Chapter IV. Escaping From The Dragon

85 4 3
                                    

Ross' POV

Plaaak!! Isang malutong na sampal naman nakuha ko kay mama. Grabe ang init sa pisngi.

"You brat!!! It's not even more than 3 days mula nung huli kang makipag basag ulo! Ano bang gusto mong mangyari?!" galit na galit ang dragonesa! Tsk!

"So how will you explain yourself this time??!!" dagdag pa ni mommy.

"Ma it's not my fault! He started it!!" depensa ko sa sarili ko habang nakasimangot at nakapaling ang muka sa kaliwa.

"Same old story son!! Ano bang mali sa pagpapalaki namin sa'yo? Nakukulangan ka pa ba? Lahat naman binigay na sa'yo ah!" ayan na nanglilisik na ang mata ng dragon! Bubuga na to ng apoy mamaya! Hehe!

At ayun nag umpisa nanaman ng sermon agang aga! Kaya di na ko nasimba pag linggo e! Sermon palang ni mommy pang isang buwan na!

"Ma! Di nga po ako! Siya ang naunang sumugod! Self defense lang ginawa ko!" nag pout ako baka sakaling tatalab pag papacute ko kay mommy.

"At nagsisinungaling ka pa!" sabay lapit ni Mama at hila pataas ng patilya ko. Grabee ang sakit. Tumiad ako para hindi masyado sumakit pero ipinagkataasan pa ni mama kamay niya! Dahil matangkad ako sobra nakataas ang kamay niya! Malamang sobra pangit ng muka ko sa ngibit na ginagawa sakin ni Mama. Wooooh! Solid ang sakit talaga parang mabubunot ang patilya ko.

"Ma tama na! Masakit! Araay!!" nagreklamo na ko kasi parang walang plano si Mama tumigil. Pero imbis na tumigil lalo pa niya itinaas! "Aaaah!" ang sakit talaga. Mula nung bata pa ko ganto na ginagawa niya sakin, hanggang ngayon ganun parin! At ang sakit parin! Shit! Ipapaahit ko na talaga tong patilya ko!!

"Lintek na bata ka! Hindi ka na nagtanda!! Nskdb/#-+ -#-#sh jssjd:-# ja:#+%- hjtej hgjcfjvd!!!!! " at sunod sunod na ang bunganga ni Mama na parang armalite pero buti nalang tinigilan na niya patilya ko.Hoooo! Ang inet!! Hindi ko naman naiintidihan pinag sasabi niya. Basta puro mura na siya kasi galit na galit na nga! Haaay! Naturingang asawa ng mayor napakabungangera.

Ganto lagi eksena namin!

Pag tanghali ako gumising mas maingay pa siya sa alarm clock.

Kapag umuuwi ako ng lasing, sa bunganga palang niya hulas na ko.

Pag ilang araw ako di nauwi sa bahay, sa cellphone naman siya nagbubunganga!

Haay! At ang malala pa! Kahit lumalayo na ko, lumalapit pa siya. Sinisiguro niya atang binging bingi ako sa sinasabi niya.

Ilang oras naman kaya aabot to? Malamang minimum of one hour.

Pagkatapos ng mahabang litanya tumigil din.

"Ano naiintindihan mo ba??!!!" si Mama. Hehe! Alam ko na to, isa lamang itong trap! Kapag nagsalita ako ng opo, sasabihin niya bakit ginagawa ko parin at yun gaganahan nanaman siya mag bunganga at mag uumpisa ulet kami sa simula! Oo, tango or hindi at iling ang isagot mo, parehas lang ng din. Kaya hinay hinay sa pag sagot ng tanong at Mas lalong hindi pwede tumahimik!!

No mom, not this time. Hehe!

Escaping from the dragon 101

Escape route # 6

Small Talk

Try niyo to kasi effective to. Dapat lang alam niyo ang libangan at pinag kakaabalahan niya at syempre istorya ng buhay ng mga kaibigan niya. Hehe!

"Mom nakita ko pala si Tita Sunshine kahapon may kasamang foreigner. Kinakumusta ka niya. Pero muka siyang balisa!" nag iba aura ni mommy. Ayun kumagat siya.

"Hala si Sunshine? Sinasabi ko na nga ba eh!! Naku nak hindi foreigner yun muka lang foreigner! Tama nga sinasabi ni Tita Cleo mo. Kabata bata pa daw nun. Nagulat yun kasi nakita mo siya!", si mommy.

"Yea ma! Parang nagulat nga siya. Pero Mom pinakilala niya saken yun kasama niya pamangkin niya daw." -ako! Hehe! Ayan kumakagat na ng tuluyan ang dragon.

"Sus! Si Sunshine talaga! Mga ilang taon ba tingin mo dun?" tanong ni Mama. Ayun tinuruan pa ko maging tsismoso!

"Kung titingnan po parang matanda lang ng konte saken. Siguro nasa 20's" sagot din naman ako. Kelangan eh!

"Ay nga pala! May pag uusapan nga pala kami ng tita Cleo mo. Sige jan ka muna nak!"

at ayun umalis na ang dragon!! Wahaha! At nagmamadali pa talaga siya papunta sa telepono.

Narinig ko kasi nung minsan pinag uusapan nila si Tita Sunshine may bago daw boyfriend na mukang foreigner na sobrang bata. Hehe!

Likas kasing tsismosa to si Mama! Kapag nag usap usap sila ng mga amiga niya sira ang buhay ng absent. Hahahaha!!

See?? Effective di ba? Ayun malamang binabalita na niya kay Tita Cleo sinabi ko. Hehe! That is how to escape from that dragonesa and I have 9 more!! Hehe!

Testing naten:

"Ma may sasabihin ka pa? Can I go to my room now?" sigaw ko kay Mama. Mejo malayo na siya eh

"Go ahead!" sagot niya! Haha! Kitams

Haays! Malaya na ulet si Ross!! Teka ayain ko ng inuman ang tropa, tamang tama sunday ngayon. Aba nakapagod din makipag laban sa dragon ah! Kelangan ko ng malamig na beer.

Tamang tama sunday! Hihi!!

Phone rings

"Oh boss? Balita?" Bryan on the other line

"Dating tambayan in 1 hour!" ako

"Yun oh! Astig ka talaga boss!! Pinayagan ka na ba ni tita?"

"Basta ako na bahala. Sige kita mamaya!"

End of Call

Ok all set!!

Paalam muna ko kay Mama habang busy pa pakikipag usap sa phone

"Ma! Alis muna ko! Late na ko mamaya ha??" cross finger baka bumalik siya sa katinuan.

"Sige nak ingat! -- -- Oo yun nga bata pa nga mare! .. Andun nga sa mall at nagulat pa nga daw! .. Confirm mare!? -- -- wala pa nga siya sa sarili niya. Hehe! Makaalis na nga ng mabilis. Kapag natapos to sa phone malamang magbago isip! Haha!

"Bye ma!" sabay kiss kay Mama sa pisngi para sure! Hehe!

See? That's what you call a total escape! Kelangan lang bilisan ko kasi kung di ko siya nalibang dapat grounded ako ngayon! Hahaha!

Derecho sa kotse! Engine starts!!

Yahooooo!!! Party party na!!!!

Iturn off ang mobile para sure! Hehe!

Walang storbo mamaya!

A/N: Short update ulet! Absent ako ngayon magaya nga si Ross. Makapag party din. Good luck nalang bukas! Enjoy the day guys!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Can't See but Love (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon