Chapter 2

2 0 0
                                    

"Sebastian?"

I cannot hide my shock from seeing him here, right now.

"Why are you here?"

What should I tell him? God, this is making me crazy! Bakit ngayon pa?

"Ah, bibisitahin ko lang sila tita." I just wish he would believe my lie. I mean, it's not that hard to believe me. Close ko yung parents ni Jiro. They became my second parents along Alry's parents.

Seb narrowed his eyes.

"You are?"

"What's wrong with visiting them? Oo, wala na kami ni Jiro pero --" Natigilan ako sa pagsasalita.

"Elisa, nasa hospital sila." Fuck.

"A-ah, nandoon sila? Ikaw, bakit wala ka doon?" I forgot that they were supposedly at the hospital. I have no choice, I'll go home for today.

"May pinapakuha si tita."

"Oh, okay. Then, I'll go home for now. Next time na lang ako siguro --" He cut me off. Again.

"Bakit hindi ka sumabay sakin? Pupunta naman akong hospital. I think it's time --" Ako naman ang pumigil sa kanya na magsalita.

"No." I suddenly told him. Ayoko, wag muna. 'Di ko pa kaya.

"I'll just go home for today." Naramdaman naman na ayaw ko talaga kaya naman kusa na siyang tumigil na ipilit ako sumama sa kanya.

"Fine." He paused. "Just remember, they're waiting for you. He's waiting for you."

Tanging tango na lang ang naisagot ko sa kanya.

I know. I know they're waiting. He's waiting.

Pero 'di ko pa kaya.

"Let's break up." Today was our second year anniversary, so why? Bakit? Bakit siya makikipag break sa akin?

Ramdam ko ang pag gunaw ng mundo ko. Ramdam ko ang mga luha na nagbabadya sa mata ko, naguunahan na kumawala. Naramdamam ko ang malakas na kabog ng puso ko. Even though I was crying so hard in front of him, his eyes look so empty.

This is not him. My love of my life is not him! Mahal niya ako, mahal ako ni Jiro!

"Jiro, what happened? Bakit? May pagkukulang ba ako? Ano ba ang nagawa ko? Let's fix this, wag yung ganito." I was holding his hand, umaasang may makikita ako sa mga mata niya. Kahit konting pagmamahal lang, pang hahawakan ko. Kahit pa awa lang, pang hahawakan ko. Just for him to stay.

I can't lose him. I can't lose him, too!

"Tignan mo nga yung sarili mo, Elisa! Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?! Parang awa mo na, itigil na natin 'to!" Bawa't kataga na binibitawan niya, unti unti nanaman akong nawawarak. Unti unti nanaman akong nawawala sa katinuan. Unti unti nanamang nawawalan ng saysay ang buhay ko.

"No! Jiro, mahal mo ko! 'Di ba sabi mo di mo ko iiwan? Jiro, prank lang ba 'to? Biro lang ba 'to? Kasi hindi magandang biro 'to." Para na akong tangang nakahawak sa kamay niya. Nanginginig ang buo kong katawan, nawawalan na ako ng lakas ng loob. Pero hindi pwede. Hindi ko siya bibitawan. Hindi kakayanin ng puso ko na mawala siya. 'Wag siya, hindi ko kakayanin!

"Tama na, Elisa. Hindi na kita mahal! Naiintindihan mo ba 'ko?!" Tuluyan na ako nawalan ng lakas. Bumigay ang katawan ko. Iyak lang ako ng iyak sa harapan niya, ngunit wala siyang ginawa. Tinignan niya lang ako, na para bang hindi ako naging mahalaga sa kanya. Na para bang hindi niya talaga ako minahal.

Na wala lang talaga ako sa kanya.

"Bakit? Bakit mo 'to nagawa sakin? Sabi mo tayo na. Jiro, sabi mo ako na. Bakit?" Tinitigan ko ang mga mata niya, umaasa pa din, nagbabaka sakali. Baka may pag asa pa. Baka mahal pa niya ako.

Give In (Unstable #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon