Malaya

11 1 0
                                    


× Malaya ×
__
-crystalicious-


Buong buhay ko,
Wala kong hinangad, kundi maging malaya.
Pero paano ko yun magagawa?
Kung sakin may humahadlang?



Simula pagkabata,
Wala akong ginawa, kundi ang mag aral.
Hindi ko naranasang maging masaya,
Kahit saglitan lang.



Ma, Pa,
Gusto kong maging malaya.
Bakit ayaw niyo akong sumaya?
Bakit sa lahat ng pwedeng humadlang, kayo pa?



Hindi ako robot,
May pakiramdam ako.
Sana naman naiintindihan niyo ako,
Kahit papaano.






Gusto kong magawa,
Ang mga bagay na di ko nagawa.
Mga bagay na makakapagpasaya sakin,
Mga bagay na ka'y tagal ko ng pinangarap na gawin.



Hindi naman ako magpababaya.
Asahan niyong magtatagumpay ako,
Basta hayaan niyo muna ako.
Hayaan niyong maging masaya ako.



Isang beses lang ang buhay ko,
Kaya dapat sinusulit ko 'to.
Para tuloy akong ibon na di makalipad,
Dahil sa may nakahawak sa aking pakpak.


Magiging masaya ako,
Kapag nagawa ko na ang gusto ko.
Ang maging malaya dito sa mundo,
Ang siyang tanging pinagarap ko.

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon