Maraming mga kaluluwang nakapila at handang handa na silang makalabas ng pinto ng langit. Ito ang araw-araw na senaryo dito.
Maingay ang paligid, lahat ay excited ng makapunta sa kani-kanilang destinasyon - sa kanilang katawang tao.
Bawat ika-sandaang taon mula ng mamatay ang isang tao, diretso ang kaluluwa nila sa banal na kwarto ni TAGAHATOL. Sa mundo ng mga tao, ang pagkakaalam ng lahat ay siya ang nagdedesisyon kung saan pupunta ang nangamatay na kaluluwa - sa langit ba o sa impyerno? Ngunit nagkakamali sila, ang gawain ni TAGAHATOL ay i-assign muli ang namatay na kaluluwa sa bago nitong katawang tao.
Ngayon ang pinakamahalang araw sa isang kaluluwa dahil pagkatapos ng pagkahaba-haba niyang pag-aantay, ay magkakaroon na naman siya ng pagkakataong mabuhay - ang pangalan niya ay #1,892,778,990,090,550.
Sa harap ng pinto ng langit...
San Pedro (hawak-hawak ang kanyang tandang): "#1,892,778,990,090,547"
Kaluluwa#1: "Wihhhhhhhh...."
San Pedro: "#1,892,778,990,090,548"
Kaluluwa#2: "I'm excited to become Taylor Swift!"
San Pedro: "1,892,778,990,090,549"
Kaluluwa#3: "我会再次看到世界"
San Pedro: "#1,892...next!"
Kaluluwa: (Pabulong) "Buti na lang at napansin niyang tatagal pa kami kung babanggitin niya lahat ng pangalan namin. This day is very special to me. Matagal kong pinaghandaan ang buhay na papasukin ko pagdating sa mundo ng mga tao pero sana naman wag na maulit yung nangyari dati. That was 1897, pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa katawan ko, nabomba na ng mga espanyol ang hospital kung saan ako pinanganak. Bwisit diba, kakapanganak ko pa lang, patay na ako kagad! Ni hindi man lang ako napakain nun, gutum na gutom pa naman ako sa haba ng paglalakbay mula langit patungong katawang tao. Kaya "SOURCE", pinagkakatiwala ko sa'yong muli ang buhay ko pero bigyan mo naman ako ng mahabang airtime sa lupa"
San Pedro: "next...next...HOY!"
Kaluluwa: (Gulat) "Sorry po! Eto na po! 1..2...3...!"
Ang mga kaluluwa ay naglalakbay patungo sa kanilang katawang tao mula tatlo (3) hanggang pitong (7) araw. Alam nila ang kanilang patutunguhan ngunit wala na silang ideya pabalik ng langit. Dito nag-uugat ang tinatawag nating KALULUWANG LIGAW. Sila yung mga hindi nakakarating sa kanilang mga destinasyon dahil sa mga hindi inaaasahang pangyayari... may mga kaluluwang hindi pa man nakakapasok sa katawan nila e namamatay na agad.
.. may iba namang pinapaabort... may ibang sadyang gusto lang maligaw at trip lang talagang manakot ng mga tao - sila yung kilala natin sa tawag na multo. May mga kaluluwang pumapasok sa katawan ng hayop o halaman para kapag namatay sila, diretso ulit sila kay TAGAHATOL.
Sa ika-apat na araw na paglalakbay ni 1,892,778,990,090,550, may nakita siyang isang kaluluwang umiiyak. Agad siyang lumapit at nagtanong...
Kaluluwa: "Hello?"
Kaluluwang Umiiyak: "Bakit? Anong kailangan mo? Lumayo ka nga sa akin!"
Kaluluwa: "Ang sungit mo naman! Bakit ka ba umiiyak?"
Kaluluwang Umiiyak: "Pagpasensyahan mo na ako, 63 years na akong umiiyak dahil naliligaw ako! Hindi ko makita ang daan pabalik ng langit!"
Kaluluwa: "Ano bang nangyari sayo?"
Kaluluwang Umiiyak: "Nung papasok kasi ako sa katawang tao, bigla akong napahinto!"
Kaluluwa: "Bakit naman?"
BINABASA MO ANG
#AlamNa
AdventureAko si Paolo Raphael Villamayor, nagmahal, nagmamahal at magmamahal ng tunay! Unti-unti kong bubuksan ang isang bahagi ng aking buhay sa publiko. Ang bahagi kung saan marami akong natutunan tungkol sa buhay --- kaibigan, pamilya at pag-ibig. "Paano...