chapter 1

72 0 0
  • Dedicated kay Pamela Jean Panes
                                    

      Litong-lito si Allen sa kakahanap ng kanyang cellphone sa kwarto niya. Nakalimutan niya kasi kung saan niya huling nailagay ito.

      “Mama.! Nakita niyo po ba ang cp ko?” pasigaw niyang tanong sa mama niya.

      “Hindi anak, yan kasi ang kalat-kalat ng kwarto mo,” sagot ng mama niya.

      “Eh. Kasi mama nagmamadali na po ako eh, mahuhuli na po ako sa klase,” sagot niya.

     “Sige na lumakad ka na at pagnakita ko mamaya ipapahatid ko nalang sa kuya Allan mo,” atubiling wika ng mama niya.

      Kaagad na dinampot ni Allen ang kanyang mga gamit at bag at agad na lumabas ng bahay.

      Si Allen ay isang 4th year highschool student sa Manlarño Academy of Makati.

Siya ay makulit, maingay, at mabait na bata. Gusto niyang maging isan professional na abogada balang araw kasi gusto niyang sundan ang yapak ng Tita Andrea niya.

      “Pak! Ano ba yan, walang tricycle na dumadaan. Ano ba to mahuhuli na talaga ako sa first period! Mathematics pa naman, eh bobo ako sa Math eh! Ano ba namang buhay to oh!” Pagalit at mangiyak-ngiyak na wika niya.

      “Ay! Salamat po Mahal na Panginoon,” pangiting sabi niya habang nakasakay sa pampasaherong tricycle.

“Naku iha, sandali lang ha? May dadaanan lang ako, may kkunin lang,” wika ng driver.

      “Oooo-oopo!” pautal-utal niyang sinabi.

      Huminto sila sa tapat ng isangInternet shop.

      “Pag sinuswerte nga naman oh! Anak ng pating, wow ha!, gwapo yung nagbabantay

ng netcafe. Sige ok lang pagmahuli ako, sulit nanaman ang view eh! Hahaha!” pahalakhak na sabi ni Allen sabay pacute sa gwapong lalaki.

      “Yung mga late, dito kayo, at dahil late kayo. Mamumulot kayo ng mga basura sa loob ng dalawang oras bago kayo pumasok o makakapasok sa inyong mga silid-aralan,” taas noong sinabi ng Prefect of Discipline nila.

      Padabog na pumulot si Allen ng mga nakakalat na basura sa paligid.

      “Allen. Gumising ka na, tanghali na oh! Sabi mo marami kang gagawin ngayon, lalo na yung proyekto mo sa Filipino,” sigaw ng kuya niya habang kumakain ng tanghalian.

      “At diba marami kang ireresearch ngayon?” dagdag ng papa niya.

Napabalikwas ng bangon si Allen sa   sinabi ng kuya at papa niya.Sumagi rin sa isip niya ang anyo ng lalaking napupusuan niya at gusto niyang makita ito ulit.

      “Oo nga po pala pa. Kuya salamat po sa pagpapaalala sa akin,” sabi niya habang pababa ng hagdan galing sa kanyang silid.

      “Halika baby ko, dito ka sa tabi ng papa. Kumain ka na,” palambing na sabi ng papa Al niya.

      “Naku papa, kaya spoiled yang mahal kong kapatid dahil sa’yo eh,” nangingiwing sabi ng kuya Allan niya.

      “Hayaan mo na anak, eh nag-iisang anak ko lang si Allen na babae eh,” naglalambing na sabi ng papa nila.

      “Salamat pa!” sabay halik sa pisngi ng papa niya.

     “Papa, marami akong project ngayon,

pengeng pera,” sabay lahad ng kanyang kamay sa harapan ng papa niya.

“Magkano ba anak?” tanong ng papa niya.

Till the Right Time Comes ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon