"HOYY! Sino yang ini-stalk mo sa FB ha?"
Muntik ko nang mai-tapon 'tong cellphone dahil sa panggugulat slash pag-uusisa ni ate.
"Kailangang manggulat, gurl?!" Napa-irap naman siya sa kawalan. 'Tong babaitang 'to! Hmp dukutin ko mata mo eh! "Wala! Kang! Pakialam! Lakad at kunin mo cp mo't mangstalk ka din! Hindi yung pinapakielaman mo ko!" Sabi ko sabay pout sa dulo.
"Isusumbong kita kay Papa! Sige, ano? Try me, baby siz. Try me." Sabi naman niya gamit ang mapang-asar na tono. Ka-epal-an talaga nito oh.
"Ows? Talaga? Bulok na pang-blackmail mo big siz.. Bulok na bulok na. Gamit gamit din ng iba, iyong non-biodegradable ha!" Sabat ko at tumaas naman ang kilay niya. Ay— wala nga palang kilay ang ate ko.
"You think I'm kidding? Sige ha!!" Kinuha niya ang cellphone galing sa bulsa ng shorts at may ni-dial doon. At bago niya ilagay sa tenga ay pinakita niya ang caller id.
Si Papa nga! Juskupo!
"Ate! Ate! End the call! Aish! Oo na oo na! Kainis ka 'no?! Ibaba mo yaaaan! Nyemas naman!" Kulang nalang lumuhod ako sa harap niya. Walang bahid na joke yung pangb-blackmail niya dahil isusumbong niya talaga ako! At ayokong mangyari yun dahil iisipin ni Papa na may bf na ako't ma-grounded nanaman ako ng ilang buwan! NOOOOOO!
Pero hindi siya natinag! At ni-loud speaker pa!!
"Hello, 'Pa?" Pambungad ni ate na nakangisi sa akin.
["Yes, nak? Napatawag ka??"] Boses ni papa sa kabilang linya! AaaAhHh lUp4 L4mUn!n m0 k0h nG4uN n4h!?
"Wala naman po. Ayy, 'pa.. Itong bunso niyo.." Napapikit ako. Paktay. Parang gusto kong tapyasin ang pareho kong tenga para di ko marinig ang sasabihin ni ate pero bago yon mas mabuting tapyasin din ang nguso ng sumbungera kong kapatid. Nako nako!
["Oh? Si Keith? Bakit, anong nangyari anak?"] Siete. Minulat ko ang mata ko at nakita ko si ate na nakangisi pa din. Sige kang bruha ka! Nakakainis ka!
"Ayun 'Pa! Miss na miss ka na! Yun lang naman, 'Pa. Sige na po byeee!" At ayun ang bastos na kapatid ko ay binabaan ng tawag ang sarili niyang ama. Haaaaayyyy ang kabaliwan mo, ate! Sagad sa kalamnan ko!
"Problema mo? Hahahahaha! Para kang natatae! Hoy bilis na, sino yon ha? Kwento! May boypren la na 'no? Nakwooooooo! Yan na nga ba sinasabe ko eh teka mai-dial uli si Papa at mai-sumbong kit—"
"DAMI MONG ALAM, ATE! Ewan ko sayo, wala akong boypren, crush ko lang yung ini-stalk ko! Hmp! Lamasin ko bibig mong walang preno eh!!" Kagigil 'to, pinaglihi ata sa parrot at napakadaldal! Buti nalang at di ako nagmana diyan!
"Ahhh... Okay. Patingin nga! Dali! Mahusgahan!" Sabi niya at ngiting-ngiti. Aba't! May balak pang agawin ang beyb ko?? HAHAHAHAHA hinde joke lang. In my wildest dreams would he ever be my 'babe'. Tama na iyong kras-kras lang.
Baka mamaya may gerlpren pala iyon tapos umaasa ako sa wala hano? Ouch, masakit yung ganon!
Binuksan ko ulit ang cellphone ko at binuksan at profile picture niya saka pinakita sa ate ko kahit labag sa kalooban. Sandali siyang tahimik hanggang sa tumili siya— take note, yung nakakabasag ng pinggan at salamin?
Jusko ka ate! Sakit mo sa bangs!
"KYAAAAAAAAAAAAHHHHHH! O my gee, Keith! Ang pogi-pogi ng crush mo! I crush him na rin! HIHIHIHI! What's his name? Sabihin mo, sabihin moooo! Mai-add tapos mai-chat hehe! Sa ganda kong 'to hindi malabong baka magustuh—"
"HOY magtigil ka nga ate! Bunganga mo nanaman, walang palya! At tsaka! Sakristan yan 'no! Banal yan! Di yan papatol sayo kasi bukod sa masama ugali mo't napakadaldal, gurang ka na! Sing-tanda ko lang yan eh! Tsupi!" Sabi ko sabay irap at tumawa naman siya.
"AHAHAHA joke lang siz, iyo na yan. Hmp makapagsalita ito! Kala mo naman, e ikaw nga 'tong hamak na demonyita sa ating dalawa! Di kayo bagay! Pero wait.. Pano mo yan nakilala?"
Napatingin ako sa malayo. At napangiti nang maalala kung paano ko siya nakilala at nung una naming pagkikita.
Tama ka ate, demonyita ako, at anghel naman siya.
YOU ARE READING
The demonyita & the fallen angel
Teen FictionNakikita niyo siya bilang isang normal at tipikal na babae. Hindi maganda pero hindi rin naman pangit. Mukhang maamo naman, pero demonyita talaga. May pagka-pilya. Sinong may gusto non?! Baka nga pag tinanong mo ay puro pagsusungit lang ang isagot s...