Saffira POV.
Nakita ko agad sila chloe at kyesha na nakaupo na sa mga upuan nila at nagkwekwentuhan.
"Hi" Bati ko kila chloe at kyesha
"Hello saff" Sabay na bati nila sakin
"Matagal niyo na bang kilala si carl?" Tanong ko agad sa kanila
"Oo since grade7 classmate na namin siya" Sabi ni kyesha
"Pano? Diba higher section to? Hindi naman siya pumapasok pano siya napupunta dito?" Tanong ko
"Saff kahit hindi pumapasok si carl matalino siya at tuwing may exam siya ang may pinaka mataas na score pati narin yung mga kasama niya sa gang" Paliwanag ni chloe
"Matagal na bang may gang yan?" Tanong ko ulit
"Nung grade9 lang yata kami nagkaroon ng gang yan si carl" Tumango nalang ako sa sinabi ni kyesha
"Bakit andami mong tanong tungkol kay carl?" Tanong ni chloe sakin
"Wala lang" Sabi ko
Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila na may gang din ako dahil walang nakakaalam non kundin sa daddy lang
"Ilan sila sa gang?" Tanong ko
"Five at si carl ang leader nila" Sabi ni kyesha. Tumango nalang ako at hindi na nagsalita
Maya maya lang dumating na si ma'am perez siya kasi yung first period namin.
"Good morning class" Bati ni ma'am perez samin
"Good morning ma'am perez" Sabay sabay na bati namin sa kanya
"Okay so tulad nga ng sinabi ko sa gc natin may gagawin kayong project at partner partner to ako ang magsasabi kung sino ang mga partner niyo" Sabi ni ma'am perez at maraming umangal samga classmate ko.
May mga lalaki na biglang pumasok sa room namin at umupo sa may bakanteng upuan sa harapan. Matatangkad, gwapo at mukang mayayabang. Nakita si ma'am perez na biglang nangunot ang noo at mukang galit na siya.
"Mr. Santiago, Mr. Aguilar, Mr. Rivera at Mr. Galang hindi na nga kayo pumasok kahapon mga late pa kayo ngayon. Magpakilala kayo isa isa at asan si Mr. Zamora?" Galit na sabi ni ma'am perez
Oo nga no wala si Mr. Yabang bat kaya hindi ko napansin yon sumbong ko nga siya kay ma'am
"Papasok palang po ma'am" Sabi nung aguilar yata apilido
"Ma'am nakita ko po kanina may kasamang babae makikipag date po yata" Sabat ko. Nagtinginan sakin yung mya barkada niya at tiningnan ako ng masama pero nginitian ko lang sila.
"Aba magaling na bata. Osige tumayo na kayo jan at magpakilala" Sabi ni ma'am perez sabay turo sa mga kaibigan ni carl.
Tumayo naman agad yung isa sa harap na parang tamad na tamad magpakilala
"Justin Santiago, 17" Sabi niya at bumalik na sa upuan niya kanina
May isa naman agad na tumayo tiningnan ko siyang mabuti. Gwapo, Singkit, Matangos yung ilong, maputi at mukang mayabang
"Ken Rivera, 18. Ang pinaka hot dito sa loob ng school" Sabi niya at bumalik na sa upuan niya kanina
May tumayo ulit na isa. Gwapo, matangkad at hindi masyadong maputi
YOU ARE READING
KEEP US FOREVER
Novela JuvenilSila nga ba ang magkakatuluyan hanggang dulo? Malalagpasan kaya nila lahat ng problema? Wala kayang susuko sa kanila? May happy ending kaya sila? - @Annengcuteee