A M O R A
Maaga na pero hindi mo mararamdaman ang init, sumisikat nga ang araw dito pero hindi ito nararamdaman ng bawat bampira sa mundong ito.
Maririnig ang mga huni ng ibon sa ilalim ng gubat. Ang gubat kung saan ako nakatira. Ang gubat na saksi sa paglaki ko at alam ang lahat ng nararamdaman ko. Pamilya ang turing ko sa gubat na ito. Lahat ng hayop ay naging kaibigan ko. Hindi ko man sila naiintindihan ay ramdam ko ang pagmamahal nila sa akin.
Dala ang basket ay naglakad na ako papalayo sa munting bahay ko. Agad lumapit sa akin ang dalawang ibon at hinubad ang suot kong hood. Napangiti ako, tanggap nila kung ano at kung anong meron ako. They didn't judge you physically but emotionally. Isa sila sa saksi sa hirap na pinagdaanan ko.
"Maraming salamat"huminto ako at nakangiting bahagyang yumuko tsaka nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod naman sila sa akin hanggang sa nagsunodan nadin ang iba pang hayop na nakatira sa gubat. Napailing na lang ako, alam na alam nilang papatungo ako sa prutasan, kung saan ko kinukuha ang pagkain ko sa araw-araw.
Kung ako ang papipiliin ay mas gugustuhin ko pa ang ganitong pamumuhay araw-araw. Malayo sa gulo at mapang-husgang mga bampira. Malayo din kasi ang gubat na ito sa mga bampira, ni isang nilalang ay wala pang napadpad sa lugar na ito. Na para bang kinatatakutan ng karamihan.
Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa aming papatungohan. May iba't-ibang prutas ang nakatanim dito na namumunga ng halos kada isang linggo. Bukod sa iba't-ibang prutas ay may mga bulaklak din na siyang nakapagpaganda sa lugar. May maliit na lawa sa gitna nito na siyang kadalasang pinupuntahan ng mga hayop para uminom ng tubig. Kung titignan, hindi mo aakalaing mundo ito ng mga sakim na bampira.
Nagsimula na akong manguha ng mga prutas at inilalagay sa basket na dala ko, ang iba ay binibigay ko sa mga hayop na kanina pang nakasunod sa akin. Nag-aagawan pa ang iba pero natitigil din naman dahil pinibigyan ko ito. Sapat ang mga bunga ng prutas para sa amin. Bampira ako pero dahil nga sa sumpang mayroon ako, kaya kung mabuhay ng walang iniinom na dugo. Nabubuhay ako sa mga prutas na ito.
"Sinasabi ko na nga ba at dito lang kita makikita" napalingon ako sa nagsalita. Ang maliit na nilalang na lumilipad, si Zarnet. Ang tanging nilalang na nakaka-usap ko bukod sa mga hayop na ito na hindi naman makasagot sa akin.
Nang makita ng mga hayop si Zarnet ay agad silang nagsitakbuhan papalayo. Oo nga't maliit ang nilalang na ito pero ang laki ng takot ng mga hayop dito sa kanya na hindi ko maintindihan.
"Oh anong kailangan mo?" tanong ko bago kumagat sa prutas na napitas ko.
"May ibabalita ako sa iyo"seryoso ang boses niya na ipinagtaka ko dahil oo nga't masungit ito pero hindi naman seryoso kung magsalita.
Matagal akong nakatitig sa kanya."Susugod ang mga taga Emio sa palasyo"
Emio? Ang lugar kung saan naninirahan ang mga bampirang hindi pabor sa pamumuno ng kasalukuyang hari. Mukhang nakapaghanda na sila sa pagsugod sa palasyo.
"Sa susunod na linggo" dagdag ni Zarnet. Napatango na lang ako. Hindi ako makapagsalita. Gusto kong isipin na makikita ko na siya. Pero sa kabilang banda ay hindi ko kayang isipin na ipagtatabuyan niya ako. Alam kong iyon ang mangyayari. Dahil na naman sa sumpang ito. Ang sumpang hindi ko alam kung saan nanggaling o kung bakit ako ang mayroon nito.
Nagising na lang ako isang umaga, realizing that I have such curse. Ipinaliwanag ni Zarnet sa akin ang sanhi ng sumpa, pero hindi ang pinagmulan nito. The curse block our mate bond, my mate. The only way to get away this bullsh*t is through my mate's love. The curse carry such energy, na mas pipiliin ng mga bampira na lumayo sa akin. Kinatatakutan nila ako, pinagtabuyan at umabot pa sa punto na halos patayin na nila ako. I just don't know why, just because I have this curse? But I'm also a vampire who have feelings. Nasasaktan.
"What were you thinking?" Zarnet suddenly asked. Napatingin ako sa kanya. Bakas na naman ang katarayan sa maliit niyang mukha. Hindi ko nga alam kung saan nangagaling ang katarayan niya. Iyan siguro ang dahilan kung bakit kinatatakutan siya ng mga hayop sa kagubatang ito.
Nang pinagtabuyan ako ng mga bampira, this little creature out of nowhere suddenly approach me. Siya ang nagdala sa akin sa kagubatang ito. Hanggang sa naging tirahan ko na ito.
"Nothing"
Nagsimula na akong maglakad pabalik sa tahanan ko. Ang tahanan kong ang maliit na nilalang na si Zarnet ang nagbigay sa akin. Nung una, hindi ko pa siya pinagkakatiwalaan, sa kabila ng mga itinulong niya sa akin ay nanaig pa din sa aking pag-iisip na baka may binabalak lang siya sa aking masama. But then, as days goes by, kahit mataray ang maliit na nilalang na si Zarnet ay natuto pa rin akong pagkatiwalaan siya. Siya ang kauna-unahang nilalang na binigyan ko ng tiwala.
"Itutuloy mo ba ang iyong plano?" tanong niya. Hindi na lang ako sumagot at nagpatuloy sa paglalakad habang nakasunod siya sa akin. Hindi naman sa wala akong masagot, I just don't feel fine.
"Amora!" sigaw ni Zarnet nang bigla akong napa-upo. Nabitawan ko ang basket na dala at napahawak sa dibdib ko. It happens again, it hurts like hell. Iniwasan kong hindi mapasigaw, impit kong iniinda ang sakit.
"Amora...just don't close your eyes" wika ni Zarnet. Wala din siyang maitutulong sa sakit na nadarama ko. Pinilit kong hindi ipikit ang aking mga mata gaya ng sabi niya pero hindi ko maiwasang maipikit ang mga ito sa sobrang sakit.
Sa pagpikit ng aking mga mata ay ang paglitaw ng mga imaheng mas lalong pinapalala ang sakit sa puso ko. A boy, caressing someone's back, a girl. They're kissing torridly. Until the girl is half naked...and---!
"Urghhhhhhh!" malakas na sigaw ko sa pamulat ng aking mga mata. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Ang paglabas ng dugo sa pag-ubo ko at ang unti-unting panghihina ng aking katawan. Napahiga na lang ako sa sobrang panghihina.
What have I done to receive this kind of punishment? Why is this world so cruel to me? Simula sa pamilya kong hindi ko man lang nasilayan hanggang sa sumpang ito. Bakit pa ako nabuhay?
"You're worth it Amora. Just wait, one day you'll realize that you're more than the word worth it" huling narinig ko bago ko ipinikit ang aking mga mata.
°°°°°°
Sorry sa wrong grammars and spellings and typos. Please keep reading for those who are reading(^.^)
--greylein
BINABASA MO ANG
The Black Curse
VampireAmora Limtorn. The girl with a curse, the black curse. A rejected mate. A rejected vampire.