Chapter 3

7 0 0
                                    

Chapter 3: Mr. Permanent Smile.

(-:Meiko's POV:-)

Oh my god! What is he?

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

Hindi ako makasagot sa sobrang kaba kaya hinila niya ako at tinapat ang kutsilyo sa leeg ko.

"Sagutin mo ako. Anong ginagawa mo dito?!" Sabi niya.

'Damn, hindi ko siya kayang patayin. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko kaya.'

Oh shit! Nalaman ko kung ano ang iniisip niya.

Hindi niya kayang patayin.

Gumaan ang loob ko ng binitawan niya ako at itinulak sa putik.

Shit! Favorite shirt ko pa naman to!

"Hindi kita papatayin ngayon, siguro bukas o makalawa." Sabi niya at naglakad na.

Pero huminto siya ng bahagya.

"Pero mag ingat ka." Sabi niya dumiretso sa paglakad.

'Tss. Mag ingat daw ako! Sino ba sya? Bat ganon ang itsura nya bat ganon ang bibig nya bat an laki ng mata nya?'

"Ate Mei..." Pagtawag ng isang mahinang boses.

Lumingon ako at nakita si Scarlette.

Tumakbo ako patungo sa kaniya at yinakap siya ng mahigpit.

"Saan ka ba pumunta batang ka?!" Inis na sabi ko.

"Binitawan mo kasi kamay ko. Yun napalayo ako." Sabi niya.

"Halika ka na nga. Balik na tayo. Baka hinahanap na tayo nila tito." Sabi ko at hinila ang kamay niya.

(-:Scarlette's POV:-)

Shit! Napahiwalay ako kay ate! Di pa naman ako pamilyar sa lugar na'to.

Tiningnan ko ang paligid ko naghahanap ng isang daanan papunta sa mansion.

Pero paglingon ko ay may nakita akong figure.

Nakasuot siya ng black na hoodie black pants at puting converse.

Nakasuot siya ng dark blue na mask kaya hindi ko makita ang mukha.

Pero mas lalo akong natakot ng hinila niya ako at naramdaman ko na nakasandal na ako sa puno.

"Anong ginagawa ng isang mortal na katulad mo dito?" Tanong niya at tinapat ang kaniyang dalang scalpel banda sa may abdomen ko.

Hindi ako nakasagot sa sobrang ko.

"It's either sasagot ka o kuhanin ko ang kidney mo!" Sigaw niya.

"Kasama ko si ate papunta rito. Nagkahiwalay kami." Mahina kong sabi.

"Mga mortal talaga.. Ang tanga tanga." Sabi niya.

"Hindi ako tanga!" Sigaw ko sa kaniya at diniinan niya ng konti ang pagtapat ng scalpel niya.

"Talaga?" Sabi niya at inangat ng halfway ang mask niya at dinilaan ang pisngi ko.

"Ang tamis." Sabi niya at tinanggal ang scalpel niya sa abdomen ko.

"Hindi kita papatayin. Pero mag-ingat ka." Sabi niya at umalis.

Tumakbo ako ng tumakbo ng makita ko si ate Meiko ay nakampante ako.

Again, lineksyonan niya ako at hinila pabalik ng mansyon.

Kumatok si ate at bumati sa amin si Tito Splendor.

"Oh! Bakit ngayon lang kayo? Saan kayo galing?" Nagaalalang tanong ni Tito.

"Sa forest lang po." Sabi ni ate.

"Oh sya! Punta na kayo sa kuwarto niyo at magayos. Ipapakilala kayo ni daddy niyo sa mga proxies at killers niya." Sabi niya.

Tumango na lamang kami ni ate at pumunta sa kuwarto namin.

"May nakilala ka ba kanina Scarlette?" Tanong ni ate habang nagtatali siya ng buhok niya.

"Opo, isang lalaking nakabalck lahat ang suot at nakablue na mask. Kukuhanin niya daw sana ang kidney ko." Sabi ko at sinuot ang purple and black striped long sleeve shirt ko.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

Nakasuot ako ng black striped long sleeve shirt, fishnet stockings na dinoblehan ko ng leather shorts at black combat boots.

"Ehh ikaw ate, May nakilala ka rin ba?" Tanong ko at lumingon sa kaniya.

"Oo, isang lalaking naka-white na hoodie na may dugo dugo at maputi. Kasing puti ng papel. Tapos parang hiniwa niya yung mouth niya. Parang permanent smile." Sabi niya at tumayo.

"Papatayin niya sana ako pero hindi niya kaya. Nabasa ko ang iniisip niya." Sabi niya at inayos ang kaniyang blue collared shirt at ang belt ng kaniyang highwaisted ripped shorts.

"Ahh okay... Halika ka na ate, baka nainip na sila daddy." Sabi ko.

"Yun nga dapat ang sasabihin ko eh." Sabi niya sabay tawa.

Tumungo na kami sa baba at pumunta sa sala.

"Mabuti at napagisipan niyo na bumaba na." Sabi ni Tito Trender.

"Ito? Ito yung mga anak ni boss?" Tanong ng babaeng maputi at may mahabang itim na buhok.

"Pero, ba't may mukha sila?" Pagbibiro ng isang batang babae.

"Sally.. Manners.." Sabi ni Tito Offender.

"Okay.." Cute na sabi ng batang nagngangalang Sally.

"Ang cute niya!" Sabi ko.

"Thank you ate.." Sabi niya.

"Scarlette.. Scarlette ang pangalan ko."

"Sorry boss late kami!" Sabi ng isang boses.

Lumingon kami ni ate at nakita ko ang lalaki kanina at yung lalaki na dinescribe ni ate.

"Ikaw?!"


Bloody Love (Creepypasta Fanfiction)(Lime)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon