Vocare

5 0 0
                                        

Nang ako'y nasa ika-apat na baitang, taong 2012, hinikayat ako ng isa sa mga guro namin sa C.L.E. na si Ginoong Mauro upang sumali sa isa sa mga koro sa simbahan. Naniniwala ako na si Ginoong Mauro ang naging daan upang tawagin ako ng Diyos para magserbisyo sa kanya. Walang alinlangang akong sumagot sa tawag niya. Sinabi ko ito sa aking ina tungkol sa pagsali ko sa koro ngunit di siya naniwala sa akin, kaya nung sumapit ang araw ng linggo ipinahatid niya ko sa aking ama. Nang makarating ako sa simbahan, naalala ko na nabighani ako sa ganda nito. Nang makita ko na ang aking mga kaibigan kaagad agad kaming pumunta kay Sir Mauro at tinulungan niya kami papunta sa pianista.

Sa totoo lang, ako'y kinakabahan noon dahil istrikto ang nagtuturo. Naalala ko noon na ayaw kong tumingin sa kanyang mga mata dahil natatakot ako sa kanya. Unang araw namin non, sinimulan niya kaagad kaming turuan sa mga kakantahin namin sa araw na iyon. Medyo nainis nga siya non kasi daw pangit ang boses namin. Ngunit hindi siya sumuko na turuan kami hanggang sa dumating ang punto na nakuha na niya ang kanyang gustong timpla. Masaya kaming naglingkod noon. Mapa ordinaryo, kwaresma, fiesta, pasko at etc. ay naglilingkod kami.

Ngunit dumating sa punto na ako'y nag quit dahil sa personal na dahilan. Ako'y nalungkot noon. Iniisip ko kung paano ako makakabalik sa pagseserbisyo sa Panginoon. Naalala ko noon na ilang linggo din akong hindi nakapag serbisyo o nakapagsimba noon. Miss na miss ko na talaga noon ang pagkanta.

Ako'y nagalak dahil hindi ako sinukuan ng Diyos. Hinikayat kasi ako ng aking mga kaibigan na sumali sa koro sa aming barrio. At walang patumpik tumpik kong tinanggap ang kanyang alok sapagkat handa at gustong-gusto kong makapaglingkod muli.

Medyo nahirapan akong mag adjust noon dahil dati ay kasing edad ko lang ang aking mga kasama. Ngayon, halo na, may bata at matanda. Nang matapos ang adjustment period, masaya na ko sa korong aking sinalihan, tinrato nila ako bilang anak at mukhang spoiled ako sa kanila.

I'm so proud to say na pitong taon na 'kong kumakanta (2012-present) and I hope sa aking pagtanda, kumakanta pa rin ako para sa Panginoon!

Pero, wait ✋

Paano ba ako sumali sa LecCom?

October of 2018, nakatanggap ako ng tawag sa Panginoon na sumali ako sa LecCom. Gustong-gusto ko noon na sumali kaso hindi ko alam kung paano at kung sino ang lalapitan ko. Sinabi ko na lang sa Panginoon na kapag may sign na kailangang ko talagang sumali, sasali na ako, kapag wala, hindi talaga siya para sa akin.

Lumipas ang ilang buwan at taon.

January 6, 2019

Nakita ko sa isang post sa religious page na nangangailangan sila ng mga bagong miyembro for LecCom Jr. Sinabi ko sa aking sarili na mukhang ito na nga ang sign upang sumali ako. Pasimple kong sinabi sa aking ina at aking kapatid ukol rito at hindi ako nabigo mas pinush pa nila akong sumali. Habang nag ta type ako ng message upang makasali, medyo kinakabahan at nag-iisip ako kung tama ang aking desisyon at aking ginawa. Ngunit hindi talaga ako nabigo dahil nakita ko na may potential talaga ako sa pag proclaim ng salita ng Diyos. Every Mondays noon ay siyang training namin at every Third Sunday of the month naman ang pag offer namin sa mass and monthly meeting namin.

Nang dumating ang araw ng Comissioning, binasbasan kami at ipiroklama na bagong miyembro ng LecCom at doon na nagsimulang bigyan ako ng schedule. And until now, I still proclaim the word of God and I'm not tired doing it.

“Amare et Servire"
“Impleta In Auribus Vestris"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Servant of GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon