Chapter 3 - #PowerTrip

46 1 0
                                    

Ang daming nangyari nung Monday and Tuesday! Sa sobrang dami, pag-uwi ko sa bahay e nakatulog na kaagad ako. Nakalimutan ko na din bawat detalye ng mga naganap. Ang natatandaan ko lang eh may mga bago na namang characters sa buhay ko. Hindi naman eto ang hiningi ko, ang gusto ko lang eh mamuhay ng matahimik. Buti na lang, wala akong pasok kahapon.

Marami namang positive na nangyari tulad ng pagka-hire ko sa trabaho at mamaya na ang first day ko sa work! Sobrang excited na ako to earn my own money. At pagdating nina inay at itay, sure akong magugulat sila at hindi na nila ako mapipigilan pa...

Bago ang interview, pasok na naman sa school! Marami pa ring mga matang nakatingin sa akin at mga bulung-bulungan. Dala siguro ng article nung Tuesday about me at ng mga litratong hanggang ngayon e may mga paunti-unti pang nakakalat sa buong university pati na rin sa pangingialam ko kay Des at sa Cliquish Girls.

Wala ang P4 buong maghapon kaya tahimik lahat. Pati Cliquish Girls wala rin kaya happy ang school! Wala ata silang schedule ng classes today. Hahaha... Atleast may araw akong peaceful. Light and charming every Thursday.

Habang patapos na ang last class ko, nagtext si Des!

MESSAGE FROM DES: "Paolo, labas tayo mamaya! My treat! Sige na.. Sige na.. Please!"

REPLY FROM PAOLO: "Naku BFF, hindi ako pwede mamaya. May work na ako after school! Magtratrabaho ako sa Passion Restaurant as waiter. Gusto mo punta ka na lang dun mamaya?"

REPLY FROM DES: "Wait! Kita muna tayo mamaya, 6pm sa Rising Garden!"

REPLY FROM PAOLO: "Ok! See you!"

Pagkatapos ng klase, dumiretso ako ng Rising Garden pero habang naglalakad...

Sarah: "Paolo!"

Paolo: "O bakit po?"

Sarah: "Samahan mo ako sa Passion Restaurant. Yung fine dining dyan malapit sa school."

Paolo: "Ha? Hindi ako pwede eh!"

Sarah: "Sige na please!"

Paolo: "Bakit naman ako?"

Sarah: "Kasi nakapagpareserve na ako para sa anniversary namin ni Miguel kaso hindi siya pwede. Sayang naman."

Paolo: "Ok pero samahan mo muna ako sa Rising Garden! I'll just meet somebody there."

So dumating kami sa Rising Garden to meet Des.

Des: "Sino siya?"

Paolo: "Des, meet Sarah! Sarah, meet Des!"

Sarah: "Ikaw yung..."

Des: "Ako nga yung binubully ng Cliquish Girls kahapon."

Sarah: "Sorry to hear that! Pero it seems naman na ok ka na."

Des: "Ok na ok!"

Paolo: "She's very ok! Andito naman ako for her!"

Sarah: "Kayo ba?"

Des: "Hindi ah. BFF ko siya as in Best Friend Forever! Bakit ko natanong, kayo ba?"

Paolo: "Kaklase ko si Sarah sa ibang subjects. Saka hindi magiging kami kasi ayokong lumaki galit sa akin ng P4!"

Des: "Bakit?"

Sarah: "Boyfriend ko kasi si Miguel! Isa sa mga members ng P4!"

Des: "Huwaaaaaaat? Tapos magkasama kayo now? Baka naman magselos yun? "

Sarah: "Hayaan mo siyang magselos! Hahaha..."

Des: "Pinapahamak mo naman lalo si BFF!"

Paolo: "Sandali lang! Mag-Papassion tayo di ba?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

#AlamNaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon