Chapter I the beginning

45 3 2
                                    

[Jade's POV]

5 years old ako ng mamasukan bilang kasambahay si mama kina Senorita Amor, nanay naman ni Carlo Xae, O diba pangalan pa lang ang gara na! Makapangalan naman kasi si Senorita Amor wagas! yaan na natin trip niya ee!hihihi!

Iniwan naman si Senorita ng Kanong asawa niya!Showbiz lang diba! hihi! Kaedad ko lang si Carlo Xae, sabay kaming namulat.

Napagkasunduan naman nila mama at Senorita na sa iisang paaralan nalang kami mag aral. Mula Elementary hanggang High school ay hindi kami naghiwalay!Naging malapit kami sa isa't isa,at mula ng kami bata pa ee, bestfriend na ang turingan namin!

At ngayon ngay 4th Year na kami, huling taon na namin ni Carlo sa High school! halos sa lahat ng bagay ee magkakampi kami, para narin kaming magkapatid na maituturing!

Unang araw ng klase, Bukod sa akin, ay mga kaibigan pa kami at iyon si Kiko, ang babaerong si Kiko,kung bakit? malalaman niyo rin! Misteryoso!bakit ulit? malalaman niyo rin! promise! pero mabait naman, may pagka salbahe lang minsan!transferee noong 2nd year kami.

at nariyan naman si Kristine, transferee noong 3rd year naman!Na siyang malapit sakin, dahil nakapalagayan ko ng loob noong una pa lang. Wetwew! Ganda niyang si K, tawag namin sa kanya. Minsan nga pinagkakamalan kaming mag syota! hehehe! buhay nga naman! pero sya namang iknatuwa ko kahit papano!ganda na rin kaya ni K para maging GF.

Nakaupo ako sa bandang likuran, sa kanan ko ay si Carlo, habang sa kaliwa ko naman ay si K. Samantalang si Kiko ay nasa harapan na walang ibang ginawa kundi magtext.

Habang hinihintay ang aming guro, walang ibang ginawa ang mga kaklase ko kundi mag-ingay at magharutan! at sa magkabila kong gilid ay ang dalawa na tila nagbabasagan.

"K", tawag ni Carlo na syang nagpalingon sa katabi kong babae.

Anu? sagot ni K.

"Kelan mo ko sasagutin?" nakangising sambit ng Bestfriend ko.

Humarap muli si K. "Una sasagutin kita kung alam ko lang yung tanong",sabi nito sabay taas kilay!

wala naman akong ibang ginawa kundi lingunin sila bawat may sabihin sila haha!

"Sa gwapo kong to", bigkas ni Carlo na para bang pinaringgan si K habang hawak neto ang baba at pasingkit na tinignan si K.

"Pogi ka sana kaso ang hangin mo!" sabi ni K.

"Liligawan na sana kita K ee kaso ang sungit mo naman,wag na nga lang" pang aasar pa ni Carlo. at walang kaabog abog na sumagot si K,"mas gugustuhin ko pang mamatay ng VIRGIN kung ikaw lang din manliligaw sakin", sabay ikot mata pagkalakas ng boses ee, parang hindi babae!sabi ko naman sa isip isip ko. dahil nabingi ako sa pagkakasabi niya! haha

Wew! HANUDAW??!! Mamamatay ng Virgin? hahaha kutusan ko kaya tong babaeng to!Feelingera ee!San kaya niya nabili yong Albatros na nahithit niya. Hindi naman kaya Expired yung kinain niyang sardinas, kaya ganyan sya makareact! sabi ko isip ko! habang nakakunot akong akong natatawa!

Biyaya na nga kung tutusin ang bumungad kay K, maka React naman! Gwapo naman ang Bestfriend ko at matalino pa! sabi ko ulit ng mahina!

Pero natigilan ako, bakit ganun nalang ako makapagtanggol kay Carlo. anung meron?!ee sa hindi sya siguro gusto ni K! anung magagawa ko? sunod sunod kung tanong na naguguluhan kung bakit ganun ang inaasta ko. Pinikit ko matagal at muling minulat ang mata ko sabay ng pahinga ng malalim sabay bigkas ng mahina sa sarili ko ng "DIVERT! DIVERT! Lalaki ka jade pogi pa!" Hehe

"May sinasabi ka? Bakit nagsasalita ka mag isa?" magkasunod na tanong ni Carlo!

"A ee wala", taranta kung sagot!

Natigilan ang lahat nang akala mo bumukas ang langit sa pagdating ng aming guro, Ayun anghel na kaming lahat!haha 0:)

Liwanag Para SakinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon