PROLOGUE

1 1 0
                                    

Nagkakagulo sa labas ng palasyo. Sumusugod ang mga taga Emio. Marami sila pero hindi mapapantayan ang dami ng tauhan sa palasyo. Marami ang patay na agad namang naglalaho ang katawan at sugatan.

Ito na ang pagkakataon ko.

Sinigurado ko munang walang makakapansin sa akin bago pumasok sa palasyo. Sigurado ako, nandyan siya sa loob, nararamdaman ko siya. Inayos ko ang suot kong hood ng cloak hanggang sa makapasok ako sa loob ng palasyo.

Walang bantay, magpapatuloy na sana ako nang biglang may isang bampira ang humarang sa akin. Wala akong nararamdamang espesyal sa kanya kaya panigurado isa lamang siyang tauhan.

"Saan ka papatungo?" tanong niya. Napayuko lamang ako at hindi na nag-abalang sagutin siya.

Akmang hahawakan na sana niya ako nang pigilan ng isang kamay. Malakas ang presensiya niya.

'Its him...'

"Ako na ang bahala dito"aniya. Hindi ko alam pero may kakaibang dating ang boses niya sa akin. Probably because siya na ang hinahanap ko?

Sa isang iglap lang ay wala na ang tauhan sa harap ko. Hindi ko magawang umimik o ang gumalaw man lang. Nanigas ako sa kinatatayuan at parang umatras ang dila ko para maiwasang magsalita. Wala din naman siyang imik at ramdam ko ang mga titig niyang mas lalong nagpapakaba sa akin.

Natauhan lamang ako sa malakas na pagsabog. Pagkalingon ko ay sa halip na ang entrada ng palasyo ang makikita ko sa halip ay isang pinto ang bumungad sa akin. Nasa isang kwarto na ako.

"What are you up to?"nagulat ako sa nang biglang may nagsalita. Napalingon ako sa gawi niya at doon ko lang nakita ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Wala na naman akong masabi. His voice makes me weak, and I don't know why.

Napangiwi ako nang diinan niya ang pagkakahawak sa braso ko.

'He didn't know. He didn't feel anything...'

The thought hits me. Hindi ko maiwasang isipin kung bakit ako nasa ganitong sitwasyon.

"I'm your mate."natigilan siya sa sinabi ko, maging ako man ay natigilan din sa sinabi ko pero nasabi ko na. Hindi ko man nakikita ang hitsura niya ay alam kong nakakunot ang noo nito. How I love to see that pucker forehead.

Lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko hanggang sa bitiwan niya iyon. Malungkot akong napangiti. I want to feel his holds more, but I think its impossible. Everything is impossible for me.

"W-what did you just say?!"

Slowly, I face him. Hindi inalintana ang magiging reaksiyon niya sa hitsura ko. Nakakunot nga ang noo niya but his dark orbs caught my attention. It's staring at me intensely that made me stare back at him. Not minding him slowly coming closer to me.

"What.did.you.just.said?"napalunok ako. Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga na nakaka-adik. Nanlalambot man ay pinilit kong pantayan ang mga titig niya.

"I-I'm your mate!"lakas loob kong wika. But his expression makes me weak, again. He just smirk, playfully.

"Ha!" hindi makapaniwalang singhap niya. Lumayo siya sa akin at malakas na tumawa.
Napayuko na lamang ako dahil sa hiya. At mas lalong nakakahiya na mula pa sa kanya ang mga tawang iyan. Ang mga tawang ang dahilan ay hindi paniniwalang ako ang katambal niya. It makes me weaker again and again and again.

Nanatili lamang akong nakayuko hanggang sa napatigil na siya sa pagtawa. Natatawa pa rin siya pero pilit niya 'yung pinipigilan.

"Ha! And do you think I will believe you? No way!" ang mga salita niya ay parang mga patalim na tinitira ang puso ko.

"I, Prim Valentine Brackard, is not your mate, and will never be your mate" huling salitang binitawan niya bago naglaho na parang bula sa paningin ko.

Nanlumo ako. There's no way to escape this curse. Only him.

And I, Amora Limtorn. The girl with a black curse and now...a rejected mate. Will be forever stock with this curse.

Paano nga ba ako napunta sa sitwasiyon na ito? How did I get his rejection?

°°°°°°

---greylein

The Black CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon