CHAPTER 10: Start Of War

225 7 2
                                    

Chelsea's Pov:

"Saan ba kayo galing"

"wala naman, may pinag usapan lang kami" sabi ni Timothy

"Naka order na ba kayo" tanong ni Pan

"Hindi pa nga, si James kasi eh, kinausap pa kami kaya natagalan kami" paliwanag ni Angie na may halong kilig.

"Okay ako na lang ang oorder para sa ating lahat." alok ni Pan.

Pinabayaan namin si Pan na mag-order dahil parang may kakaibang nangyari sa kanila ni Timothy. Gusto kong mag tanong pero pinili ko na lang manahimik.

Sa di kalayuan, napansin ko na para bang may kakaibang nang yayari sa may counter. Kaya naman kinalabit ko agad si Angie para naman mapuntahan niya agad.

Angie's Pov:

Nagulat ako dahil bigla na lang akong kinalabit ni Chelsea ng bunggang-bungga na para bang may nang-yari.

"hoy Angie tingnan mo oh." kalabit sabay turo sa kung na saan si Pan

"Ano ba kasi yun?" tanong ko sabay lingon kay Pan.

O.M.G, mukhang mapapaaway pa ata ang bff ko, kailangan ko siyang puntahan. Mabilis akong tumayo at alam kong ikinagulat ito nila Timothy at Chelsea, agad akong pumunta kay Pan.

Tanya's Pov:

Nakita ko siyang papuntang canteen kasama yung girl. Naiinis ako sa tuwing nakikita ko silang dalawa na magkasama kaya naman sinundan ko sila at nakita ko yung girl na nasa counter kya naman pumunta din ako dun, humanda sa akin yang babae na yan.

"excuse me"

"Yes Miss, anong kailangan mo?" tanong niya sa akin.

"Can we talk?" tanong ko

"About what?" pagtataka niya

"About Tim 🤨, my boyfriend."

"FYI lang, ex-boyfriend, at isa pa mukhang nakakalimot ka ata, ako na ang girlfriend niya ngayon," aba naman talaga

"Oh really, I know naman na panakip butas ka lang niya dahil alam kong mahal pa rin niya ako hanggang ngayon,." akala niya ha.

"Ah ganun ba? Okay."

Nagulat na lang ako dahil biglang dumating yung isa niyang kaibigan.

"Hey, anong problema mo sa kaibigan ko?" mataray niyang tanong.

"Wala naman,mang-aagaw lang naman ng boyfriend yang malandi mong kaibigan." sabi ko

"aba naman, hoy miss walang inaagaw sayo ang kaibigan ko." galit na sabi nung kaibigan ni Pan

"Angie tama na yan, alis na lang tayo" aba tatalikuran pa ata ako.

"wait lang beshie, ano bang ginagawa niyo dito, student ba kayo dito sa school namin." tanong nung Angie

"Oo miss, transfer student kami dito, kanina lang" singit ni Monica.

"Tara na nga Angie, wala akong oras makipagtalo sa mga taong kagaya nila." aba naman, talagang nang-iinis tong babaeng to ah. "

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko, hinila ko ang buhok niya sa sobrang inis ko.

" ano ba bitawan mo nga ako. "sabi niya

"mang-aagaw ka, ang kapal ng mukha mo" sabi ko

"Wala akong inaagaw sayo kaya bitawan mo na ako."

Nagulat ako ng may biglang lumapit sa amin para awatin kaming dalawa.

James's Pov:

Hindi ko na matiis pa ang mga nakikita ko,kaya naman tumayo ako at lumapit kay Timothy.

"puta naman pre😤 tingnan mo naman sila oh, di mo ba nakikitang inaaway na si Pan" alam kong nagulat siya.

Nilapitan ko sila Pan at inawat dahil alam kong nasasaktan na siya. Itinayo ko agad siya ng mapag-hiwalay ko sila.

"Tama na, okay ka lang ba Pan?" tanong ko sa kanya at alam kong ikinagulat niya ito.

"Oo, okay lang ako James, Salamat." sagot niya.

"At ikaw naman miss, ano bang problema mo at bigla mo na lang inaway si Pan?" tanong ko dun sa babae.

"Wala kang paki alam,pwede bang umalis ka na lang."mataray niyang sabi.

Nagulat ako ng biglang dumating si Timothy at kinausap yung babae na para bang mag kakilala na sila ng matagal.

Timothy's Pov:

Nainis ako nang lumapit sa akin si James, hindi ko man lang naipag-tanggol si Pan kay Tanya. Nangako pa naman ako sa kuya niya hindi ko hahayang masaktan siya kaya naman nilapitan ko agad sila.

"Pwede ba Tanya, tumigil ka na!!! Ano bang gusto mong mangyari?" inis kong tanong

"Tim, ako pa ngayon? Alam mo naman kung anong gusto kong mangyari diba😢?"

"Kahit kailan, hinding hindi na mangyayari pa ang gusto mo, hindi na kita mahal."

"Ano bang dapat kong gawin?" tanong niya.

"Wala, matagal na tayong tapos, so please lang tigilan mo na kami. Let's go Pan."

Nagulat ako dahil may biglang pumigil kay Pan para sumama sa akin.

Blaze's Pov:

"hindi sasama sayo ang kapatid ko binalaan na kita," galit kong sabi kay Timothy.

"At sino ka naman?" tanong nung babae sa akin
"don't tell me isa ka din sa mga lalaki ng babaeng yan?" dugtong pa niya.

"could you please shut your mouth, baka samain ka na samin, baka di mo kami kilala?" nagulat ako ng mag salita si Luke.

"Aba may isa pa, iba na talaga pag malandi ang daming lalaki,"

Naiinis na ko, gusto ko siyang saktan pero di pwede dahil babae siya. Kaya naman hinila ko na lang ang kapatid ko palayo sa kanila dahil naaawa na ako sa kanya.

Hindi ko namalayang sumunod pala sa amin si Timothy at nagulat na lang kami sa mga sumunod na pangyayari.

Luke's Pov:

"Ang kulit mo din talaga eh no, sumunod ka pa talaga dito." inis kong sabi.

"Gusto ko lang makausap si Pan."sabi niya.

Hindi na ako nakapag timpi at na suntok ko siya. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa yun at alam kong ikinagulat din ito ng mga kaibigan ko lalo na si Pan.

" Bakit mo ko sinuntok? "tanong ni Tim sa akin

" Hindi mo ba naiisip na kapag mag kasama kayo napapahamak siya.? " inis kong sabi at di ko alam kung bakit ganito ang inaasal ko.

" Hindi ko naman ginusto yun. Kaya naman please hayaan niyo na kong makausap si Pan. "pag mamakaawa niya.

" Layuan mo na ang kapatid ko. "galit na sabi ni Blaze.

Hindi talaga nawala sa isip ko ang mga nangyari kanina kay Pan. Kahit na inis na inis ako sa kanya hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang akong naging concern sa kanya, kakaisip ko sa nangyari di ko na namalayan pang na sa classroom na pala kami.

Angie's Pov:

"Beshie ok ka lang ba?" tanong ko kay Pan?

"Oo nga Pan, okay ka lang ba talaga?" sabi ni Chelsea

"Saan ang masakit sayo?" pag-aalala ni Keanna

"Okay lang ako, wag kayong mag alala sa akin, wala ito." alam kong nasaktan siya, ayaw niya lang ipaalam sa amin.

Nagulat ako ng bigla na lang nag salita si Blaze.

"Simula ngayon ayoko ng nakikipag usap o nakikipag kita ka kay Timothy." sabi ni Blaze.

"Okay po kuya."

Wala ng nagawa pa si Pan kundi sundin ang kuya niya. Over protective lang talaga siya kay Pan dahil mahal na mahal niya ito.

"Mr. Mayabang Meets Ms. Masungit"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon