Prologue:

16.4K 263 33
                                    

Naniniwala ka ba sa mga kuwento tungkol sa mga antigong bagay? Mga kuwento tungkol sa mga bagay-bagay na may naitatagong hiwaga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naniniwala ka ba sa mga kuwento tungkol sa mga antigong bagay? Mga kuwento tungkol sa mga bagay-bagay na may naitatagong hiwaga. Yung hindi maipaliwanag basta-basta? Kung minsan mapapaisip ka kung guniguni lang ba ang nakita mo o nasilip ng mga mata mo o sadyang malikot lang ang imahinasyon ng iyong isipan?

Limang taon na ang nakakaraan ng nangyari ang kuwentong ito nang nag out of town ang mga Agustin sa Tagaytay. Hindi kalayuan sa rest house ng pamilya ay may nakatayong isang antique shop. Lahat ng mga tinitinda rito ay masasabi talagang pawang authentic na mga antique collections. Ang mga tindang atigong bagay ay nalikom sa iba't ibang panig ng Pilipinas. At meron din nagmula sa ibang bansa. Medyo may kamahalan ang mga tindang kagamitang antigo rito ngunit lahat ito ay nagtataglay ng mga kakaibang ganda na nakakaakit sa kahit sino man turista na pumunta kung kaya ay madaling mabili rin ang mga ito.

Isang araw habang namamasyal ang mag asawang Shanelle at Jenmark sa labas ng rest house nila, naagaw nang atensyon ng antique shop ang paningin ni Shanelle. Bigla siyang nagkainteres na pumunta rito. Naisipan naman niya rin yayain ang asawa na si Jenmark.

Pagdating nila sa harapan ng antique shop ay bumungad agad sa kanila ang mga magagandang nakadisplay na antigong estatwa sa may gate entrance. Manghang mangha ang mag asawa sa mga estatwa dahil sa sobrang pulido at detalyado nang pag kakagawa.

Mayamaya pa ay may sumalubong sa mag asawa na isang babae. Si Ms.Domingo. Siya ang may ari ng antique shop.

"Kumusta sa inyong dalawa, ako nga pala si Ms. Domingo. Ano ba ang maipaglilingkod ko sa inyo? Bibili ba kayo?" Bati ni Ms. Domingo sa mag asawang Agustin na may kasamang ngiti.

"Ay hindi po. Napadaan lang kami ng mister ko rito sa antique shop ninyo. Mukha po kasing napakagaganda ng mga tinitinda ninyong mga gamit dito." Tugon ni Shanelle kay Ms. Domingo.

Nang biglang may nakakuha ng atensyon naman ni Jenmark sa loob ng antique shop. Isang lumang portrait na may nakapintang isang napakagandang babae. Nakasabit naman sa may harapan ng cashier area nitong antique shop.

"Ah, Ms. Domingo binebente ninyo po ba ang portrait na iyan?" Tanong ni Jenmark.

"Oo naman sir! Alam ninyo ba na bagong dating lang 'yan dito sa shop namin kahapon." Sagot ni Ms. Domingo.

"Talaga po. Saan naman po 'yan galing?" Curious na tanong ni Jenmark kay Ms. Domingo.

"Ang sabi sa akin ng lalaking anique collector na nagbenta niyan dito sa antique shop ko, nagmula pa daw ito sa probinsya niya sa San Rafael, Bulacan. Ten decades na daw 'yan sa pamilya niya. Ang kuwento pa niya sa akin ang babaeng nasa portrait ay ang kanyang lola niya na si Kristina."

"Lola niya po ang nasa portrait? Eh, kung lola niya po ang nasa portrait bakit niya binenta sa antique shop ninyo Ms. Domingo?" Tanong naman ni Shanelle.

"Naku ma'am hindi ko na tinanong kung bakit niya binenta sa akin. Alam ninyo kasi sa ganitong business kapag may dumarating na mga antigong kasangkapan hindi na tinatanong ang dahilan ng isang seller sa shop namin kung bakit niya gustong ibenta. Ang importante lang sa amin ay ang pera na kikitain namin dito. So, ano interesado ba kayo sa portrait ni Kristina?"

Kristina (Short Story Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon