Nag drive si Gianne papunta sa may beach.. gabing gabi na ng makarating kami doon ang ganda kasi ang lakas ng hangin… ang tahimik… yung alon lang angn maririnig mo..at maganda din yung langit maliwanag yun kasi puro stars ang damidaming stars ngayung gabi… ipinatong ni Gianne ang coat nya sa balikat ko..at binigyan ako ng panyo..gentle man din pala…xD.. niyakap nya ako..nya ako ng mahigpit..
Kumalas ako pero hinigpitan nya pa ang yakap “sige wag mong pigilan mas masakit yan kapag sinaliri mo lang yang yan sige na iiyak mo na.. wag mo ng pigilan ok lang…”
WAHHHHAHAHAHAHAHH!!...ang lakas ng iyak ko… pero gumaan ang pakiramdam ko… kasi siguro may dumamay sa akin at naiyak ko na rin.. kasi… alam ko ang dami ng luhang bumagsak galling sa mata ko kasi naramdaman kong basing basa na yung balikat ni Gianne dahil sa luha ko.. nalabas ko lahat ng sama ng loob ko nag flash backs kasi sa akin yung nangyari..WAHHHHHAAHAHHAHAAHHHH.. mas lalong lumakas ang iyak ko kaya mas niyakap nya ako.. ngayun lang may gumawa nito sa akin sya lang ang nagcomfort sa akin ng ganito… bumibili lang kasi sila Jessa at Kyle ng ice cream at kinakain naming yun tapos ok na ako.. pero yung pag-comfort ni Gianne mas nakakagaan ng pakiramdam..may kabutihan din pala sya..
Nang okay okay na ako nabawasan na ang sakit ng sugat ng kahapon ay pumasok na kami sa isang beach house.. simple lang ito.. yung itsura nya bahay na bahay sa probinsya.. aakyat kayo sa hagdanan kasi second floor agad yung bahay walang first floor.. hehehe!!! Pero malawak ang loob ng bahay.. maaliwalas at maganda din..mapresco din sa beach house..
Umupo muna ako sa sala.. tumabi naman sa akin si Gianne na may dala-dalang beer
Tinanong nya ako “kanino ba tong bahay na ito?.. nasan yung nakatira?”
“maganda ba?.. hindi ko pinabayaan tong bahay na to kasi ang dami naming happy memories ditto sa beach house na io every summer pumunpunta kami ditto para magbakasyon..” nakangiting sabi ko..
“halata namang hindi ito pinapabayaan.. palagi ka bang nandito?” tanong nya ulit..pero mas seryoso na ang mukha nya at halatang gusto nya talagang malaman kung ano ba talaga ang nangyari..
“yeah!.. palagi akong nandito sa tuwing na aalala ko sya at kapag nalulungkot ako” tumingin ako sa beer na hawak ko at ininum iyon..
“anu ba talaga ang nangyari?..yung tinutukoy ng kuya mo sino ba talaga yun?.. ex boyfriend mo ba?” tanung nya hindi ako sumagot.. uminom ulit ako ng beer at ngumiti sa kanya
“alam mo gago din yun.. hindi ba nya alam na your so perfect..nasayo na kaya ang lahat..maganda ka,mabait,simple..at syempre hindi tulad ng iba hindi ka maarte..”
“talaga perfect ako.. kung perfect ako kung nasa akin na ang lahat bakit ako iniwan?” tumulo nana man ang luha ko
“hindi nya kasi alam na big fish na pala yung nahuli nya..tanga kasi sya”
Naramdaman ko na may soft na bagay na dumikit sa lips ko..nakapikit ako kaya dumilat ako at nakita ko ang sobrang lapit na mukha ni Gianne sa akin.. hindi ko alam ang gagawin ko kaya tumayo agad ako at naglakad papunta sa kwarto malapit sa kusina
Pinigilan nya ako hinawakan nya ang kamay ko “Yuan”
“it's okay parehas tayong lasing kaya wala lang yun.. jan ka na lang sa kabilang kwarto matulog”
“okay” binitawan nya na ang hawak nya sa kamay ko
Pumasok na ako sa kwarto at agad akong pumasok sa banyo sa loob ng kwarto nag hilamos ako nakita ko sa salamin ang sarili ko na namumula .. napahawak ako sa lips ko.. hindi wala lang yon imposible na magustohan nya ko at magustuhan ko rin sya nyo.. hindi ko sya type hindi nya rin ako type tinutulungan ko lang sya para tigilan na sya sa pangungulit ng lola nya..
![](https://img.wattpad.com/cover/23818565-288-k496507.jpg)