chapter 5

41 0 0
                                    

Isang buwan nalang at graduation na. Ngayon nagpapraktis na sila ng graduation. Nawala naman yung mga usapan na sila ni Kenji at at di na pinag-uusapan ng mga babae sa campus.

            “Sana wag tayong magkalimutan sana buo parin ng ALICHETTE NYKENOYAE sana buo parin tayo,”sabi ni Antonette na parang iiyak na.

            “Syempre naman,”sabi ni Allen.

             “Uy ako din hah wag niyo rin akong kalimutan,” sabi ni Mitch.

            “Ako din” hirit ni Joy.

            “Lahat tayo mga Babes,” sabi ni Keny na tumayo pa talaga.

            Nagyakapan ang mga magbabarkada pero nagkailangan parin sina Allen at Kenji. Pero hindi na sila masyadong nag-aaway kumpara noon.

            GRADUATION DAY NA...

             “Allen, congrats hah, salutatorian kah!” sabi ni Mitch

            “Congrats din. Valedictorian ka nga eh,” sabi ni Allen.

             “Allen sana hindi ka magbago at yung nalove at first sight ka sa nagbabantay ng internet shop”

            Tumawa ng malakas si Allen,”naku oo nga naku pag naaalala ko yun napapatawa nalang talaga ako”

            “Honey salamat nga raw pala sabi ni Allen,”  sabi ni Allan sa syota niyang si Kenchi.

             “Baby Boy, Happy Graduation we’re so proud of you,” sabi ng mommy ni Kenji.

            “Thank you po mommy,”

            “Baby boy,‘yung pangako mo hah na sa Estados Unidos ka mag-aaral.”

            “Opo mommy, basta ba’t uuwi tayo ng Pinas hah?”

            “Oo  ba naman anak,”

            “Aasikasuhin lang namin ng mommy mo ang mga papeles mo para wala na tayong puproblemahin pa.” sabi ng daddy niya.

            “Salamat po talaga ma,pa ha. I love you po.”

            “We love you too baby boy,” sabay sabi ng parents niya.

            Nagpahinga na si Kenji sa kanyang kwarto.

             “Walang anuman. Si Kenji nga pala?”

            “Ayon nagpapahinga , napagod siguro kanina.”

            “Mabuti pa ngang magpahinga na siya, ganun nga naman si Allen.”

            “Hay, naku! Graduate na talaga kami. Kalian ko kaya ulit makikita si Kenji? Hindi ko talaga malilimutan ‘yung asaran namin , ‘yung bangayan, ‘yung binuhat niya ako kasi natapilok ako, ‘nung nililibre niya ako, ‘nung namasyal kami, ‘nung hinahatid niya ako sa bahay, ‘nung kaarawan niya, at ‘nung

            Kinabukasan tumulak na sila patungong Estados Unidos. Nag-iwan na lamang ng sulat si Kenji para sa mga kaibigan.

             “Pumunta pala siya ng Amerika , kung ganun  doon na siya mag-aaral di lang naman siya nag paalam ng mabuti. Kung sabagay sino ba naman ako para magpaalam siya.”sabi ni Allen sa sarili habang papunta sa office ng paaralan na papasukan niya ngayong kolehiyo para  magpaenroll.

Till the Right Time Comes ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon