CHAPTER 21

6.6K 208 43
                                    

[DIANNE'S P.O.V.]

"PAKAWALAN NINYO AKOO!"

Paulit-ulit kong sigaw ng magising ako na may piring ang mga mata at nakatali ang kamay at paa sa kinauupuan ko. Hindi ko na yata malaman kung ano ang pagkakaiba ng pawis at luha ko dahil halos naghalo na sila sa katawan ko.

"Ano bang kailangan ninyo sa'kin? Bakit ninyo ako kinidnap! Pera ba kailangan ninyo sabihin ninyo lang! Pakawalan ninyo lang ako please!"

Nakaramdam ako ng mga yabag ng paa papalapit sa'kit. Nakaramdam ako ng takot para sa sarili ko. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin nila sa'kin. Baka patayin nila ako or pagsamantalahan.

"Maawa kayo sa'kin wag ninyo akong sasaktan please!" Pagsusumamo ko.

Naramdaman kong huminto sa harapan ko ang taong narinig ko ang mga yabang.

"Wag! Wag! Wag kayong lalapit sa'kin."

Naramdaman ko kasi ang katawan niyang lumapit sa'kin. Pagkatapos parang napapaso ako sa kamay ng taong kumidnap sa'kin nang haplusin niya ang buhok ko. Nanginginig ako sa takot sa ginagawa niya.

"Para awa ninyo na wag ninyo akong sasaktan." Pagsusumamo ko sa kaniya. Ngunit sadyang wala puso ang taong iyon dahil marahan niyang hinaplos ang kamay ko ng kamay niya. 

Nagtaka lang ako dahil ang lambot ng kamay niya at ang pabango niya imported na pabango iyon katulad ng kay kuya Daniel. Ibig sabihin mayaman ang kumidnap sa'kin. Mukhang malaking pera ang kailangan niya para sa ransom money.

"W-Wag po!"

Pero mas nagulat ako sa ginawa ng taong iyon dahil hinalikan niya ang labi ko. Ngunit bakit ganoon hindi ako nakaramdam ng takot at pandidiri sa ginawa niya bagkus nasabik pa akong muling maglapat ang labi namin. Panandaliang nawala ang takot ko sa lalaki.

"Pwede ba Dianne! Hindi ito ang oras para lumandi ka papatayin ka niyan!" 

"Hindi kita sasaktan kung susunod ka sa pinag-uutos ko."

Bigla naman akong natakot sa boses niya dahil parang galing sa ilalim ng lupa.

"K-Kahit ano gagawin ko wag ninyo lang akong sasaktan." Nanginginig kong sabi.

"Good. Just wait for a few seconds."

Sinasabi na nga ba hindi basta-basta ang kumidnap sa'kin dahil tunog mayaman ang mga linyahan niya.

Naramdaman kong lumayo siya saglit sa'kin. Pilit kong inaaalis ang kamay ko sa pagkakatali ngunit masyadong mahigpit ang pagkakatali sa'kin.

Sana malaman ni Kuya Daniel na nawawala ako. Sana may taong tumulong sa'kin.

"Lord, hindi ninyo na ako binigyan ng love life wag ninyo naman sanang hayaan masira ang buhay ko."

Wala akong ibang hihingian ng tulong kundi siya. Kaya naman lahat na yata ng Santo tinawag ko sa dasal ko.

Natigilan ako ng muli kong marinig ang yabag ng paa ng tao na papalapit sa'kin. Narinig ko ang kaluskos ng papel.

"Pirmahan mo 'yan!" Utos niya sa'kin.

"Paano ko pipirmahan hindi ko nababasa ang nakasulat."

"Gusto mong mamatay!"

"H-Hindi po! Pipirmahan ko na."

Inalis niya ang pagkakatali ng kanang kamay ko ang kaliwang kamay ko ay nakatali sa upuan. Ang isang kamay ko lang ang malaya.

"Subukan mong tanggalin ang piring mo sasabog ang bungo mo sa semento."

DON'T CALL ME UGLY #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon