Chapter 10

32 33 1
                                    

Alexa's POV

Halos isang araw na ko di pinapansin ni Dylan gulo talaga nung lalaking yon, lalo niya din ginugulo isip ko. hindi mawala sa utak ko yung lalaki yon.

Andito ako ngayon sa room wala kasama si Sophia kasi pumuntang computer class niya, si John naman nasa library may tataposin daw na assignment. Inaayos ko na mga gamit ko mag ccr sana ako nang biglang may nagabot saken ng isang lagayan ng mcdo at white roses.

"Pinabibigay sainyo" sabi niya saken akmang aalis na ng nagsalit ako

"Sino nag papabigay ninto" tanong ko sakanya na ngayon andito na sa tapat ko yung dala niya.

"Si Li-liam po" nauutal niyang sabi sabay takbo, di ko alam bat siya nauutal pero yung tingen nya kanina ay hindi saken nakatingen sa likod ko kaya bigla akong napalingon sa likod ko nagulat ako ng makita ko si Dylan na nakaupo don

"May manliligaw ka pala ah" pangangasar niyang sabi saken pero yung mga mata niya parang naiinis

"Hindi ko nga alam nagulat ako akala ko sayo galing" sabi ko sakanya sabay iwas ng tingen

"Bat naman kita pag bibigyan nyan diba fake girlfriend lang kita, tsk" sabay tumayo niya at umalis ng room, di ko maintindihan bat kumirot puso ko ng pagkasabi niya na fake girlfriend lang niya ko totoo naman ahhh bat ganito nararamdaman ko naloloka nako!

"Uggghhh nakakabwiset nasaket ulo ko!!" pasigaw ko dito sa room at ginugulo sariling buhok ko

"Problema mo dyan alexa nababaliw kana ba" nagulat ako sa pag salita ni John naknampo bat ba dami nang gugulat ngayon.

"Aahh ewan" pataray kung sabi

"Wow mcdo at roses kanino galing yan kay Dylan? yieee" pangangasar niyang saken saken.

"Gaga hindi kay Liam daw? sabi nung nagdala" gugulogan kung sabi na bigla niyang pag kunot ng kanyang noo

"Pinsan ko nagbigay niyan sayo? seryoso?" pagtatakang sabi niya

"Mukha bang nag jojoke ako? alangan naman nag aassume ako di ko naman close yon noh" pilosopo kung sabi sakanya, anoba naman di maalis sinabi ni dylan na fake girlfriend nya lang naman daw ako, sabaya totoo naman tsk

"Tara na nga kumain mona tayo sa canteen" yaya saaken ni John, tama kailangan ko kumain para mabawasan tong iniisip ko sa walangyang Dylan na yan.

"Osige tara" sabi ko sabay kuha ng wallet ko sa bag. "Nga pala bat wala pa si Sophia?" bigla ko tanong ko kay John na kinabigla niya. Ano nanaman problema nento??

"Ah? Di ko alam bat mo sakin tinatanong tsk" masungit niyang sagot saaken na may halong pangangapa.

"Problema mo ba dyan, para kang siraulo ikaw nga magtapat ka nga saken ano meron sainyo--" hindi ko naitapos sasabihin mo kasi bigla siya nagsalita

"Wala!"

"Ah wala pala ah sige sabi mo" pangangasar ko sabi

Nang makarating na kami sa canteen nakita ko si Dylan malapit sa bookstore kasama niya kaibigan niya tiningnan ko kung kasama niya ba si Kuya ngunit wala ko nakitang mukha niya. Saan kaya yon??


--

Pagkauwi ko humiga na agad ako sa kama ko, sobrang dami ginawa sa school hindi kopa natatapos ibang project hays

Pipikit na sana ko ng bigla tumunog yung phone ko, mukhang may nag text agad ko naman tong tingnan.

"Nasaan ka?" ayon lang ang nakalagay sa text, nabangon ako sa higaan ko ng makit ko galing kay Dylan ang text na iyon.

Hindi ko alam kung rereplyan ko ba o di ko papansinin may inis pa din ako sakanya hindi ko alam bakit hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya. E dapat nga wala ko pake sakanya sinisira niya lang palagi ang araw ko, nakakainis nakakabwiset sarap niyang patayin.

Napagdesisyon ko na hindi ko siya rereplyan, bahala siya sa buhay niya baka utosan lang niya ko na gawin ang project niwala nga din ako kaya bahala siya.

Bumaba ako ng bahay para kumain may nakahanda na agad na nachos sa lamesa, alam na alam talaga ni Manang ang mga favorite ko hahahahaha. Habang nakain ako bigla may nag doorbell tatayo na sana ko ngunit pinigilam ako ni Mang Edwin.

"Ako na Alexa" sabi niya sabay labas ng bahay

"Alexa boyfriend mo raw" oh shit? si Dylan? bigla akong napatayo sa kinauupoan ko pumunta agad ako ng sala para malaman kung si Dylan ba talaga.

"Nakakailang text nako sayo pero di ka nagrereply" sabi ninto habang ang kanyang mukha ay nakasimangot, lakas talaga ng tama nintong lalaking to.

"Sinabi ko bang mag text ka" pataray ko sabi sabay upo sa sofa habang binubuksan ang tv gamit ang remote.

"Arte mo halika aalis tayo" sabay hila sa'aken, amputa kakaupo ko lang eh

"Hoy! Hoy! Wag kang umasta dyan na boss nasa bahay ka namin excuse me" sabay bitaw ko sakanya kakairit ninto pumunta lang ata dito para bwisetin lang ako lalo.

"Huwag ka mag inarte dyan, magbihis kana nga muna ang ikli ng suot mo" pag susungit niyang sabi saken

"Eh ano naman problema don"

"Pumunta ka sa kwarto mo at magpalit ka"

Boss na boss ah? Paepal talaga, wala akong nagawa umakyat ako sa taas at nagpalit ng damit padabog pako umakyat kasi nakakainis talaga siya. Akalain mo yon inuutosan ako sa mismong bahay namin kapal talaga ng mukha niya.

Pagkatapos ko mag bihis bumaba na agad ako baka kasi magreklamo pa yung feeling boss.

"Tara na kung saan tayo pupunta tsk" pagtararay ko sabi sakanya sabay nauna ng lumabas sa bahay, nang makalabas nako ng gate binuksan ko agad pinto ng kotse nya at pumasok sinara ko ng malakas pinto ng kotse niya

"Sisirain ko'to kupal ka ah" pabulong ko sabi habang inaantay ko na sumakay na siya.

"Wala ka naman siguro galit no?"

"Sa tingen mo?" sagot ko sakanya sabay salpak ng earphone sa tenga ko, makapag sound trip na nga lang para naman mabawas bawas pag ka init ng ulo ko.


--

NOTE: There are be grammatical errors and typos that you will read along the way, hoping for your kind consideration and understanding.

All Rights Reserved © babskiekyut 2020

Promise (𝐎𝐧 𝐆𝐨𝐢𝐧𝐠)Where stories live. Discover now