Chapter 19

1K 25 0
                                        

General POV

"hoi Ivo pwede bang bitawan mo muna yang kamay ng girlfriend mo at ihawin mo itong bbq ng makakain na tayo" reklamong saad ni Minehaha

na ikinangiti ng ating bagong couple

tulad po ng pangako ni Ivo eh eto nga at nasa private resort sila nila Ivo

maganda yung ambiance dito halatang alaga

"baby ayaw mong magswimming?" tanong ni Ivo sa kanyang kasintahan habang papunta siya dun sa ihawan

"baby?" ulit ni Kyle

"oo baby, may problema ba dun?" nakangiting saad ni Ivo

umiling naman ang dalaga bilang sagot "wala naman" nakangiti pa niyang sagot "hintayin na lang kita dito, sige na BABY ihawin mo na yan"

napangiti naman si Ivo at nagsimula ng magpaypay

"edi kayo na ang sweet" si Mhing na sinasamba nanaman ang mga libro ng accounting

"kelan yung due date nung final requirement ni Sir Villaruz?" tanong pa ni Mhing

nasa cottage po silang dalawa

"hmm sa October 14 daw yun yung alam ko ha"

"aah, natapos niyo na ba yung sa inyo?"

habang naguusap sila walang awat naman ang pagngiti ni Kyle kasi si Ivo kanina pa kumakaway tas nakangiti at bumubulong ng ILoveYou kulit lang eh.

"hui, ano na?"

ayan hala ka napansin ka na ni Mhing "aish kaya naman pala" sabi pa nito napatingin kasi siya sa direksyon kung saan nakatingin si Kyle

"haha sorry,ano nga ulit yun? kulit kasi noong kapitan niyo" nakangiti saad sa kanya ni Kyle

"mukha nga, hmpf akoy nagagalit" galit galitang sabi ni Mhing

alam naman ni Kyle na galit galitan lang yun kasi kilala niya si Mhing classmate nga eh

"sorry na, peace na" kagat niya sa trip ni Mhing with paawa effect pa

so ayun kulitan to the max ang buong team sa buong maghapon

tapos eto bonfire sila ngayon sa may tabing dagat

wala nagpapainit lang trip nila eh

samantalang yung dalawa si Kyle at Ivo ayun walang sawang kulitan

"baby anong pagkain ang mabilis?" nakangiting tanong ni Ivo

"ano nanaman yang kalokohan na yan, tigilan mo na nga ako" nakangiti ding saad ni Kyle

"Paps, meron ba nun?" si Nikkie

"oo meron nun, dali na baby isip ka" si Ivo na constant ang smile

"hmm fast food?" sagot ni Kyle

"nope" iling ni Ivo

"wala namang mabilis na pagkain paps" singit ulit ni Nikkie

"sabagay wala kang utak kaya di mo maiisip yung hahaha" pambubully ni Ivo kay Nikkie

ang harsh ba haha well sanayan lang sila.

"AISH,kala mo kung sino matalino, lika na nga myloves" as usual pikon na Nikkie

at ayun walk out king hilahila ang queen ..

"baby ang haras mo naman kay Nikkie magsorry ka dun" sabi ni Kyle kay Ivo

"yaan mo na yun baby sanay na ko dun, dali na sagutin mo na"nakangiti paring sagot ni Ivo

"ayyyy" pout ni Kyle "ay wala naman kasi kong idea sa mabilis na pagkain eh" still on pouty lips "sirit na" dugtong pa nito

My Monster SpikerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon