chapter 4

39 0 0
                                    

Dalawang buwan nalang at magtatapos na sila ng highschool.Magkokolehiyo na sila, siguradong magkakawatak-watak ang mga magbabarkada. Pero alam kong sa wastog oras o sa tamang panahon magkikita-kita muli sila.

            “Oi malapit na pala ang graduation sana magkita-kita ulit tayo,” ani ni Antonette.

            “Oo nga teka, ano nga palang kukunin niyong kurso?” tanong ni Christine sa barkada.

            “Ako, magdodoktor ako,” sabi ni Joy.

            “Ako magiging Engineer ako,” sabi ni Mitch

            Kung sa bagay magaling naman sa math si Mitch kaya walanag duda kong maging Engineer nga ito. Ito ang pinakamatalino sa kanila sa katunayan Valedictorian ito at si Allen naman sumunod.

            “Ako political Science yung kukunin ko,” sabi ni Allen na tumayo talaga.

            “Edi magpupulis ako para may magbabantay sayo,” sabi ni Keny sa kaibigan. “Ikaw Kenj?!” tanong ni Keny.

            Hindi umimik si Kenji sapagkat ayaw niyang masaktan ang mga kaibigan sapagkat mag-aaral siya Estados Unidos. Doon siya mag-aaral ng engineering para maging isang engineer. Sa lahat sa kanilang magbabarkada siya lang talaga ang mapapalayo ng sobrang-sobra.

            “Alichette Nykenoyae” yan ang grupo nila ang weird nga kasi ang badoy nung pangalan. Pero ayon sa magbabarkada bahala ng badoy basta unique at Original.

Al- galing sa pangalan ni Allen                       Ae- kay Mae

Ich – kay Mitch                                               ch – kay Christine

Ette – kay antonette

Ny – kay Keny

Oy- kay Joy naman,

            Original nga! No? Unique pa naghawak kamay ang mga magkakaibigan at sabay-sabay nagsabing “Alichette Nykenoyae” FOREVER!

            Nananghalian ang mga magkakaibigan sa canteen, “Oy, Allen ba’t kaya wala na yong batang nagbibigay sayo ng bulaklak no?” tanong ni Mitch.

            “Oo, nga  Allen  noh,” hirit ni Antonette.

            “Siguro, na turn-off na yung nagpapadala talaga ng mga iyon,” sagot ni Allen.

            “Baka wala na pera para pambili ng tsokolate at bulaklak,” naatawnan ang magkakaibigan sa sinabi ni Keny.

            “Keny, ano ka ba?!” sabi ni Allen.

            “Biro lang babes”

            Napagkuwentuhan ng makakaibigan nung kaarawan ni Kenji. Pinag-usapan nila ang masayang nakaraan. Pinag-usapan din nila yung napakasweet na moments nina Kenji at Allen. Tinutukso na ng mga magkakaibigan silang dalawa. Nagkatinginan lamang sila.

            yon.”

            “Oo, kamusta kana?”

            “Ako, mabuti naman ako ba’t nag-iisa ka yata ngayon?”

            “Ah, kasi nauna akong umuwi sa kanila eh.”

            “Bakit naman?”

            “Gusto ko lang mapag-isa.”

            Nakita nila si Kenji na may kasamang babae. Nag-uusap sila ni Kenji. Magkaholding hands pa ang mga ito. Parang sinusuntok ang puso ni Allen sa nakita. Gusto niyang umiyak pero ayaw niyang ipamukha o ipakita kay Kenji ayaw niyang mapahiya dito. Dumiretso lang sila sa paglakad.

Till the Right Time Comes ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon