CHAPTER 8.1

39 3 0
                                    

CHAPTER 8
PART 1

HARMONY’S POV

“Tulungan mo ako Harmony!" Sigaw ni Jethrix habang hawak siya ng isang babae sa leeg. Nakataas ito ng ilang pulgada mula sa sahig kaya naman hindi ko siya maabot.

"Tigilan mo yan!" Pasigaw kong pagpupumilit sa babae. Ngunit lumingon lamang siya sa pwesto ko atsaka tumawa ng malakas.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala akong lakas para pigilan siya. Kaluluwa na lamang siya na may lakas kaya wala akong panama sa kaniya. Bumuhos ang luha ko habang pilit nag-iisip ng paraan para ibaba niya si Jethrix.

Muling tumawa ng malakas ang kaluluwa bago itinapon ng malakas sa kabilang parte ng silid si Jethrix upang mawalan ito ng malay.

Mabilis akong tumakbo sa pinagbagsakan nito. "Sorry." At mas bumilis ang daloy ng luha sa pisngi ko.

"Harmony! Gising." Nagising ako sa pagyugyog ni Jethrix sa akin. Mabuti na lang at panaginip lang ulit ang lahat. Ngubit hindi lang ito ang unang beses na managinip ako ng may namamatay.

"Jeth!" Wika ko at binigyan siya ng masikip na yakap. Ayaw kong mawala ang taong ito.

"Binangungot ka ba?" Tanong niya.

"Yes. Namatay ka sa panaginip ko at wala akong nagawa para iligtas ka."

"Okay lang 'yan. Andito ako o, buhay na buhay kaya 'wag ka ng mag-alala." Kinuha niya ang kamay ko at inilapit sa pisngi niya. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko.

Inilapit ko ang labi ko sa kanyang mga labi. I gave him a quick kiss. His lips were soft. Hindi ko alam ang gagawin kapag wala siya sa tabi ko.

"Mag-aalas onse na. Magready ka na."

Ilang saglit lang ay nakapag-ayos na ako ng sarili. Walang bahid ng takot dahil alam kong nasa tabi ko lang siya ano man ang mangyari.

Nagsimula kaming maglakad patungong main bathroom kahit hindi naman namin alam kung nasaan talaga ito. Alas onse kuwarenta na pala. Napakabilis ng oras. Kailangan na talaga naming makita ang bathroom na iyon.

"Ito na kaya iyon?" Wika ni Jethrix habang nakaturo sa isang malaking pinto.

"Hindi ko alam. Hindi naman natin malalaman kung tatayo lanh tayo dito." Tumango lamang siya at kumaripas papasok doon.

Sinubukan niyang buksan ang ilaw at nagulat ako ng makita ng meron nga. Nakakapagtaka lang na makita na maliit lamang ang loob ng bathroom na ito kahit napakalaki nito sa labas. Pumasok kami ng tuluyan at isinara ang pinto. Kita mula sa pinto ang nakasarang shower at tinted na salamin na humaharang dito. Basa ang salamin kaya naman 'di ko maiwasang magtanong kahit medyo nakakaramdam nanaman ako ng takot.

"Jeth, may tao kaya diyan?"

"Kalma ka lang. Nandito lang ako."

Napapitlag ako ng makarinig ng tunog ng orasan. Marahil ay alas dose na ng umaga kaya tumunog ng malakas ang grandfather's clock.

"Hello. May tao ba rito?" Sigaw ni Jeth.

Napaatras siya bigla nang bumukas ang pinto ng shower. Isang nakakasulasok na amoy at makapal na usok ang lumabas dito kaya naman hindi maiwasan na kami ay ubohin. Halos hindi na rin kami makakita ng maayos dahil dito.

Isang boses ang gumimbal sa amin pagkatapos mabawasan ang makapal na usok.

"Ibalik niyo yan sa akin! Nagmamakaawa ako!"

Rinig na rinig mula sa aming kinatatayuan na hindi maayos ang pagkakasabi nito ngunit kahit paano ay naiintindihan naman.

"Sino ka?" Tanong ni Jeth habang nakatingin sa loob ng shower room.

"Ibalik niyo na sa akin 'yan" sigaw nito muli.

Kahit ramdam ko na ang takot ay pinilit ko pa rin itong sagutin.

"Wala naman kaming kinuha mula sa'yo. Narito kami upang tulungan ka."

Tuluyang nawala ang makapal na usok maging ang amoy sa loob ng main bathroom.

Nagulat ako nang makita ko ang isang batang lalaki sa aking harapan. Marahil ay nasa 8 taong gulang lamang ito. Wala itong pantaas na damit at lumalabas mula sa kaniyang bibig ang pianghalong pula't itim na likido na umaagos sa buo niyang katawan.

"Give it back, please!" sigaw nito.

"Ano ba ang maaari naming maitulong sa'yo?" Sigaw ko pabalik rito.

Mas lumapit siya sa amin at ibinuka niya ang kaniyang bibig.

'Wala nga siyang dila.'

Napaatras kami dahil bumalik ang nakakasulasok na amoy sa buong silid. Marahil ang amoy ay galing sa sugat ng pagkakatanggal ng kaniyang dila. Hindi tuloy ako makahinga.

"I was 8 years old that time. Malapit lang ang bahay namin mula sa school kaya nilalakad ko na lang. Isang araw, I want to buy a cotton candy sa malapit na store kaya kailangan ko pang tumawid. I almost hitted by a car. Lumabas mula rito ang isang lalaki and start yelling at me. Yet an old woman keep on stopping him pero sinampal niya lang ito kaya naman napaupo yung old woman sa daan. Then umalis na yung lalaki. She start bleeding."

"Harmony! Nananaginip ka nanaman!" Wika ni Jethrix.

"Kailangan na nating tumakbo palabas!" Yumayanig na ang buong inaapakan namin.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Bilis!" I run as fast as I can.

Lumingon ako sa likod namin at ang bata ay tumatakbo rin. "Bilis Jeth!" Natataranta na ako sa sobrang takot. Lumiko kami pagkaraan naming makarating sa hallway.

"Dito!" wika ni Jethrix at hinigit ako papasok mula rito. Naninikip na ang dibdib ko kakatakbo kaya napaupo ako sa sahig.

"Jethrix." bulong ko.

And everything went black.


★★★★★★★★★★★

A/N: Sorry for the short and very long wait para sa update. Medyo nagiging busy. Tapos medyo magulo pa ng konti ang update but don't worry. I-eexplain ko sa part 2 kung bakit laging nananaginip si Harmony.

Nights of CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon