad ko umiyak.




"Denise." Boses ng isang lalaki ang narinig ko saaking tabi at boses niya pa lang ay kilala ko na siya. Mike.




"M-Mike?" Agad ko siyang niyakap at doon umiyak sakaniyang balikat. "Tama na, huwag ka nang umiyak, alam ko ang lahat ng nangyari. Alam ko ang ginawa sa'yo ni Sage." Agad akong napabitaw sa pagkakayakap sakaniya at tumingin sakaniya.




"A-Alam m-mo?" Tumango siya saakon dahilan para lalo akong maluha, "Sinabi niya ang lahat saakin, nung umalis ka, hinabol ka niya, pero naka-sakay ka na sa eroplano. Nung araw na din 'yon, tinawagan niya ako at inaya sakanila para mag-inom at doon, umamin siya sa lahat ng nagawa niya. Nasuntok ko siya at muntik ko ng mapatay dahil sa ginawa niya pero, kaibigan ko padin si Sage kaya dinamayan ko siya kahit na masakit din saakin ang ginawa niya sa'yo." Bumuntong hininga siya.




"Nangako ako sakaniya na hindi ko sasabihin sa kuya mo, hangga't hindi siya mismo ang nagsasabi sa kuya mo. Ayaw kong makialam sa ganitong bagay pero, syempre kaibigan kita at alam mo naman na malaki ang pagkagusto ko sa'yo, bakit hindi mo sinampahan ng kaso si Sage?" Sa tanong niya, agad akong nanlumo.



"Mike, gusto ko si Sage noon. Gustong-gusto, na kahit binaboy niya ako hindi ko magawang magsampa ng kaso sakaniya, dahil iniisip ko din si kuya. Sobrang tagal na nilang magkakilala ni Sage, at ayaw kong masira ang pagkakaibigan nila dahil saakin. Masakit saakin na mas makitang masaktan si kuya kaysa sa kung ano ang sakit na naramdaman ko nung binaboy niya ako." Tumingin ako kay Mike at hinawakan ang kamay niya.



"Mike, please, ayaw kong makarating kay kuya 'to, ako ang magsasabi sakaniya ng lahat-lahat, hayaan mo muna akong humanap ng bwelo para sabihin sakaniya ang lahat." Naiiyak kong saad kay Mike, ngunit tumango na lamang ito saakin.



"Hindi ako mangangako, Denise, pero pipilitin ko na itago ang lahat sa abot ng makakaya ko." Niyakap niya ako at tinapik ang likod ko.



"Siguro kailangan mo nang ayusin ang sarili mo, kanina ka pa nila hinahanap sa baba, si Sage umalis agad pagkagaling niya dito sa kwarto mo, sinabi niya saamin na tulog ka daw, kaya umakyat ako dito." Tumango ako sakaniya.





"Pakisabi na lang sakanila susunod na ako sa baba, at kapag nagtanong si kuya, sabihin mo kagigising ko lang."







END OF CHAPTER 16

KATORSE (Numerical Series #1) Where stories live. Discover now