Saffira POV.Papasok na ako sa bago kong school nag transfer kasi ako dahil may nagawa akong kalokohan sa dati kong school kaya pinaalis ako don kaya kailangan kong magpakabait ngayon para may maging kaibigan ako. Gusto ko sanang magtanong sa mga babae kaso lang mukhang matataray at baka patulan ko lang may nakita ako nerd na naglalakad eto nalang tatanungin ko
"Hi ate pwede magtanong?" tanong ko sa kanya
"Sige po" sabi niya kaya nginitian ko siya
"San po yung section 12-A?" Tanong ko ulit
"Ahh don yan sa pangalawang building" sabi niya
"Sige po thank you" Sabi ko sa kanya at umalis na.
May nakikita akong mga babae at lalaki na nakatingin sakin habang naglalakad ako.
Hi beautiful
Hi sexy
Pwede makipag kaibigan?
Pwede manligaw?
Kala mo kung sinong maganda
Bago lang yata dito yan ngayon kolang nakita yan dito
Sabi nung mga lalaki at babae habang naglalakad ako di ko nalang sila pinansin hanggang sa nakarating ako sa room ko umupo ako sa may bakanteng upuan may nakita ako na dalawang babae na nag kwekwentuhan tumingin sila sa at nginitian ako kaya nginitian ko din sila.
Alam ko na kung anong mangyayari ngayon walang katapusan na introduce your self. Maya maya dumating na yung teacher namin at isa isa ng nagpakilala nung ako na magpapakilala pumunta na ako sa harap.
"Hi guys, Good morning Maria Saffira Mercado, 17 bago lang ako dito kaya sana may maging kaibigan ako" Sabi ko at bumalik na ako sa upuan ko at nagpakilala naman yung katabi kong babae na nag kwekwentuhan kanina
"Hi guys, Chloe Beatriz Miranda, 17" Sabi niya at bumalik na siya sa upuan tas yung isa naman yung tumayo
"Hi guys, Kyesha Marie Mendoza, 17" Sabi niya at bumalik na siya sa upuan niya kanina
Magkakasing edad lang pala kami sana eto nalang maging kaibigan ko mukha naman kasi silang mabait.
"Hi saffira" Sabi nung chloe
"Hello" Sabi ko
"Hi saffira" Sabi naman nung kyesha
"Hello" Sabi ko ulit
"Pwede makipag kaibigan?" Tanong ni chloe
"Sure" Sabi ko
"So nag tranfer kalang dito diba?" Sabi naman ni kyesha
"Oo" Sabi ko.
"So sasabihin ko sayo yung ugali nung mga student dito, yung iba jan bigla bigla nalang magsasapakan, may mga feeling artista, may mga feeling maganda mukha naman mga hipon, may mga matatapang din jan kasali kasi sila sa mga gang, may mga nerd, may mga jeje at may mga higad kaya pag nag boyfriend ka dito dapat lagi kang nakatingin sa kanya." Sabi ni chloe
Magsasali na sana ko ng may biglang pumasok sa room namin. Gwapo, matangkad, maputi, maganda mata, pero mukhang mayabang. Uupo na sana siya sa upuan pero bigla siyang tinawag ni ma'am.
"Mr. Zamora wala kabang nakikita dito sa harap? At baka gusto mo munang magpakilala" Mataray na sabi sa kanya ni ma'am. Pumunta siya sa harap at ngumiti samin kaya yung ibang classmate ko na babae ay kinikilig
YOU ARE READING
KEEP US FOREVER
Teen FictionSila nga ba ang magkakatuluyan hanggang dulo? Malalagpasan kaya nila lahat ng problema? Wala kayang susuko sa kanila? May happy ending kaya sila? - @Annengcuteee