Carl POV.
May nakita akong sexy at magandang babae na naglalakad kaya nilapitan ko mukha rin naman kasi malandi.
"Hi miss" Sabi ko sa kanya sabay kindat nakita kong namula yung mukha niya
"Hello" Sabi niya
"Pwede ba tayong mag date?" Tanong ko agad
"Sure babe" Sabi niya sabay ngiti
Kala ko magpapakipot pa to ehh
"Ano nga palang name mo?" Tanong ko
"Kreilyn Pelayo. Ikaw?" Sabi niya
"CJ Zamora" Sabi ko "Tara na" Yaya ko sa kanya
"Sige" Sabi niya
Palabas na kami nung kadate ko sa school ng makita ko si saffira na papasok kaya tiningnan ko siya at tumingin din siya sakin kaya nginitian ko siya pero inirapan lang niya ako.
"Babe sino yung nginitian mo?" Tanong sakin ni kreilyn
"Wala yon babe tara na date na tayo" Sabi ko
"Sige babe" Sabi niya
Pumunta na kami sa kotse ko at nagdrive na ako papunta sa coffee shop.
"Babe saglit lang tayo ah magagalit nanaman sakin si ma'am perez niyan" Sabi ko
"Sige babe maaga pa naman ehh" Sabi ni kreilyn
Tiningnan ko yung relo ko 6:40 palang 7:00 pa naman yung pasok ko kaya may 20minutes pa ako para idate siya
Umorder agad ako para mabilis lang yung date namin dahil baka malate ako. Pagdating nung order ininom ko agad yung kape at kinain yung cake.
"Babe dahan dahan sa pag inom ng coffee baka mapaso ka" Sabi ni kreilyn, nginitian ko lang siya.
Tapos na kami ni kreilyn kumain kaya bumalik na kami agad sa school. Nung makarating kami sa school pinark ko agad yung kotse at hinalikan si kreilyn sa labi.
"Babye" Sabi niya at bumaba na ng kotse ko ng nakita kong medyo malayo na si kreilyn ay bumaba na ako at pumunta sa room namin.
Nung makarating ako sa room namin pumasok agad ako pero pinagalitan ako ni ma'am perez
"Ohh Mr. Zamora kamusta ba pakikipag date? Lagi ka nalang late ha pumunta kana sa upuan mo at may sasabihin ako" Mataray na sabi sakin ni ma'am perez. Umupo na ako sa upuan ko at tiningnan ko yung mgakaibigan ko na para bang nagtatanong kung sino yung nagsumbong sakin sabay sabay naman nilang tinuro yung babaeng maganda na nasa likod maya tiningnan ko.
"Yari ka sakin mamaya" Sabi ko pero walang boses pero hindi niya ako pinansin
Sinabi na isa isa ni mar'am perez yung mga mag partner
"Ms. Mercado at Mr. Zamora" Sabi ni ma'am hindi na ako umangal dahil hindi rin naman papayag si ma'am
"Ma'am pwede po ba ipartner niyo na ako sa iba wag lang jan" Sabi niya
"Hindi pwede. Kung sino sinabi kong partner niyo yun na yon" Mataray na sabi ni ma'am
"Pero ma'am ayo--" Hindi niya natuloy yung sasabihin niya dahil sumabat na ako
"Wag kanang maarte ayoko rin na kapartner ka" Sabi ko sa kanya at hindi na siya nagsalita
Pinaliganag na ni ma'am yung gagawin namin at nung lumabas na si ma'am naisipan ko lapitan si saffira wala rin kasi yung mga kaibigan niya at kaming dalawa lang any naiwan dito sa room.
"kailan natin sisimulan yung project?" Tanong ko sa kanya
"Pwede ba wag mo akong tawagin na maria" Mataray na sabi niya sakin
"Edi wag Ms. Sunget nalang tatawag ko sayo" Sabi ko at inirapan lang niya ako
Dudukutin ko na yung mata nung babae na to irap ng irap
"Samin tayo gagawa ng project. Mahirap na maganda pa naman ako" Sabi niya sakin at sinulat yung address nung bahay ni at binigay sakin
"Mukha kang aswang wag kang mag mangarap" Sabi ko
"Aba lumayo ka sakin baka masipa ko yang alaga mo" Sabi niya
"Subukan mo hahalikan kita" Sabi ko sa kanya at yumuko ako dahil nakaupo siya at ako ay nakatayo
"Wag kang lalapit sakin shu layo layo" Sabi niya pero nginisian ko lang siya
"Sumbungera ka pala Ms. Sunget ahh" Sabi ko at nilapit ko sa mukha niya ang mukha ko.
"Dapat lang sayo yon" Sabi niya
"Isang sumbong mo pa malalaman mo kung pano ko magparusa" Sabi ko at mas lalo kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya isang maling galaw lang mahahalikan ko na siya
"Hindi ako natatakot sayo" Sabi niya
"Tingnan natin" Sabi ko at umalis na
Nakasalubong ko yung mga kaibigan niya pero di ako pinansin kaya nag derederetso nalang ako. Nakita ko yung mga kaibigan ko kaya pumunta ako sa kanila
"San ka galing?" Tanong ni ken
"Sa room lang" Sagot ko sa kanya
"Alam ko naiwan din don si saffira ahh. Ano ginawa niyo ha?" Tanong ulit niya at nakangisi pa ang gago
"Wala ano gagawin namin?" Sabi ko
"Nako carl kilala ka namin" Sabi ni justin
"Edi wag kayo maniwala" Inis na sabi ko
"Ohh naiinis na ang master tigilan niyo na HAHAHA" Sabi ni paul
"GAGO!" Mura ko sa kanya
"May laban tayo mamaya?" Tanong sakin ni Paul
"Hindi ko pa alam" Sabi ko
"Sige" Sabi niya
May gang kaming magkakaibigan ako ang leader at F boys ang pangalan ng gang namin
"Tara na balik na tayo sa room" Yaya ni jerwin samin
"Sige" Sabi namin
Naglakad na kami papunta sa room namin at nung makarating kami titingnan ko sana si Ms. Sunget pero wala siya sa upuan niya.
"Wala palang ginawa ha?" Bulong sakin ni ken
"Wala nga" Sabi ko sa kanya
Maya maya dumating na yung teacher namin at isa isa tinawag para sa attendance
"Mr. Zamora" sabi ni ma'am
"Present po" Sabi ko
Yung pangalan ni saffira ang hinihintay kong tawagin dahil may dahilan naman siguro kaya siya umalis. Nung si saffira na ang tinawag biglang nagsalita si kyesha
"Ma'am sumama daw po yung pakiramdam niya" Sabi ni kyesha
"Okay" Sabi ni ma'am
"Masama pala pakiramdam HAHAHA" Pang aasar sakin ni paul at nakitawa naman yung iba kong kaibigan.
"GAGO KA!" Napalakas yung sigaw ko kaya nagtinginan yung iba kong classmate at biglang sumigaw si ma'am
"MR. ZAMORA GET OUT!" Sigaw ni ma'am sakin
Nga fvck you muna ako sa mga kaibigan ko bago umalis at nagtawanan naman sila.
-
Enjoy reading beybeee
YOU ARE READING
KEEP US FOREVER
Novela JuvenilSila nga ba ang magkakatuluyan hanggang dulo? Malalagpasan kaya nila lahat ng problema? Wala kayang susuko sa kanila? May happy ending kaya sila? - @Annengcuteee