Chapter 2 - #BFF

50 0 0
                                    

Panibago na namang araw. Ako yung tipo ng tao na naniniwalang ang bawat umaga ay bagong simula. Napaka-positibo ko sa buhay. Yan ang isang bagay na nakuha ko sa pagbabasa ng libro.

Today my schedule at school starts after lunch. Pinili ko talaga yun para hindi na ako gumastos ng pagkain. At the same, it's my time to write anything I want - lyrics ng song, book or script na pwedeng gamitin ni itay pero today, I decided to write my CV o tinatawag din nating RESUME.

Gusto kong magtrabaho, kahit part time lang after class para naman kahit papano kaya kong bumili ng mga bagay na gusto ko. Yung tipong hindi na ako hihingi pa sa parents ko. At saka, sa isang ALTA na university ako pumasok kaya gusto kong makaangat ng konti in terms of my allowance. Ayoko namang puro sandwich ang binibili ko.

So after doing my CV, diretso ako sa jobroad.com, isang website kung saan nakapost lahat ng job openings. Sobrang ok tong site na to kasi laging online ang mga HR Managers. Pag nakita nila ang resume mo, the initial interview will automatically happen... Click...review...apply...upload CV...sent... Nakakatatlo na akong companies pero wala pa rin akong natatanggap na message.

While searching for a company, I saw a restaurant looking for a waiter. Ang maganda dito, malapit lang ng konti sa school namin at ang schedule is from 7pm to 12mn. Saktong-sakto sa labas ko sa school pag mondays and thursdays. Malaki ang sahod sa kanila kahit waiter ang trabaho kaya hindi na ako nagdalawang-isip... (CV Sent).

Fingers-crossed... Sana mapansin ng HR Manager nila ang resume ko. Nakatitig lang ako sa laptop ko. "Ang tagal naman!". After 3 mins na walang kurap at hingahan, I received a reply.

Message from HR Manager: "Hi Mr. Villamayor. We would like to inform you that you're hired. Please report on time this Thursday, 7pm at House of Passion Fine Dining Restaurant. Kindly reply on your shirt size and waistline. Also bring a copy of your CV. If you have questions, save that tomorrow during the orientation. Thank you!"

Paolo: "Walang ka-effort, effort? Agad-agad? Wait, anong nangyari?"

Imbes magpasalamat na lang dahil tanggap na ako sa trabaho, e parang kinabahan ako.

Well, ano bang goal ko, makakuha ng work di ba? Hindi ko na tatanggihan to kasi sobrang convenient niya sa akin. Pero parang may something. Too good to be true ang mga pangyayari. Wala naman atang company na pagkapasa mo ng CV e tanggap ka na agad. Ni walang interview or small talk man lang na nangyari... Well, ok na, let go na ako dyan! Basta bukas, gagalingan ko.

Hindi ko namalayan ang oras, kailangan ko ng maligo at magprepare para sa class ko mamaya.

---

12pm, nasa labas pa lang ako ng gate ng school, everyone's staring at me na para bang may napanood silang sex video ko. Sheep! Yung iba, nagtatawanan tapos tinuturo nila ako! Hindi ako nag-aassume, ako talaga yung tinuturo nila!

Paolo: "Ano na naman to? 2nd day ko pa lang, visible na ako sa campus! Ang plano ko lang naman maging invisible, wag mag-excel sa class, wag MAPANSIN."

Naglalakad ako papunta sa classroom ko ng nakayuko! Nag-earphones din ako para hindi ko marining ang mga pinaguusapan ng mga estudyante. Ayokong malaman kung bakit sila nakatingin lahat sa akin.

Pagdating ko sa may hadgan, maraming estudyante ang nagkukumpulan! Pag angat ko ng ulo ko para tingnan kung anong nangyari, nagtinginan ang lahat! At may isang sumigaw ng, "Siya yun oh!" sabay tawanan silang lahat.. Nakakainis kasi as I look at them, yung tawa nila, NAG-I-SLOW MOTION!

Tumakbo ako paakyat sa 2nd flr kung saan ang klase ko, nakayuko pa rin ako. Pagdating ko sa taas, may nakita akong isang dyaryo na nakakalat. Pinulot ko and I flipped it over to the cover page.

#AlamNaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon