----
"Bakit ka ba umiiyak?" nakakunot ang noo ni Vhong at si Anne naman nasa tabi ko at inabot ang panyo niya sa akin.
"Wala may naalala lang ako."
"Karylle naman, diba sabi mo di ka na babalik sa iyakin na Karylle?" sabi naman ni Anne sa akin. inuungkat pa yung noon *sigh*
"Smile ka na dali. hahah "napagaan talaga ng dalawang to ang pakiramdam ko.
Nagdaan ang ilang subjects pero di ko padin makalimutan yung kanina
bakit pa kase naalala ko yun.
"Ms.Tatlonghari?"
"Ms.Tatlonghari!"
!!!!! ay.
"Yes maam Bakit po?" napatayo ako bigla.
"TULALA KA NANAMAN! Basahin mo and ipaliwanag ang sinabi ko kanina!"
"Sorry Maam. Im not feeling well po."
"Kung ganun,hindi ka efficient enough para maging part ng klase ko!"
"Maam, sasamahan ko lang po si Karylle sa Clinic, masama po talaga yung pakiramdam niya eh."
Hindi na umimik ang teacher naming basilisko ang mata at hinayaan na kamibg lumabas buti na lang nandyan si Vhong para tulungan ako.
Sinamahan niya ako hanggang Clinic.at alam kong nag aalala siya sa akin.
"Vhong sige ...salamat bumalik ka na sa Classroom"
"Hindi,Sasamahan na kita."sabi naman ni Vhong. ayaw magpapigil eh.
"Wag na ang kulit naman."
"Ehem...."
napalingon naman kaming dalawa
sa nagsalita.
"Navarro bumalik ka na sa Classroom niyo, ako na ang bahala dito."
"Ah ok po Sir." umalis na si Vhong at naiwan akong kasama si Sir Vice.
"intayin natin yung School Nurse tapos ..."
"Anu bang pakialam mo?"
"Bakit ka ba galit na galit?"
napataas siya ng kilay sa sinabi ko, di ko din maintindihan kung bakit ganun n lng ang asta ko.
"Wala,masama lang talaga ang pakiramdam ko sige Sir."
Humiga ako sa Higaan at tumalikod sa kanya.
naghintay akong may sabihin siya pero nang lingonin ko siya wala na nakalabas na.
.
.
.
Pinayagan akong makauwi sa bahay.
nahiga na lang ako at natulog.
Nagising ako ng may maramdaman akong malamig na nakapatong sa ulo ko.
"Hindi ka naman masyado mainit.uminom ka ng gamot para masugpo na yang sakit mo. mamaya akala mo kemelu lang yan.totoo na pala." Back to beks mode nakakapanibago paminsan minsan.
"Mahirap ba mag panggap?"
"Ano? paanong magpanggap?"
"Lalaki ka tapos biglang beks. tapos beks to boy?"
"Keri na rin. sanayan lang."
"Bakla,bakit ang bait mo ngayon?"
"May pupuntahan tayo bukas ayokong masira yung tiwala ni lolo sa akin."
ano pa bang dapat kong isipin. hindi nga pala pwede magkasakit ang artista ... =____=. well artista naman kami pag dating sa lolo niya
"Tawagin mo na nga lang si manang. at umalis ka sa kwarto ko!"
"Oo na!"sabi niya at hinawakan ang sedura ng pinto.
"oo nga pala, wag kang mag didikit masyado kay navarro. pinag chichismisa kayo sa homeroom.mahiya ka naman.
"Nagsalita ha! baka gusto mong sabihin ko yung nakita ko kanina sa HOMEROOM niyo. Akala ko ba bakla ka? bakit may jowa ka?"
Tahimik lang si Vice,iniintay ko na may sabihin siya pero wala.
"Teka ginagamit mo lang si Ms. Kaye?Masama yan.tssk mga tao taga ngayon desperado!"
"Tumahimik ka diyan. Magpahinga k na lang. puro ka dada!"at tuluyan na siyang lumabas at isinara ang pintuan ng malakas.
umalis ako sa school ng mga 11:00. Mukhang mahabahaba ang tulog ko kase dismissal time na pala.
tumingin ako sa Relo
12:30 pm
"putspa akala ko ang tagal ng tulog ko.minuto lang pala."
bumangon ako at lumabas ng kwarto.
Nakaupo siya sa salas at nanonood ng TV.
"Bakla,Bakit ang aga mo umuwi?12:30 palang ah.."
Tumayo siya at pinatay niya ang TV.
"Teh hindi ako umuwi. ah... may dinaanan lang akong mga papeles!"
"Masama pa ba pakiramdam mo?" tanong niya sa akin.
from baklang baklang state to biglang lalaki state. seryoso bigla..
"ah Kaya ko pa naman." Infairness ang bait niya ngayon.
"AYUN NAMAN PALA EH! siguro gumawa ka lang ng excuse para makauwi!"
i take it all back,back to beki mode.
*knock knock*
Manang!!!
hay salamat may kakampi na ulit ako.
"Oh Karylle, bakit ang aga ng uwi niyong dalawa?"
"Ho? hindi naman po kami umuwi ng sabay eh."
"Manang,walang sakit yan gusto lang nan mag cutting!"
"Hoy Hindi ah!!"
Umupo ako sa hapag kainan. sa upuan.malamang. at nangalumbaba.
pinanood ko lang siyang palakadlakad at tila may hinahanap.
"Hoy Bakla,mas nahihilo ako sa ginagawa mo eh.anu bang hinahanap mo?"
"Mga papeles nga!"
"Ang burara mo naman,bakit sa buong bahay mo hahanapin yun?"
"Viceral,sigurado ka bng inuwi mo yun?"sagot ni manang
"Oho,ayun naalala ko na!"
pumasok siya ng Kwarto niya at may kinuhang briefcase.kakaiba ang mga kinikilos ng bakla this past few days.
derederetcho siya sa pintuan,pero bago umalis.
"May pagkain diyan at gamot sa lamesa.
Geh bye."
naiwan akong nakatingin sa pintuan.
bakit niya kailangan gawin yun? anung ibig sabihin nun?
binaling ko naman ang tingin ko kay manang at nakakunot ang noo nito.
"Bakit po manang?"
"Ang pagkakaalam ko ay itatapon na niya ang briefcase na iyon.wala namang laman yun eh..."
---------------
Alam na:)
vote comment and follow me on twitter @prettyboyvice :)
BINABASA MO ANG
VICERYLLE 101
FanfictionPaano kung isa kang highschool student? at nagkaroon ka ng asawa? na Teacher mo papala and ang malala mas kikay pa siya sayo?