Chapter 4

5.5K 165 3
                                    

Leslie's POV:

Makakahinga na rin ako ng maluwag. Ibinalik na Mom at Dad ang portrait ni Kristina sa antique shop na pinagbilhan nila nito. 

Si Kristina ay isang parte ng isang masalimuot na nakaraan. Ang kanyang kagandahan na tinataglay ay binabalot ng hiwaga. Ang bawat detalye sa pagpinta ng kanyang imahe sa portrait ay pinaghirapan ng kanyang ama base na rin sa aking napanaginipan.

Siguro nga binalot ng matinding pagkamuhi ang kaluluwa ni Kristina na nakakulong sa loob ng portrait. Pero naiintindihan ko kung bakit nagkaganun si Kristina. Binalot siya ng sumpa na pinataw sa kanya ng ama niya bago ito mamatay. Sumpa na puno ng poot at paghihiganti sa kahit kanino man.

Hindi ko alam kung may tatalo pa sa sumpa na binitawan ng ama ni Kristina sa kanyang portrait. Pero nakakagalit din ang ginawa ng gobernador na iyon na nag ngangalan na Juan. Minahal siyang totoo ni Kristina pero ginamit lamang pala siya ng gobernador upang makamkam ang kapanyarihan niya bilang isang mangkukulam.

Nasa loob ako ng kuwarto ko nang biglang may narinig akong nag doorbell sa pintuan sa harap ng bahay. Lumabas ako ng kuwarto upang tingnan ito. 

Pagdating ko sa pintuan binuksan ko ito ng marahan at sinilip kung sino ang nasa labas. Sina Dad at Mom lang pala. Pero nagulat at nagtaka ako ng nakita kong daladala pa rin nila ang portrait ni Kristina na dapat ay isasauli na nila sa antique shop.

Pagpasok nila Dad at Mom ay tinanong ko sila pareho kung bakit nasa kanila pa rin ang portrait ni Kristina.

"Mom ano nangyari? Bakit nasa inyo pa rin ang portrait ni Kristina?"

"Sorry anak pero wala na ang antique shop." Tugon ni Dad.

"Pero bakit po?"

"May nakasalubong kami kanina na isang barangay tanod na rumoronda. Sabi niya sa amin ng Mom mo ay may isang linggo ng sarado ang antique shop. Nangibang bansa na kasi ang may ari nito." Sagot ni Dad muli sa akin.

Bigla naman akong nakaramdam ng pagkatakot. Mananatili na naman ulit ang portrait ni Kristina sa bahay. Sana lang huwag na niya akong takutin pa muli. Sobra-sobra na ang takot na nadama ko sa kanya noong isang araw.

Inilagay naman ni Dad ang potrait ni Kristina sa basement ng rest house namin. Kahit paano masasabi ko na ligtas ako. Nasa basement lang kasi ang portrait.

Nang kinagabihan ay umalis sina Dad at Mom. May pupuntahan daw kasi silang isang malapit na kaibigan na taga Tagaytay din. Baka late midnight na rin sila makauwi.

Naiwan akong mag isa sa bahay. Gaya pa rin ng dati kapag naiiwan ako na mag isa kakain lang ako ng popcorn habang nanonood ng dvd tapes sa television sa may salas.

Lumipas ang limang oras at nakakadalawang marathon na ako ng dvd tapes. Medyo inaantok na ako. Siguro napagod na rin ang mga mata ko sa panonood. 

Humiga ako sa sofa. Ipinikit ko ang aking mga mata. Ngunit ng matutulog naman na ako ay biglang nawala ang pagkaantok ko.

Sinubukan kong muli na pumikit. Sa pagpikit ko ay may naramdaman ako bigla na para bang kumalabit sa aking balikat. Napadilat ako bigla at napatingin sa balikat ko. Pero wala naman ako nakita na kung ano. Baka isa lamang ito maliit na insekto na dumapo sa akin. 

Ipinikit ko muli ang aking mga mata. Hindi pa rin ako makatulog pero pinipilit kong huwag dumilat. Hanggang sa may naramdaman akong kumalabit sa kaliwang paa ko. Bigla akong napabangon ng bahagya. Pagtingin ko sa aking paanan ay wala naman akong nakita na kahit ano. Baka insekto na naman ulit.

Humiga muli ako at sinubukan kong matulog. Sa pagkakataon na ito ay medyo nakakaramdaman na ako ng pagkaantok. Ngunit kung kailan naman ako nakakaramdam na ng pagkaantok ay may naulinigan akong nag doorbell. 

Nakakainis naman kung kailan inaantok na muli ako biglang may nag doorbell. Baka yung mga parents ko na. Tumayo ako agad sa sofa at tinungo ang pintuan. Pagkabukas ko dito ay wala naman akong nakita. Bumalik na lang muli ako sa sofa para humiga. Pero hindi pa ako nakakalayo sa pintuan ng bahay ay may narinig ako muli na nag doorbell. Lumapit muli ako sa pintuan na pahikab-hikab na. Pagbukas ko ng pintuan ay wala pa rin akong nakita. 

Sinara ko na lang ang pintuan ulit. Baka may mga loko-loko lang diyan sa labas na ng t-trip sa doorbell ng bahay.  Ngunit pagkasara ko sa pintuan ay biglang may nag doorbell muli. At sa pagkakataon na ito ay nakakarindi na ang pag doorbell ng tao sa labas. Pindot lang siya ng pindot sa doorbell. Ang sakit na sa tainga ng tunog ng doorbell.

Nagpantig na ang magkabila kong mga tainga sa sobrang inis sa taong doorbell ng doorbell kanina pa. Muli ay binuksan ko na naman ang pintuan pero wala pa rin tao. Lumabas ako ng pintuan. Siniyasat ko ang buong harapan ng bahay pero wala naman akong nakita na ibang tao. Napabuntong hininga na lang ako sa sobrang inis.

Pumasok na muli ako ng bahay at isinarado na ang pintuan. Gusto ko ng matulog sa sofa habang hinihintay ang pagdating ng mga magulang ko.  Upang hindi na ako maabala pa sa nakakarinding doorbell na iyon naisipan kong bunutin sa saksakan ng kuryente ang kurdon nito at pagkatapos ay bumalik na akong tuluyan sa sofa at humiga. Ipinikit ko na ang aking mga mata muli. Sa wakas makakatulog na ako.

Mayamaya pa ay bigla akong nagising sa aking pagtulog sa sofa. Narinig ko na naman na may nag doorbell sa pintuan ng bahay. Bumangon agad ako sa sofa at agad na tinungo ang pintuan upang buksan. Pero bago ko pihitin ang doorknob ay bigla akong napatigagal. Naalala ko kasi na binunot ko nga pala sa saksakan ng kuryente ang kurdon ng doorbell kaya paanong tumunog muli ito?

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng biglang tumigil na sa pag doorbell ang nasa labas ng bahay. 

Pabalik na ako sa sofa nang biglang ayan na naman ulit. May pumipindot na naman muli sa doorbell. Pero lubos ang pagtataka ko kung bakit tumutunog pa rin ito. Tinanggal ko na nga kasi kanina ang kurdon sa saksakan.

Sa pagkakataon na ito ay sinilip ko na sa bintana kung sino ang pumipindot sa doorbell. Pag silip ko naman sa bintana ay wala naman akong nahuling tao. Hanggang sa may narinig akong yabag ng mga paa na tumatakbo sa likuran ko. Bumaling ako ng lingon pero wala naman akong nakita. Pag harap ko muli sa bintana ay laking gulat ko ng may nakita akong babae na nakayuko. Sa sobrang gulat ko ay bigla akong napaatras at kumaripas ng takbo papunta sa kuwarto ko. 

Pagdating ko ng kuwarto ay sinigurado kong naka locked ang pintuan. Sumampa agad ako sa kama ko at nagtalukbong ng aking kumot. Mayamaya pa ay may narinig ako bigla na kumakatok sa pintuan ng kuwarto ko. 

Binalot ng pangingilabot ang buong sarili ko. Nanginginig na ako sa takot habang nakatalukbong sa sarili ko ang aking kumot. 

Habang tumatagal mas lalong lumalakas ang tunog ng pagkatok sa pintuan ng kuwarto ko hanggang sa biglang nawala ito.

Nang nawala na ito ay marahan kong inalis ang kumot ko sa aking sarili. Bumaba ako sa kama at lumapit ng dahan-dahan sa pintuan. Pero hindi pa ako tuluyan nakakalapit sa pintuan ay ayan na naman muli ang malakas na pagkatok. Sa takot ko ay bigla akong napaatras at natumba sa sahig.

Nakita ko naman na umiikot mag isa ang doorknob ng pintuan. Hanggang sa tuluyan ng bumukas ito. Pagbukas ng pintuan ay si Mom lang pala. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"O, Leslie ano ba ang nangyari sa'yo? Ba't nandiyan ka sa sahig? Saka bakit hindi nakasaksak ang kurdon ng doorbell? Buti na lang ay may dala akong susi at nakapasok kami ng Dad mo sa loob ng bahay."

Hindi ko na nagawa pang tumugon sa mga katanungan sa akin ni Mom. Agad na lumapit na lang ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

Habang niyayakap ko si Mom ng mahigpit ay naramdaman ko bigla na lumamig ang buong katawan niya at may umalingasaw na masamang amoy na nagmumula sa katawan ni Mom. Nakaramdam naman ako ng pangingilabot. Dahan-dahan kong inialis ang aking sarili sa pagyakap kay Mom. Pagtingin ko sa kanyang mukha ay nagulat ako. Nag iba ang mukha niya.

Kinilabutan ako ng matindi. Bumilis ang tibok ng puso ko. Dahil ang babae na pumasok sa kuwarto ko at inakala kong si Mom ay walang iba kung hindi si Kristina.

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Gusto kong sumigaw sa takot pero ito na naman muli ang pakiramdam na tila ba may pumipigil sa boses ko. Lumapit siya sa akin. Tinitigan niya ako ng malapitan sa mga mata ko. Nakikita ko siya na nginingitian ako. Pero ang mga ngiti niya ay sadyang nakakasindak. Nang biglang sumigaw siya ng napakalakas. Nakakabingi ang kanyang ginagawang pag sigaw. Hanggang sa nakaramdam ako ng pagkahilo at tila ay hi...hi... hihimatayin na na... naman... m... muli ako...

Kristina (Short Story Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon