Chapter 5 Kutob

16 0 0
                                    

Carlo xae POV

Dalawang araw makalipas noong yinaya kong lumabas si jade, ngayon ngay araw ng midterm exam. Kasabay kong pumasok sa school si jade.

Habang patungo sa classroom

"Mukhang seryoso yata  tayo aa, may problema ba? " tugon ko sa kanya sabay akbay dahil kanina pa siya tahimik.

" aa wa-wala wala." Utal niyang napalingon sakin ngunit saglit ding nag iwas tingin.

Kunot noong tumango tango nalang ako habang nagpapatuloy maglakad papunta ng classroom.

Nang makaupo kami ay siyang dating naman ng mala-chipmunks na prof namin at sabay sabing " class one seat apart! " . Agad naman kaming tumugon at umayos ng pwesto.

Habang sumasagot sa test paper, sa walang kadahilanan akong napasulyap kay jade at bigla kong naalala ang pagiging tahimik neto.

" 30 minutes more [ pronounced as moore]" sabi ng prof na syang  nagpabalik sakin sa katinuan.paanong hindi ka magugulat sa tinis ba naman ng boses ni prof!

" shit! " pabulong kong bigkas sa sarili. Out of 100 items, number 10 palang ako.

" wooohaaattt?!?!?!? " bigkas ko ulit samahan pa nang  nanlaki kong mata na ramdam ko pa ang pagluwa ng eye balls ko hehe pero pogi parin, dahil nga parang ngayon pa lang naabsorb ng utak ko na number 10 palang ako. Hahaha.

At heto nga hanggang 85 lang ang natapos ako sa exam, sana nga lang pumasa sa isip ko sabay buntong hininga.

Natapos ang lahat ng subject at heto naghahanda na pauwi.

" jade sabay na tayo" yaya ko kay jade.

" natoral par iisa inuuwian natin ee" sagot naman ni jade na may ngiti.

" hehehe" nalang ang naisagot ko dahil sa katangahan ko.

" hmmm musta exam nahirapan ka ba? " tanong ko

" hindi naman, nasagot ko naman ng maayos. Ee nag review naman ako par" sagot ni jade na para yatang hindi sanay sa pag tatanong ko.

" aaa mall tayo par? Sama natin barkada ." Aya ko kay jade habang palabas ng classroom.

" wala ako sa mood Carlo, ang totoo kaninang umaga pag alis natin sa bahay di maganda kutob ko. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko may mali, uuwi nalang muna ko!" Mahabang pagpapaliwanag niya na ramdam mong may takot sa mata niya.

" o sige uwi nalang tayo, baka gusto mo nang magpahinga. Relax lang jade andito ko kung may problema, ano pa't naging bestfriend mo ang pinakagwapo sa mundong ibabaw." nakangiti kong pagsimpatya sa nararamdaman niyang di maganda na bakas pa sa malabutil butil niyang pawis.

Pagdating sa bahay agad na sumalubong si yaya yolanda hatid ang isang di magandang balita.mahihinuha mo sa mukha ang pagkabalisa neto.

" hey! Ya! Kumalma ka anu ba ang nangyari?" Pagpapakalma kasunod ang tanong ko.

" Senorito Carlo, Jade " sabi ni yaya  na papalit palit ang tingin samin ni jade.

" Anu? " Sabay naming bigkas nang sumagot na ito. Pambitin kasi si yaya ee.

" Jade ang mama mo sinugod sa hospital" si yaya.

" haaa! Anong nangyari sa kanya?" Si jade na ngayo'y maluluha na sa natanggap na balita.

Agad namang nagpaliwanag ang kasambahay na at sinabi ang bawat detalye ng nangyari.

Pumatak na rin ang luha ni Jade sa labis na pag aalala.

At matapos mahabang paliwanagan agad na kaming nagtungo sa ospital kung saan dinala si nanay maria.

Nang makarating kami nandoon na si mommy nakaupo sa isang upuan sa gilid ng kama ni nanay maria.

"Kaya mahal na mahal ko ang aking mommy dahil sa napakabuti neto kina nanay maria at Jade" sabi ko sa sarili nang makita ko si mommy.

Ilang segundo pa't nakita ko si mommy at Jade na nag uusap tungkol sa kalagayan ni nanay maria.

Kasalukuyan namang walang malay ang nanay ni jade.

"Sanay maging maayos din ang lahat, mabigat sa pakiramdam na nakikitang malungkot si Jade. Alam kong si nanay maria na lang ang yaman ni jade sa buhay. Kaya naman labis na kalungkutan ang mararamdaman ni jade kung sakali" pag mumuni ko habang hinahaplos ang buhok ni aling maria.

Nang walang ano ano'y bigla nagbukas ang pinto na syang nagpalingon sa aming tatlo sa nurse na pumasok. At agad kaming sinabihan na i-aassess daw ang pasyente.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Liwanag Para SakinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon