Habang naglalakad ako papunta sa classroom, naramdaman kong nag vibrate yung phone ko sa loob ng pantalon ko. Pagkatingin ko, isa iyong text message galing sa isa kong kaibigan.
'Girl! Are you g mamaya? Let's go to a coffee shop! Bagong tayo lang outside of the campus, doon na din tayo mag review for our long quiz!' It was Roby Intengan, one of my friends sa university.
Magrereply na sana ako kay Roby nang biglang may umakbay sa balikat ko.
"Magandang umaga, binibining Mae!" Tuluyan nang nasira ang supposedly magandang umaga ko nang marinig ko ang boses ng epal sa buhay ko.
"Ace, umagang umaga. 'Wag mo 'ko binibwisit kundi matatamaan ka na talaga sakin." Ace just chuckled and ruffled my hair. Hindi ko naman maiwasan na mabwiset ulit. Inayos ko na yung buhok ko kaninang umaga! Gosh, he frustrates me so much!
"'Wag ka ngang bumusangot dyan, tatanda kang dalaga sa ginagawa mo. Lalo ka din papangit eh pangit ka na nga." Tumawa ang mokong.
"Lumayas ka na nga!" Bulyaw ko. "Taga ibang building ka tapos napadpad ka dito? Seryoso, sinusundan mo ba ako?" Seryosong tugon ko sa kanya.
Tinitigan niya ako ng sandali at bigla na lang niya akong tinawanan.
"Do you know what you're saying? You're crazy, woman." Inalis ko na yung nakasabit na kamay niya sa balikat ko at mabilis na naglakad papunta sa classroom. Ayoko nang makakita ng mukhang unggoy ngayong araw na 'to.
"Hey!" Sinundan naman ako ng epal hanggang makarating na kami sa classroom ko. Bago pa man tuluyang makapasok, nagsalita nanaman siya.
"See you later, Mae!" Sirang sira na talaga araw ko. Pumasok na ako ng tuluyan at pumunta sa upuan ko. Nakita ko naman na andito na din si Roby at Christine, mukhang nagchichikahan pa nga. Napansin nila ang pagpasok ko at sa akin itinuon ang pansin nilang dalawa.
"Seriously, iisipin ko na talaga na may gusto sayo si Ace. Araw araw ka niyang hinahatid sa classroom eh." Christine said. I looked at her like it's the most ridiculous thing I've ever heard in my entire life.
"Are you kidding me? Hinahatid o nangaasar lang para sirain yung araw ko?"
"You never know. Malay mo may hidden agenda pala." Roby said.
"Knowing Ace, wala lang talaga siyang mapagtripan kaya sakin niya ibinubunton yung pangaasar niya."
"Sabi ni Christian sa akin hindi naman mahilig mang asar iyang si Ace lalo na sa babae." Christine smirked at me. "Type ka niya besh!" She giggled. Tumaas naman yung balahibo ko. What the hell? Isa na iyon sa pinaka kadiring narinig ko.
"Well, sabi din sa akin ni Kenneth eh. At magtotropa sila so you know." Hindi na ako napakali sa topic namin dahil sa totoo lang, I can't even imagine Ace liking me in that way. So does me liking him. Ang labo lang.
"Tumigil na kayong dalawa! Imbis na love life ko yung intindihin niyo, yung inyo kaya yung problemahin niyo?" At doon ko napatigil yung dalawa. Palibhasa parehas may problema sa love life. Wala nang umimik tungkol sa Ace uranggutan na yan hanggang sa mag bell na at lunch break na namin.
Inaayos ko na yung mga gamit ko nang magsalita si Roby.
"Oo nga pala Elisa, hindi mo man lang ako nireplayan kanina. Inaaya kita doon sa bagong coffee shop na malapit sa campus. Ano, g ka ba?" Ngumiti ako ng malungkot kay Roby. Hindi kasi ako makakasama eh. Sayang lang at panigurado kasama yung iba naming tropa na sila Christian at Miguel.
"Hindi eh, may pupuntahan pa kasi ako." Nagtatakang lumingon si Christine at nagtaas naman ng kilay si Roby.
"Ikaw? Aalis? Saan punta mo?" Christine asked. This made me fidget. Kahit naman kasi kaibigan ko sila, hindi nila alam na nagpupunta ako sa bahay ni Jiro.
BINABASA MO ANG
Give In (Unstable #1)
Roman d'amour(Unstable #1) Elisa Mae Gallego wanted her life to be arranged, planned. Because she wasn't planning to let go all of the things that she has. It never even crossed her mind that there would be any major problems in the future. She was sure nothing...