Chapter 3
"Late Summer Night"
by: iamcharmprincess
Chapter Three
Pagkatapos kong awayin ang tatlong "chaka"dun, dumiretso na ako sa cafeteria. Hindi na ako nahirapan pang hanapin ang cafeteria dahil nakarating naman na ako dito kahapon.
Dumiretso agad ako sa 2nd floor, mas bet ko kasi ang tanawin dun. Kitang~kita ang oval ng secondary campus at mas konti lang ang tao compared sa baba.
Nag~order ako ng chocolate mousse, cupcakes and pizza. Habang kumakain ako, napapansin kong some boys were looking at me with a smile on their faces. And hell yeah! it's a destruction pero I'm enjoying it naman, it only means na ganun ako kaganda para hindi nila ako mapansin. ^_~
Tiningnan ko rin sila and because I'm a total flirt, I smiled~back. But no one dares to come near me. May iba sa aura ko na parang nagsasabing "don't~come~near~me~unless~I~told~you~so!". Flirt ako pero dun lang sa mga boys na flirt lang din sakin. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko hanggang matapos ako.
Ilang minuto pa muna akong nanatili doon at nagrelax.
Nung medyo nakaramdam na ako ng boredom, tumayo na ako at naglakad papunta sa exit ng floor. Hindi pa man ako totally nakababa nung may narinig akong mga tilian mula sa 2nd floor.
"Kyyyaaaaaah!!!!!!"
"Waaaaah!!!!!! ang pogi ni Zeuw!"
"I love you Vaughnn!!!!"
"Kyaaaaaah!! Oh my Drake!!!!"
"Waaaaaah!!!
"Ang swerte..."
Hindi ko naman gets kung ano ang mga pinagtitilian nila kaya hindi ko na yun pinansin pa at nagpatuloy na sa paglalakad pababa ng 2nd floor.
Pagkarating ko sa classroom namin, wala pa masyadong students na nandun kaya I opened my phone but I just found nothing interesting. Inip akong naupo at naghintay lang na lumipas ang oras.
"Bawal nakasimangot Miss Ganda!, Baka pumanget ka!"
Hindi ko na kailangan pang lumingon sa pinanggalingan ng boses na yun dahil alam ko na kung sino siya.
'Ang ingay talaga neto, bwiset!'
"Wow, ang sarap mo namang kausap!" Sarkastikong tugon niya at naupo sa seat na nasa unahan ko mismo.
"Hindi ko sinabing kausapin mo ako." Tugon ko naman sa kaniya at ngumisi.
Iniharap niya ang upuan sakin at tinitigan ako. Hindi naman ako nagpatalo kaya tinitigan ko lang rin siya.
'Want a game huh?!'
Ilang segundo muna kaming nagtitigan hanggang sa magsalita na rin siya muli..
"Ang sarap mong titigan... Maganda! Haha!" Mahinang tawa niya.
Hindi ko inaasahan ang sinabi niya kaya medyo nabigla at napaiwas ako ng tingin. Alam kong napansin niya ang pag~iwas kong yun kaya mas lalo pa siyang lumapit pero medyo malayo pa rin naman siya sakin. Ilang beses na akong nasabihan ng maganda pero iba ang dating nung sinabi niya.
'What the hell is this!?'
"Sige lang, titigan mo lang ako. Pero wag mo 'kong sisisihin pag nainlove ka!" Pambabawi ko at muling ngumisi sa kaniya.
"Ibang klase!" Mahinang sabi niya pero hindi pa rin pinuputol ang pagtititigan namin. Hindi na ako muling nagsalita pa at nilalabanan ko lang ang mga tingin niya.
BINABASA MO ANG
Late Summer Night
Teen FictionWala ng tanong~tanong pa, BASAHIN MO NALANG!!! HAHAHA