Chapter 3

6.4K 172 10
                                    

"AAAAAAAAAH!" Isang sigaw ang pinakawalan ni Leslie sa kanyang bibig ng magkaulirat na siya. Pagkagising naman ni Leslie ay nasilayan niya ang mga mukha nina Mr. and Mrs. Agustin. Marahan na bumangon si Leslie sa ulohan ng kama niya. Nagsimula naman ang mga magulang niya na kumustahin siya.

"O, anak anong nangyari sa'yo?" Bulalas na tanong ni Shanelle sa anak na si Leslie.

"At saka ba't ka ba nahimatay kanina? Nagpalipas ka ba ng tanghalian at hapunan Leslie?" Dagdag pa ng ama niya.

Ngunit si Leslie ay tulala lamang sa mga magulang. Hindi siya makapagsalita pero kitang kita sa mga mata niya ang takot na namumutawi sa kanya. Hanggang sa itinaas ni Leslie ang kanyang kanang kamay at itinuro ng hintuturong daliri niya ang portrait ni Kristina na nakasabit sa pader. At bigla siyang nag wika na, "Kristina..." Tanging pangalan lamang ni Kristina ang nasambit ni Leslie sa mga magulang niya na labis nag aalala sa kanya.

Nagtaka naman ang mga magulang ni Leslie kung bakit itinuturo nito ang portrait ni Kristina.

"Bakit anak? Anong problema?" Tanong ni Shanelle.

"M-may... sademonyo ang K-Kristina na iyan." Tugon ni Leslie habang nanginginig sa takot.

Bigla naman nagkatingin pareho sa mga mata ang magulang ni Leslie nang narinig nila ang sinambit ng anak. Bigla silang kinilabutan. Niyakap naman ni Shanelle ang anak na si Leslie. Naaawa siya sa kanyang anak dahil sa sobrang takot na nadarama nito sa mga oras na ito.

Matapos ng tagpo na iyon ay napagdesisyunan ng mga magulang ni Leslie na doon na lamang siya patulugin sa kuwarto nilang mag asawa. Para may kasama na rin muna matulog ngayon gabi ang kanilang anak lalo na't binabalot ito ng matinding takot.

Bago matulog sina Mr. and Mrs. Agustin ay napagpasyahan nila na isasaoli na ang portrait ni Kristina sa antique shop na pinagbilhan nito. Pagkatapos ay natulog na rin ang mag asawa sa kama katabi ang anak nila na si Leslie.

Ang lahat ay tulog na. Mahimbing na natutulog magkasama ang pamilya Agustin sa kuwarto. Sa kalaliman naman ng tulog ni Leslie ay bigla siyang nanaginip. Panaginip na magdadala sa kanya sa isang nakaraan. Sa nakaraan na magbubukas sa kanya ng kaunawaan sa likod ng larawan ni Kristina.

Flashback:

Seytembre, 12, 1899

"Patayin! Patayin! Patayin!" Sigaw ng mga mamamayan sa San Rafael, Bulacan sa isang malaking kubo na pagmamay ari ng isang magandang dilag na si Kristina. Si Kristina na hinihinalang isang masamang mangkukulam.

"Matatapos na ang kasamaan mo Kristina Magdalena Asuncion!" Sigaw naman ni Gobernador Juan Santiago Torres. Ang gobernador ng San Rafael.

Mula sa bintana ng kubo ay sumilip ang isang dilag na ubod ng ganda. Si Kristina. "Ano bang ginawa kong masama sa inyo at sinusugod ninyo ako sa aking bahay! "Kuwestiyon ni Kristina sa mga mamamayan na sumusugod sa kanyang kubo.

Kristina (Short Story Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon