03.

22 3 0
                                    


"Saan ba tayo pupunta ulit? Parang ang haba naman ng nilalakbay natin," pagtatanong ni Jaehyun.

"Nakikita mo yung bundok na 'yon? Sa pinakatuktok, andun ang lagusan papunta sa inyo,"

"Oh, Devon! May kasama ka ata ngayon? Alam ba iyan ng ama?"
Isang sigang lalaki ang biglang kumausap sa kanila.

"Huwag ka nalang makielam, Ludo. Halika't ipamangka mo nalang kami,"

"Masusunod po, Binibini,"
sabi ni Ludo at sabay na ngumiti na parang wala siya sa sarili.

"Takpan mo ang iyong mga mata gamit ang piring na ito. Kung anuman ang iyong maririnig habang tayo'y namamangka ay huwag mong papansin. Maliwanag ba?" iniabot naman ni Devon ang isang piring kay Jaehyun.

"Ngayon ko na ba susuotin?"

"Mas mabuti kung ngayon na para hindi ka na magambala sa mga makikita mo kapag nalapit na tayo sa bangka,"

"Maglalakad pa tayo papunta doon hindi ba? Paano kung madapa ako?"

"Akong bahala sa 'yo, hindi kita pababayaan. Basta't magtiwala ka lang sa akin."
Nagulat si Jaehyun sa biglang malumanay na pagsasalita ni Devon. Maski ang tingin nito sa kanyang mga mata'y hindi na rin ganoon ka-galit.

Agad namang nilagay ni Jaehyun ang piring sa kanyang mata. Matapos noon ay hinawakan na siya ni Devon sa braso at inalalayang maglakad.

"Sasampa ka na sa bangka, dahan-dahan lang. Ludo, pakitulungan ako," sabi ni Devon.


Kinakabahan ako. Bakit ba kailangang magpiring pa? T-teka! Ano yun?


Sa sandaling umandar ang sinasakyan nilang bangka ay nakarinig si Jaehyun ng samu't saring mga ungol sa kanyang paligid. Hindi mo maintindihan pero may bahaging nakakakilabot din sa mga ungol na iyon.

"Tandaan mo, 'wag mong intindihin ang mga bubulong sa iyo. Huwag kang magpapadala sa tukso," sabi ni Devon.

"Magandang araw sa iyo ginoo, gusto mo bang lumigaya?" isang boses ang bumulong kay Jaehyun.

"Napakaguwapo't mukhang matipuno! Tipo mo ba ang mistisang babae tulad ko?"

"Ginoo! Halika't aaliwin kita~"

"Sa akin ka sumama, Ginoo! Pasasayahin kita ng sobra~"

"May kasintahan ka na ba, Ginoo? Asawa? Mayroon man o wala, halika tayo'y magsama~"


"D-devon! Sino sila? P-paalisin mo sila!" sigaw ni Jaehyun.

"Walang tutulong sa iyo dito, Ginoo. Sumama ka nalang sa amin."

"Pasasayahin ka namin dito, Ginoo"


"D-devon! Tulungan mo ako dito, Devon!"

"Ginoo, aaliwin ka namin. Ginoo~"

"Devon!"

Malumanay na hinawakan ni Devon si Jaehyun sa kamay at sinabing, "Andito lang ako, kumalma ka. Sabi ko naman sa 'yo, huwag mong pansinin hindi ba? Malapit na tayo, huwag ka ng matakot."

"Mukhang mahina ata sa temptasyon 'yang kasama mo, Binibining Devon,"
natataaang sambit ni Ludo.

"Mamangka ka na lamang diyan, Ludo."

Mga ilang sandali pa'y naabot na rin nila amg kabilang dulo ng ilog. Muling inalalayan ni Ludo at Devon si Jaehyun pababa ng bangka.

"Huwag! Huwag kang lilingon! Huwag mo na balaking tignan pa ang itsura ng dinaanan natin," sabi ni Devon nang matanggal na ni Jaehyun ang kanyang piring at binalak na lumingon.

"Maraming salamat sa iyo, Ludo. Mauuna na kami," muling sinabi ni devon at saka hinatak palayo si Jaehyun mula sa pampang na iyon.

Pag Lumingon Ka... || an nct short auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon