04.

21 3 0
                                    


"Nakakatakot naman sa lugar na iyon. Mga multo ba ang mga bumulong sa akin? Engkanto? Mga kampon ng demonyo?"

Saglit na napatigil sa paglalakad si Devon.

"Ibalik mo sa akin iyan, Vanya." ang tanging sinabi ni Devon.

"V-vanya? Sino naman si Vanya?"

"Dito ka lang,"
Devon. Iniwan niya sandali si Jaehyun at pumunta sa likod ng mga halaman.

"Akala niya maiisahan niya ako?" Isang tinig ng batang babae ang narinig ni Jaehyun sa kanyang tabi.

"Mali ka, Vanya. Hindi mo ako maiisahan, tandaan mo 'yan." Bigla namang napatingin ang dalawa sa kanilang likuran.

Bumaba sa lebel ni Vanya si Devon at saka inabot ang kanyang kamay.

"Maaari mo bang ibalik sa akin ang iyong kinuha, Vanya?"

"Hmmm... Ayoko! Akin na 'to!"
Tinaasan lamang siya ng kilay ni Devon.

"Biro lamang po, Binibini!" nakangiting sinabi ni vanya at saka isinauli kay Devon ang kanyang singsing.

"Magandang araw po sa iyo, Ginoo!" masiglang bati ni Vanya na siyang nagpangiti kay Jaehyun.

"Mag-ingat ka diyan, nanakawan ka niyan," natatawang sambit ni Devon kay Jaehyun bago sila nagpatuloy sa paglalakad.

"Si Binibini talaga! Anong pangalan mo, Ginoo?"

"Ako si Jaehyun."

"Magandang araw pong muli, Ginoong Jaehyun! Ako po pala si Vanya, ang tagabantay ng gubat na ito — ang Silva Avaritia na kilala rin bilang gubat ng gani-"


"Tama na iyan, Vanya. Alam kong may balak kang angkinin din ang kasama ko. Huwag mo nang balakin pa," masungit na sambit ni Devon.

"Ano ba iyan, Binibini! Panira ka naman ng plano eh! Pero sige, sayo na nga si Ginoong Jaehyun. Tutal, kamukha naman niya si Ginoong Je-"

"Vanya."


"Paaensya na po, Binibini. Sige ho, maiwan ko na kayo. Ingat po sa inyong paglalakbay! Paalam!" at sa isang iglap ay naglahong bigla si Vanya.

"Kaya mo pa ba?" biglang pagtanong ni Devon.

"Ha?"

"Namumutla ka na kasi. Mukhang pagod ka na. Nais mo ba munang magpahinga?"

"H-hindi na, magpatuloy na tayo sa paglalakbay."

"Oh heto,"
sandaling ginalaw ni Devon ang kanyang mga kamay nang paikot-ikot. Ilang sandali pa ay may lumabas na kalis sa ibabaw ng kanyang palad.

"Inumin mo muna ito, mukhang inagawan ka pa ng lakas ni Vanya habang kinakausap ka niya," sabi ni Devon at saka inabot kay Jaehyun ang kalis na naglalaman ng isang inuming kakulay ng alak.

"N-nagmamahika ka?"

"Inumin mo nalang yan, puwede ba? Makukuha mong muli ang iyong lakas kapag naubos mo na ang inuming iyan. Maaari na tayong maglakbay muli."

"S-salamat..."


Kinuha ni Jaehyun ang kalis mula kay Devon at ininom ang laman nito.


Totoo nga ang kanyang sinabi! Lumakas na muli ang pakiramdam ko! Isa ka bang diwata, Devon?


Pag Lumingon Ka... || an nct short auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon