Reporter: Sir, mainterview ko lang po kayo
saglit tungkol sa mga kalabaw niyo.
Farmer: Okay
Reporter: Saan niyo po sila pinapaliguan?
Farmer:Yung itim o yung puti?
Reporter: Yung itim po.
Farmer: Ah, Sa sapa yung itim
Reporter: E yung puti?
Farmer: Sa sapa rin.
Reporter: (tumaas ang kilay) ah ganon po
ba.
Ano naman po pinapakain niyo sa kalabaw
niyo?
Farmer: Yung itim o yung puti?
Reporter: Yung itim po
Farmer: Ah, damo
Reporter: Eh yung puti po?
Farmer: Damo rin
Reporter:(medyo napipikon na) E san niyo
naman po sila pinapatulog?
Farmer: Yung itim o yung puti?
Reporter: yung itim!
Farmer: sa ilalim ng puno.
Reporter: eh Yung puti?!
Farmer: Sa ilalim din ng puno.
Reporter: (di na maitago ang inis) Bakit mo
pa tinatanong kung itim o puti e parehas
lang naman ang sagot mo!
Farmer: ah, kasi yung itim na kalabaw sa
akin kasi yon.
Reporter: E yung puti kanino?
Farmer: Sa akin din.