Chapter 1 - #OOTD

55 1 0
                                    

I'm Paolo Raphael Villamayor, 17 years old from Makati. Matangkad ako, payat, kimpee ang buhok, matangos ang ilong at moreno. Mukha akong nerd, hindi lang pala mukha... nerd talaga ako pero pwede naman nating sabihing "BOOKISH" lang.

Ang buhay ko ay napaka-exciting - bahay, school, bahay, school, library, bahay, bookstore, school, bahay... Sa paningin ng marami, boring ang buhay ko pero para sa akin, kuntento na ako dito at nag-eenjoy naman akong kasama ang mga libro.

Only child ako nina Maria at Sam Villamayor and they're expecting a lot from me. Kaya rin siguro sobra ako kung magsunog ng kilay.

Pamilya kami ng artists! Inay is a painter while itay owns an Indie Film Production House tapos ako naman ay isang frustrated singer. Hidden talent ko yun pero ang alam ng mga tao, wala akong ibang kayang gawin kundi mag-solve ng Math Problems at magbasa ng libro. Writer din ako sa mga tabloids pero walang nakakaalam dahil I used a pen name - si "MANONG PARA"! Doon ko nalalabas ang pagkamakulit ko, swear!

Today will be a very special day! It's my first day in college pero kabado ako kasi sa isang prestihiyosong unibersidad ako mag-aaral - sa Gramercy University! Pinapangarap ng lahat na makapasok dito as in literal. Wagas ang higpit ng security kasi dito lang naman nag-aaral ang mga anak ng sikat na politiko, businessman, atleta at kahit mga artista. Ako lang ang katangi-tanging "WHO YOU?" dito at ako ang kauna-unahang scholar kasi yung iba, kahit qualified na e gusto pa ring magbayad ng tuition fee - ang tataas ng ego!

Kinakahabahan ako as in BIG TIME! Nakikita ko lahat ng estudyante may kanya-kanyang service. Pagandahan sila ng sasakyan - actually, may isang building dito para lang sa parking nila. Padamihan din ng bodyguards - sana naman hindi sila kasama sa loob ng classroom. Patalbugan ng damit - may ibang simple lang pero kung alam mo yung brand ng suot nila, hindi bababa ang presyo ng isang white plain t-shirt sa Php5,000. Hirap ng walang uniform, mahahalata nila agad ang estado ko sa buhay.

ALTA! Eto nga pala ang tawag ng karamihan sa mga estudyanteng pumapasok dito. Mayaman, sikat, makapangyarihan, kaya sobra akong kinakabahan. Hindi ko alam kung makakatagal ba ako dito.

Nanliliit ako dito pero sige... I'll accept the challenge! Naniniwala naman akong "Everything Happens for a Reason". Kung ano man Po ang plano Mo sa akin, I SURRENDER!

So now I'm going to the Registrar's Office to fix some documents. Habang naglalakad, nagtext si inay sa 2nd hand phone na binigay sa akin ni itay.

TEXT MESSAGE:

From: Inay

"Anak, kumusta ka na diyan!"

Ayoko munang magreply para lalong kabahan si Inay! Hahaha... Simula pa man, tutol na sya na pumasok ako dito pero magaling mangumbinsi si Itay! Kick-out siya dito kasi may nakabangga siya dating schoolmate na ngayon ay Congressman na sa isang probinsya sa norte.

Lutang ako habang binabasa ang text ni Inay (hindi ko rin alam kung bakit ang tagal ko tumitig sa phone e ang iksi lang naman ng message niya) hanggang sa nagkabungguan kami ng isang lalaki at napatilapon ako sa sahig malapit sa basurahan.

Pag tingin ko sa lalaki, sinigawan niya ako...

Lalaki: "What the Fuck?"

Paolo: "Fuck agad? Ako kaya yung tumilapon! Sa'yo nga parang walang nangyari, ni hindi nga nagusot yung damit mo."

Lalaki: "I don't have time for you! Get out of my sight weirdo!" (Sabay sipa sa basurahan.)

Natapon sa akin yung mga upos ng sigarilyo pati mga abo! Bad vibes, nakablack pa naman ako. Namumuti na tong damit ko. Ungas yung lokong yun ah, ni hindi man lang nag-sorry! Pero parang kilala ko siya dati pa.

#AlamNaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon