Katorse: Chapter 18

3.5K 39 0
                                    

Chapter 18

Safe



I think thirty minutes have passed, but still we are stocked inside this damn elevator! Kanina pa walang kibo si Sage na katabi ko padin ngayon. Hindi ito nagsasalita pero mabigay ang paghinga niya.



"Okay ka lang ba?" Tanong ko sakaniya, hindi ko nakikita ang mukha niya dahil nga madilim.


"Yes, I'm fine. Don't worry." Saad niya at hinawakan ang kamay ko na nakalagay sa kandungan ko. Sa muling pagdidikit ng balat namin ay hindi na ako umalma pa.



"Okay ka na ba?" Tanong niya naman saakin, "Yes, thank you Sage." Hinila ko ang kamay ko at niyakap ang sarili ko. Nabawasan ang takot ko dahil nga, kasama ko siya sa loob.



"How are you? Sa apat na taong nawala ka, wala na akong balita tungkol sa'yo." Saad ko para mawala ang katahimikang bumabalot sa paligid. I heard him chuckled.




"I'm fine, busy sa trabaho as always. Wala namang bago saakin, maliban sa mga branches na naitayo namin. I just keep on waiting for you until you come back home." Mahinang saad niya. Tumahimik ako dahil alam kong may sasabihin pa siya.



"I regretted it, Denise. Sobra. Mike told me na sabihin ko na sa kuya mo ang lahat, pero natatakot ako. Pero, kung balak mo naman na sabihin ito sa kuya mo at sampahan ako ng kaso, tatanggapin ko ang lahat ng 'yon, kasi alam ko 'yon ang kabayaran sa lahat ng mga nagawa ko sa'yo." Habang naririnig ko ang boses niya, unti-unti ako naluha ng mag-crack ang boses niya. He's crying.




"Hindi ko sinabi, Sage. Natatakot din ako, dahil mahal ko si kuya. At kung anuman ang desisyon ko kung bakit 'di ko sinabi, saakin na lang 'yon." Bumuntong hininga ako.




"I loved you, Sage. And I'm afraid to confess it kasi malayo ang edad natin. Alam kong alam mo 'yon, at ayaw ni kuya ang ganoong bagay. I trusted you so much, I almost treat you as my second brother. Pero, matapos lahat ng ginawa mo saakin, heto ako at kinakausap ka padin." Bumuntong hininga ako.




He placed his hand around my shoulder, "I know you're mad at me. At hindi ko maiaalis 'yon sa'yo. I'll ask you to marry me, para mapanagutan ko ang nagawa ko."




Hindi ko man makita ang mukha niya pero dama ko na malapit ito sa mukha ko. Huminto ang oras saakin matapos kong marinig ang sinabi niya. Kakaiba sa pakiramdam. Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ko ang mabilis na pagtibok nito. Sobrang bilis. Naramdaman ko na ito sakaniya noon, at ayaw kong maramdaman ulit.




"Sorry, but I have Calix now, Sage." Tinanggal ko ang kamay niya na nasa balikat ko at niyakap ulit ang sarili ko.




"I know, but I won't take a 'no' as am answer, Denise. I'll make you mine again."



"I am not yours from the start, Sage."



"Yes, you aren't. But, I'll make sure you'll going to be mine." Saad niya.



Magsasalita pa sana ako pero bigla na lamang may malakas na ilaw na tumama sa mukha ko dahilan para takpan ko ito gamit ang kamay ko.



"Denise!" May taong lumapit saakin at mahigpit akong niyakap. I know this guy, it's Calix.



"You're safe now, don't worry. Okay?" Tinulungan niya akong tumayo at hinila palabas. Paglabas ko ay agad akong niyakap ni ate Kat at ni kuya.



"Thank God, you're safe!" Saad ni ate Kat at niyakap ako ng mas mahigpit. Napangiti na lang ako dahil doon.



"Sino ang kasama mo sa loob?" Tanong saakin ni kuya, "I'm with Sage." Pagka-sabi ko nun ay lumabas si Sage at inaayos ang kaniyang polo.



KATORSE (Numerical Series #1) Where stories live. Discover now