Teenager's Life

66 0 0
                                    

                   Ano nga ba ang pinagkakaiba ng Teenager's Life sa buhay natin dati noong mga bata pa tayo?. Pero ako,bilang isang teen masasabi kong marami ngang pagkakaiba ang Teenager's Life kesa nun bata pa ako. Dati nun bata pa ako, wala akong pakielam sa mga bagay bagay. Dati din kapag ako ay umiiyak, kinakailangan ko pang lakasan ang aking iyak para malaman lang nila. Dati hindi ako nahihiya kung anu man ang aking gawin ,hindi ko din iniisip kung may masasaktan akong tao. At higit sa lahat,dati hindi ko pa alam ang totoong meaning ng Pagibig :)). Eh ngaun na teenager na ako madami akong pinagbago. Kung dati ay nilalakasan ko ang aking iyak para marinig nila,ngayon ay nagkukulong na lamang ako sa kwarto at dun umiiyak. Minsan dinadaan ko na lamang sa ngiti at tawa ang aking totoong nararamdaman. Kung dati hindi ako  nagiisip kung mayroon akong masasaktang tao,ngayon ay masyado ko ng binibigyang pansin ang mga nararamdaman ng mga tao sa aking paligid. Kung dati ay hindi ko alam ang totoong meaning ng Pagibig,ngayon ay naliwanagan na ako na hindi lang pala basta basta ang magmamahal. Madami kang dapat pagdaanan kapag pinasok mo na ito. 

                 Kaya payo lang sa mga mas nakakabata sa amin, dapat ay inienjoy nyo muna hangga't nanjan kayo sa ganyang edad. Dahil dadating at dadating din ang panahon na kayo ay tatanda at magiging isang teenager. Madaming hinaharap na pagsubok ang mga teenager lalo na sa panahon ngayon. Madaming sakit ang mga nararamdaman nila ngayon. Kaya dapat hindi kayo masyadong nagmamadali dahil dadating din kayo sa ganitong edad na kayo ay mahihirapan dahil sa mga pagsubok ng inyong buhay. :))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Teenager's LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon