1

61 2 0
                                    

Well my story starts here

4 years old ako noong ma confined ako sa Chinese General Hospital, may sakit kasi ako na pneumonia actually wala na akong gaanong matandaan kaya ang mga shineshare ko ay yung mga details na kinuwento ng mama ko.

Asthmatic lang daw ako noon pero lumala daw ako, one time inuwi na nila ako kasi ok na naman daw ang kalagayan ko, pero noong hahakbang palang daw ako sa hagdanan namin ay hinihingal daw ako.

Akala nila na niloloko ko lang sila kaya ang sinabi ni mama ay "Mine wag mo kaming lokohin", pero nakita naman daw nila na hindi ko ito pinepeke kaya pin check up nila ako ulit, pero sa kasamaang palad ang sakit ko ay lumala.

1 month yata akong nasa hospital noon pero syempre hindi ako nag give up.

One time sinabi ko kay mama na "Mommy hindi ko na kaya", syempre iyak ng iyak si mama kaya ang sabi niya saakin "kaya mo yan mine" then umiyak na silang lahat.

Then si Mama daw ay nag pray ng nag pray hanggang sa nagulat siya na meron daw liwanag na nakatutok sa akin, hindi ko alam kung guniguni niya lang ito or something pero nung nangyari daw yun nag ok ok naman ang pakiramdam ko.

Then si Daddy akala niya na makikita niya akong nasa lamay na, pero ayun nakita niya akong ng buhay pa....

Si Mama naman hindi siya nag give up para makahanap ng gamot saakin, to the point na lahat ng herbal ay pinapainom o pakain niya saakin, pero syempre dahil gusto ko pang mabuhay ng matagal kaya ginagawa ko ang lahat ng iyon.

After 5 years wala na akong sakit mahirap pero kinakaya para sa sarili ko rin naman iyon eh...

Pero noong 10 years old yata ako noon kaming tatlo ng closest pinsan ko ay nahawa ng tb sa lolo namin, hindi naman siya lumala kasi nga naagapan agad namin, kaya gumaling din kami after non gumaling narin si lolo.

Actually 11 years old na yung pinsan kong babae at mag 12 narin siya, then yung kapatid niya ay 13 na at mag 14 na sa January.

Ang tawagan namin ay Pipoy,Pepay,Baste, ewan koba pero si Kuya Dwane kasi ang nag pangalan saamin non eh...

Si kuya Dwane at Si Kylla ang pinsan kong pinaka close ko sa lahat dahil narin siguro mag kakasama rin kaming lumaki at syempre hindi rin nag kakalayo ang edad namin.

Si Kuya Dwane ay si Pipoy, Dane ang nickname niya

Si Kylla si Baste, Kila naman ang nickname niya

At ako naman si Pepay, Jas or mine ang nickname ko

Pero yung kasayahan namin na iyon ay mauuwi sa isang......

Let's talk about depressionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon