Allissa's POVPagkalapag ng eroplano ay mabilis akong naglakad palabas ng airport. Dahil kanina pa nagtext si Luke na nag-aantay daw siya sa labas.
Nang makalabas na ako ay agad kong hinanap si Luke, ngunit sa paglilibot ng mga mata ko ay iba ang aking nahagip. A happy family, a scene where a mother hugs her daughter tight because of longingness. I immediately shook my head when I remembered someone. Kamusta na kaya siya? It's been 2 years ng umalis ako, I worked in States as a Journalist. Natupad ko ang aking mga pangarap, kaya ganun na lamang kalaki ang pasasalamat ko sa pamilya ni Abby.
Hindi nila ako itinuring na iba sakanila. They treated me as a part of their family, as a daughter, pati na rin kay Abby she treated me not just a friend but also a sister. And they even told me to call them 'mama & papa' kaya yun na ang tawag ko sakanila.
Halos mapatalon naman ako ng may pumaradang itim na kotse sa harapan ko, bumukas ang bintana nito at iniluwa ang pinaka mahangin kong boy bestfriend.
"Hop in Alli"sabi niya.
Kaya pumasok na ako sa loob, at dahil muntik na akong mapatalon kanina...
" ouch!"maarte niyang sabi.
Binatukan ko lang naman siya.
"What was that for!" Inis niyang sabi.
Sa halip na sumagot ay inismidan ko lang siya.
Nagmaneho na lang siya, pero di nagtagal ay nagsalita ulit siya.
"Fine! Kasalanan ko bang nagmo-monologue ka pa!" Giit niya.
Aba! Kita mo tong gagong to!
Hindi ko siya pinansin sa halip ay itinuon ko na lamang ang aking paningin sa labas. Another scene i saw! Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko na kanina ko pa kinikimkim. Nahalata siguro ni Luke kaya naman mablilis niyang pinaandar ang sasakyan.
Nagising ako nang maramdaman kong may tumapik sa pisngi ko. Bigla akong napamulat at bumungad sakin ang nakangising mukha ni Luke.
"Tulog mantika ka pa rin pala hanggang ngayon" saad niya.
Naiinis na tinulak ko siya at naunang lumabas ng sasakyan. Pagkatapak na pagkatapak ng mga paa ko ay agad kong natanaw sa di kalayuan ang isang matandang babae na nakatanaw mula sa binta.
"Mommy" usal ko.
Sa halip na ngitian ako ay bigla na lamang niyang sinara ang bintana.
"Mommy..."
Naramdaman ko ang mga luha kong nag-uunahan sa pagtulo. Hanggang kailan mo ba ako sasaktan mommy?
"Hindi ka pa ba nasanay? Hay naku! Ikain mo na lang yan, may alam akong masarap na kainan dito. Treat ko" sabad ni Luke.
Nang hindi pa ako gumalaw ay hinila niya ako papasok sa sasakyan.
"Don't mind her, kararating mo lang umiyak ka na naman." Pangangaral niya sakin.
Did she really forget me?
Her daughter?
Agad kong pinunasan ang luha ko.
Pagdating namin ni Luke sa sinasabi niyang masarap sa kainan. Nabigla ako dahil may pinagbuksan pa talaga kami ng isang guard.
"Good afternoon Ma'am, Good afternoon Boss" sabi ng guard.
Napatingin ako sa katabi ko.
"Boss?" Ulit ko sa sinabi ng guard.
He just shrugged his shoulders ang pointed the name of this eatery.
"Luke's Café" basa ko sa pangalan na nasa itaas.
What! He owns this café?
"Amazing isn't it?" Nakangisi niyang tanong.
Napangiti ako, hindi ko akalaing magpapatayo siya ng ganitong klaseng café.
Hinila niya ako papasok at dinala sa VIP room. May sinabi muna siya more like may ininstruct siya sa waiter. Napatango ang waiter at lumabas.
"So, mind telling me kung ano nang nangyari dito?" Tanong ko.
"I will, but let's eat first" saad niya.
Pagkasabi niyang ganun ay pumasok ang waiter na kausap niya kanina kasama ang iba pang mga waiter na may dala-dalang pagkain. Para bigla akong nakaramdam ng gutom. Isa isang nilapag ng mga waiter ang dala nilang pagkain. Nang matapos na sila ay nag form sila ng isang linya at sabay sabay na nagbow.
"Hope you enjoy the food Miss Allissa" they all said in unison.
Hindi ko maiwasan ang mapangiti.
"Thank you" saad ko.
"So ano na? Kuwentuhan mo naman ako, dali!" Saad ko habang inaalog ko siya.
"Okay! Chill!" Natatawa niyang sabi.
Tinigilan ko siya sa pagkakaalog sakanya. Kinuwento niya sakin lahat. Grabe, sa dalawang taon kong nawala marami na palang nangyari dito, tulad ng Café ni Luke at naging pulis si Renz. Kinuwento din saakin ni Luke na lumago na raw ang business ni Mommy.
Hanggang sa hinatid ako ni Luke sa penthouse na binili ko habang nasa States ako, para may matutuluyan ako pag uwi ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Luke.
"Umasenso na siya, parang di na nga niya kami kilala eh!"
Totoo kayang tuluyan na akong binura sa isipan at puso niya?
Kinalimutan na niya kaya talaga ako?
Mommy...I miss you
And because of my kadramahan, a shed of tears fall from my eyes. Agad ko itong pinahid. Tama na, tama na ang iyak. Siguro dapat ko nang tanggapin to. Na kinalimutan na ako ng sarili kong ina.

YOU ARE READING
Behind The Mask
Novela JuvenilAllissa Jade De Torres, one of the famous journalist in the country. Para sakanyang promotion, inatasan siyang alamin kung bakit ang number #1 sa listahan ng mayayamang negosyanteng si Frost Matthew Montillen, is hiding BEHIND THE MASK? Magiging su...