LDR (Long Distance Relationship)

203 1 2
                                    

PROLOGUE:

"SINUNGALING KA!!!!" 

umiiyak siya. sorry Janice, hindi ko agad sinabi ang totoo. Pero Mahal na Mahal kita, sa lahat ng sinabi ko, kahit yun na lang paniwalaan mo. 

mahirap magkaroon ng karelasyon na malayo sayo, oh hindi mo pa nakikita.

sabi nga nila eh..

"Long Distance Relationship doesn't work"

pero para sakin naman..

"kahit gaano ka pa kalayo sa mahal mo. basta alam mo sa sarili mo na mahal ka niya at mahal mo siya . at Loyal kayo sa isa't isa, magtatagal kayo, at mas lalalim pa ang kung ano ang meron kayo ngayon" 

Chapter 1: Long Distance Heartache

Dalawang buwan na din ang nakakalipas.. mula nang maghiwalay kami ni Tristan..

Ako si Janice, 1 year na kami ni Tristan, lage niya akong tinatawagan or tinitext bago siya umalis ng bahay nila, kung nasaan na siya, at pag nasa bahay na ulit siya. Sobrang sweet niya sa akin, hindi siya nag babago. Kaso... hindi pa kami nagkikita. Mahirap, kasi hindi mo siya nakikita, kahit na tinatawagan ka niya lagi, iba pa rin eh.

"hello baby! kamusta?"

tanong niya

"ok naman ako..."

sabi ko

"oh? bat parang ang tamlay mo??"

tanong niya pa,

"tungkol dun nanaman ba?? diba sa birthday mo na nga!"

sunod pang sabi niya, parang medyo nainis siya, kasi naman, sabik na sabik na akong makita siya..

"OK"

yun na lang ang nasabi ko sa kanya. Isang buwan na lang bago ang birthday ko, hindi na ako makapag hintay! sana bumilis ang oras.

. . . . .

Ayokong makita niya akong ganito. Kaya ayoko, kasi baka magalit siya.. dahil.. nagsinungaling ako sa kanya, tama ang mga kaibigan niya, hindi nga ako ang  mga nasa litrato sa Facebook.. si kuya yun.. kahawig ko siya, bago pa man ako magkasakit. ayokong magalit siya, kasi, MAHAL NA MAHAL KO SIYA, isang buwan na lang, makikita na niya ako. sana bumagal ang oras.

. . . . . 

tatlong araw na lang pala! tumawag siya

"Hello baby! are you ready.. 3 days na lang"

sabi niya

"Kaya nga eh! ito na siguro ang the best birthday ko ever!!"

sobrang na eexcite na sabi ko sa kanya.

"saan ba tayo magkikita?"

tanong ko sa kanya,

"gusto ko sa tahimik na lugar.."

sabi niya.

"Edi sa sementeryo!"

pabirong sabi ko,

"sige ba! para maiba naman!"

sinakyan niya ang biro ko,

"10:00am ah"

sabi niya..  

"sa simenteryo nga???"

tanong ko

LDR (Long Distance Relationship)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon