Pinagtagpo, pero hindi itinadhana

24 2 0
                                    



× Pinagtagpo, pero
hindi itinadhana ×
___
-crystalicious-




Ako ay parang si Maria Clara,
Ikaw naman si Crisostomo Ibarra
Ang relasyon nating dalawa,
Ay katulad rin sa kanila.




Pinagtagpo tayong dalawa,
Nag ibigan, at nagsama sa kasiyahan
Pero hindi lahat hanggang doon lang
Dahil dumating ang problema,
At doon sinubok ang ating pagmamahalan.



Bakit sa dinami dami ng pwedeng mawala
Ikaw pa ang kinuha?
Hindi ko inakala,
Na ikaw rin pala ay mawawala.




'Di ko lubos matanggap,
Na wala kana.
Kung si Maria Clara ang kinuha,
Pwes sa kwento natin, ikaw ang nawala.


Masakit sa akin,
Na kailanma'y 'di na kita makakapiling
Ala ala nating dalawa,
Ay aking babaunin.




Wala ka man ngayon sa piling ko,
Asahan mo na ang pag ibig ko
Ay kailanma'y hindi magbabago.
Ikaw lang ang tanging mamahalin ko.

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon