CHAPTER 14

6.3K 236 38
                                    

[COBY’S P.O.V.]

“ROMINA?!”

Gulat na gulat ako nang pagbuksan ko siya ng pintuan.

Isang ngiti ang ginawad niya sa’kin. “Hello! My ex.”

Mabilis kong pinasadahan si Romina ng tingin. Si Romina ay ang dating ex-girlfriend ko noong ako ay nasa high school. Isa siya sa mga babaing pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan sa pinapasukan kong paaralan. Maganda si Romina. Mistisa at maliit ang mukha niya na may kulo-kulot ang buhok na abot hanggang bewang niya. Kulay gray ang mata na lalong bumagay sa itsura niya. Pure blood filipino si Romina sadya lang iba ang kulay ng kanyang mga mata. 5’5 ang height ngunit palagi pa rin itong nakasuot na may two inches ang taas ng takong. Para siyang modelo kung titingnan dahil kahit akong isuot nito babagay sa kanya. Gayumpanan iniwan ko ito dahil sa isang mabigat na dahilan iyon ay ang panlolokong ginagawa niya sa’kin.

“Why are you here?” Tanong ko sa kanya.

“Just to see you my Ex.” Sagot nito sa kanya. Matamis pa siyang ngumiti sa’kin.

“For what reasons? Wala na tayong dapat pag-usapan pa.”

Sinilip ni Romina ang loob ng bahay namin na bahagyang nakikita dahil bahagyang nakabukas ang pintuan.

“Let me in.”

“No! You have no reason to come in.”

Nagsitaasan ang kilay ni Romina dahil tinanggihan ko siyang pumasok. “I’m your visitor ganyan mo ba itrato ang mga bisita mo?”

“Look Romina. Tapos na ang lahat sa’tin almost four years na. Bakit ka ba biglang bumalik?”

“Just to win you back.”

Tumawa ako ng malakas na kinainis niya. “Are you insane? Win me back? Oh, c-mon how can you say that? Do you think i still have feelings for you? Stop thinking na mahal pa rin kita dahil wala na.” Pagkatapos sinarado ko ang pintuan. Bastos na kung bastos pero ayokong kausapin ang babaing masyadong assumera. Pagkatapos niya akong lokohin ng harap-harapan babalik siya sa’kin na parang walang nangyari? Hindi ako baliw para bumalik sa kanya.

“Open the door! Damn it!” Sigaw niya habang kumakatok.

Tumalikod ako at naglakad pabalik sa silid ko. Sinabi ko na rin sa mga katulog namin na wag siyang papasukin kung ayaw nilang mawalan ng trabaho.

Pagpasok ko sa kwarto ko napansin ko ang picture frame namin ni Dianne. Magkayakap kaming dalawa da larawan. Kinuha ko iyon at nakangiti akong pinagmamasdan iyon.

“Ito ang babaing gusto kong makasama habang buhay.”

Ilang minuto ko rin pinagmasdan ang larawan namin ni Dianne bago ako patihayang humiga sa kama at nakatitig sa kisame.

“Hayss! Ang tagal naman niyang maka-graduate ng college. Hindi ko na kayang maghintay ng matagal baka may mahanap pa siyang iba.” Para akong baliw na kinakausap ang sarili. Ganito yata kapag in love nakakabaliw.

Naputol ang pag-iisip ko nang makita ko ang pangalan ni Dianne sa screen ng cellphone ko. Ang lapad na ngiti ko nang sagutin ko ang tawag niya.

“Pulgoso nasaan ka?” Bungad niyang tawag sa’kin.

Hindi ko alam kung matatawa ako O maiinis sa tawag niya sa’kin. Para kasing tingin niya sa’kin aso. Sa gwapo kong ito tatawagin niya lang akong pulgoso.

Minsan ayokong tinatawag niya ako na pulgoso lalo na kapag maraming tao.

“Yes, Fiona.” Sagot ko.

DON'T CALL ME UGLY #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon