Bago po ako magsimula, sorry for any mistakes especially with my grammar po.😊
Feel free to pm me for any criticisms.😊Magpapakilala muna ako upang lubos niyong maintindihan ang aking tunay na kwento ukol sa aking paglilingkod sa simbahan.
Ako po ay si Sean Limlingan Mercado, nakatira po sa probinsya ng Pampanga. Ako'y nasa ika-labindalawang baitang ngayon at patuloy pa rin akong nag seserbisyo sa Panginoon. Pitong taon na po akong miyembro ng koro sa aming lugar at bagong miyembro naman ako ng LecCom. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na parte na 'ko sa mga organisasyong ito.
Paano nga ba nagsimula ang lahat?
Ipinanganak ako sa pamilya na relihiyoso na kung saan araw-gabi ay lagi kaming nagdadasal mapa rosaryo man o nobena.
Naalala ko noon na ang nagturo sa akin sa pagdadasal ay ang aking lolo na ngayon ay nasa tahimik na lugar na. Ang unang tinuro niya sa akin ay ang ‘The Lord's Prayer' at ‘Hail Mary'. Nang malaman ng aking ina ito, gabi-gabi na namin itong dinadasal. Dahil tinuro na sa akin ng aking lolo ang pagdadasal, itinuro na sa akin ng aking ina ang pagdadasal ng rosaryo. Noong una siya ang nagli-lead sa akin pero nung nasanay na ako, ako na ang nagli lead at siya na ang sumasagot. Ginagawa naming itong pagrorosaryo pagkatapos naming kumain.
Dahil bata palang ako, marami akong tanong sa aking isipan. Isa na dito ay ang kailan ang magugunaw ang mundo. Sinabi kasi sa amin ng guro namin sa ikalawang-baitang na pag gumunaw na ang mundo, ang mga mabubuting tao ay mapupunta sa langit tapos sinabi din niya sa amin na pag nasa langit na daw ay magiging bata ang itsura at magkakaroon ng pakpak. Ngunit hindi pa rin nasasagot ang katanungan sa aking utak. I mean, nasagot nga siya ngunit parang nakukulangan ako. Upang masagot ang aking katanungan, itinanong ko sa aking lolo ang tanong na bumabagabag sa aking noong bata ako. Hinding-hindi ko makakalimutan ang sagot niya dahil nanggaling ito sa aklat ng Pahayag. Nang tumanda na kasi ako mga bandang ikapitong baitang, madalas ko na kasing binabasa ito at doon ko napagtanto na talagang nasagot ang aking katanungan. Naalala ko nga non na iyak kami ng iyak ng kapatid ko kasi ayaw pa namin mangyari yon dahil nga gusto pa naming makasama ang bawat isa. Well, syempre bata kami pa non kaya hindi pa talaga naming lubusang maintindihan.
Nang ako'y nag ikatlong baitang na, lagi akong nagpaparticipate sa asignatura naming C.L.E. (Christian Living Education) hindi ko alam kung bakit pero lagi akong interesadong makinig sa aking mga guro galing sa simbahan. Tinuturo kasi sa amin ang The creation, Ten Commandments, 7 sacraments and etc.. Naalala ko nga noon na sinabitan ako ng medalya dahil isa ako sa mga Best in C.L.E. at nakatanggap ako ng libro na kung saan naglalaman ito ng buhay ni Hesus. Sinabi sa akin ng guro ko sa C.L.E na “Ipagpatuloy mo lang yan. "
Ngunit kailan nga ba nagsimula ang pagtawag sa akin ng Panginoon para mag serbisyo sa kanya?
BINABASA MO ANG
Servant of God
Spiritualité2012-present singing joyfully and gracefully to the Lord!🎼🎶🎵 2019-present proclaiming the word of God 🎤